Chapter 3

38 9 20
                                    

"H-hindi. . ." Nasabi ko nalang habang nakatingin sa repleksyon ko.

Paanong. . . Hindi to maaari!

Ganun pa rin ang mukha ko. Walang pinagbago, pero mas mahaba na ang buhok ko ngayon. Straight na at alagang-alaga. Maputi na rin ako. Sa una kasi lagi akong babad sa araw kaya maitim ako. Pero ngayon . . .

Hindi talaga ito maaari. . . Posible kayang. . .

Agad akong lumabas ng kwarto at tumakbo.

Naghanap ako ng malalabasan mula sa napakalaking gusaling ito. Pero alam kong nasa ospital ako ngayon.

Hindi ko na talaga alam ang nangyayare sa'kin ngayon. Paano? Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito at bakit napapalibutan ako sa mga taong hindi ko naman kilala? Nasaan si Mama, Papa at Ate? Patay na ba talaga ako?

Ang dami kong mga tanong na hindi pa nasasagot.

May nababangga ako pero hindi ko na lang iyon pinansin. Marami ding mga nakatingin sa'kin na nakakasalubong ko pero wala na akong paki.

Kailangan kong makabalik sa lugar ko. Hinihintay na ako ni Mama.

Nang makalabas na ako, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

P-paano? Ba't nasa syudad ako?

Inilibot ko ang paningin ko at puro mga gusali, sasakyan, malalaking kalsada, mall, at iba pang mga makikita sa syudad ang nakikita ko ngayon.

"Nasaan na sina Mama?" Natanong ko nalang sa sarili ko.

Napalingon ako sa likod nang may humawak sa balikat ko.

"Nag-iisa ka ata, binibini,"

Nanlaki ang mata ko sa narinig mula dito.

"Nag-iisa ka ata, binibini,"

A-ang mga katagang iyon. . .

"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko at tumakbo na naman.

Nasaan na nga ba talaga ako? Bakit nagkakaganito ako? Bakit? Hindi ko maintindihan! Ayoko na!

Napatingin ako sa likod upang tingnan kung sinusundan pa ba ako ng lalaki at nagulat nalang ako nang makitang hinahabol nga ako nito habang may dalang patalim.

N-nangyare na naman. . .

Ganito ding eksena yung nangyare sa'kin bago ako mamatay. Ganito rin. Ang pinagkaiba nga lang ay nasa syudad ako.

Ba't palagi nalang ganito ang daloy ng buhay ko? Bakit? Sana namatay nalang ako. Sana. Mas mabuti pa nga.

"Hoy! Bumalik ka dito!" Sigaw nung lalaki at patuloy pa rin akong hinahabol.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko pero parang wala ring saysay dahil mabilis ding tumakbo ang lalaki.

Napahinto ako sa pagtakbo nang makitang nasa kalagitnaan kami ng tulay na walang harang sa gilid. Siguro ay lumang-luma na ito at wala nang dumadaan dito dahil madilim at tahimik na rin.

Napangiti ng nakakaloko ang lalaki.

"Wala ka ng takas,"

Napaatras ako sinabi nya pero mali ata, dahil muntikan na akong mahulog.

Napatingin ako sa tubig sa baba.

Napalunok ako nang mapagtantong napakalalim pala nito.

Kainis! Hindi pa naman ako marunong lumangoy!

Nang akmang susugod na ang lalaki, ipinikit ko nalang ang sarili ko at hinihintay ang susunod na mangyayari sa'kin.

Pero nagtaka ako nang wala pang sumusugod sa'kin kaya dahan-dahan kong iminulat ang mata ko.

Nagulat ako nang makitang may baril na nakatutok sa ulo ng lalaki.

Napatingin ako sa nagtutok ng baril at nakita ang lalaking nakablack suit, except sa kulay white t-shirt nya. Kulay black din ang mahaba nyang jacket. May silver na kwintas sya na ang pendant ay letter 'R' at may earrings sa left side na nakalawit habang sa right side naman ay hindi.

Seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa lalaking susunggaban na sana ako. Napansin ko rin ang kulay berde nyang mata at itim na itim na buhok na may highlights na gray.

Sino sya?

"Dare to move and you'll regret it," mapagbanta nitong saad sa lalaki.

Napalunok naman ang lalaki sa sinabi nito.

Pero nagulat ako nang bigla pa ring nanlaban ang lalaki at akmang sisikmuraan na ang nakablack suit na lalaki pero nakailag ito at mabilis na sinipa ang likod ng lalaki.

Napadapa ito at napadaing sa sakit.

"Arrggh!" Daing nito habang namimilipit sa sakit.

*Bang!*

Napapikit ako nang biglang barilin ng nakablack suit na lalaki ang paa ng lalaki kaya napasigaw na ito sa sakit.

"I already told you, didn't I?" Walang emosyong wika ng nakablack suit na lalaki.

"K-kainis! Sino ka ba?!" Nagngangalit na tanong ng lalaki dito.

"There's no need to tell you co'z your life will end here," wika nito at akmang kakasain na sana ang gatilyo nang bigla akong nagsalita.

"Teka!"

Napatingin sa'kin ang nakablack suit na lalaki.

"Hwag mo nalang syang patayin," suhestyon ko.

"And why is that, huh?"

"Masama ang pumatay ng kapwa tao. Mas mabuti pang ipakulong nalang sya," paliwanag ko.

"Are you sure?"

Tumango ako.

Napatingin sya sa lalaki.

"Lucky you, she's a merciful person," wika nito at inilagay na ang baril sa bulsa ng pantalon nya.

Nakarinig ako ng serena kaya alam kong paparating na ang mga pulis sa kinaroroonan namin.

Maraming sasakyan ang huminto sa kinaroroonan namin at agad na lumabas mula doon ang mga pulis. Kasama na rin ang mga taong nakita ko sa ospital kanina.

"Oh dear! Thank God you're alright!" Wika nung babae na ang pangalan ay Natalia.

Dali-dali syang lumapit sa'kin at niyakap ako.

"Thank God, you're okay," wika pa nito at naramdaman kong nabasa medyo ang kwelyo ng damit ko.

Umiiyak sya? Bakit?

Kumalas sya sa pagkakayakap at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Please don't ever do that again, 'kay?" Pakikiusap nito habang nagsusumamo ang mga mata.

Nakaramdam ako ng guilt at lungkot. Guilt dahil pinag-alala ko sila, lungkot naman dahil hindi ko talaga alam kung nasaan ako at kung nasaan na ba talaga sina Mama, Papa at Ate.

I'm sure of it. Hindi ko talaga sila mga magulang dahil. . .

Wait, sabi nya ako daw si Diana. At na amnesia daw ako...

Ang repleksyon ko. . .

Hindi kaya. . .

Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Natalia na Mama ko na ngayon.

"What's wrong?"

Umiling ako.

"Kasalanan ko po ito. Sorry po kung pinag-alala ko ka'yo," sabi ko at yumuko sa kanila.

"You don't have to apologize. It's not your fault, okay?"

"Diana, shall we go now? I bet you're hungry now," Dagdag pa nito.

Tumingala ako sa kanya at dahan-dahang ngumiti.

"Salamat po. . . . ."

******

Hi Guys! Enjoying the story? Anyways, please don't forget to;

VOTE

COMMENT

AND SHARE.

By: 101DarkSide 💚

AMNESIA (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon