Chapter 2

42 8 11
                                    

(Third Person's P.O.V)

Naglalakad si Dia ngayon sa kalagitnaan ng malakagubatang lugar nila. Probinsya talaga kasi ang lugar kung saan sila naninirahan kaya marami talagang makikitang mga puno, halaman at iba pa.

Habang sya ay naglalakad, bigla nalang syang nakarinig ng ingay na galing sa madilim na lugar.

"M-meron bang tao dyan?" Nanginginig na wika ng dalaga habang palinga-linga sa madilim at tahimik na lansangan.

Lalong kinabahan ang dalaga nang makarinig sya ng kaluskos hindi gaanong kalayuan mula sa kanya.

Nanindig ang balahibo niya at nagsisimula nang tumulo ang pawis mula sa mukha nya. Nanginginig din ang paa, tuhod at kamay nya.

Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman.

Nang makarinig sya ng yapak ng kung sino, agad syang tumakbo.

Hindi nya na alam kung ano ang gagawin nya.

Panay sigaw sya ng tulong pero walang nakakarinig sa kanya dahil nasa malayo pa ang mga kapitbahay o mga tao.

Aksidenteng nahulog nya ang dala nyang maliit na flashlight na nagsisilbing liwanag na gumagabay sa kanya mula sa madilim na lansangan.

Gumulong-gulong ito sa mabatong daanan at nang tumama ito sa malaking bato. Bigla nalang namatay ang ilaw nito.

Dali-daling kinuha ng dalaga ang flash light at sinusubukang pailawan ang daanan pero kahit anong gawin nya ay hindi na nya mapailaw muli.

Lalo syang kinabahan at nabitawan nya nalang ang flashlight sa sobrang kaba ng nararamdaman nya.

Nanindig ang lahat ng balahibo nya nang may magsalita.

"Nag-iisa ka ata, binibini,"

Hindi na sya lumingon pa upang tingnan ito dahil sigurado syang masamang tao ito na kanina pa sya sinusundan kaya agad uli syang tumakbo.

Takbo lang sya ng takbo. Takot na takot na talaga sya at gusto na nyang umuwi sa kanila pero hindi nya magawa dahil may sumusunod sa kanya at nasira pa ang flashlight nya.

"Mama! Papa! Tulong!" Sigaw nya sa isip nya habang umiiyak na.

Sugat sugat na ang paa at binti nya dahil natatamaan ito sa mga bato, nakausling kahoy at mga damong matatalim ang dahon.

"Ahhh!" Sigaw nya nang madulas sya sa pagtapak nya sa mga lumot. Hindi na nya makita ang dinaraanan nya kasi walang buwan na nagsisilbing liwanag at nasira pa ang flashlight nya.

Tanging mga aninipot lamang ang nakikita nya pero hindi rin sapat upang makita ang dinaraanan nya.

Tumama ang likod nya sa malaking puno kaya napadaing sya sa sobrang sakit.

Naghihingalo na din sya dahil kanina pa sya tumatakbo at kinakabahan.

Basa na rin ang damit nya dahil sa pawis.

"Mamamatay na kaya ako?" Nasabi nalang nya sa sarili nya.

Napasinghap sya nang makarinig na naman sya ng mga yapak papalapit sa kanya at unti-unting nagpakita ang isang taong kanina pa sya sinusundan.

"Aww, hanggang dito nalang ba ang kaya mo? Ang boring mo naman pala," wika nito.

Alam nyang lalaki ito pero hindi nya makita ang hitsura nito dahil madilim at hindi rin pamilyar ang boses nito kaya nahihirapan talaga syang kilalanin kung sino ito.

"S-sino ka? Ba't mo ba ako sinusundan?" Nanghihinang tanong ng dalaga.

Ni hindi na sya makatayo dahil sa lakas ng tama nya sa puno at pagod na rin sya.

AMNESIA (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon