Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at ang una kong nakita ay ang puting kisame.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuang kwarto at nalamang nandito pala ako sa Ospital.
Napatingin ako kay Raven na mahimbing na natutulog habang hawak-hawak ang kanang kamay ko.
Maamo ang mukha nya kapag tulog, pero kung gising, parang laging may problemang pinapasan. Plus, seryoso din ang mukha nya.
Bigla kong naalala ang sinabi sa'kin ni Charlotte.
"Kaya lang naman pumayag si Raven na maging boyfriend mo ay dahil naaawa lang sya sa'yo."
Napabuntong-hininga nalang ako sa naalala at tumingin sa bintanang nakabukas.
Kung pwede lang sanang bumalik sa dati kong buhay, ginawa ko na noon pa.
Ba't lagi nalang kaya akong nahaharap sa panganib? Ano bang meron sa'kin? Hindi ba puwedeng mamuhay ako nalang ako ng mapayapa at matiwasay?
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Raven sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
Gising na sya. At nakatingin sa'kin.
"How you feelin'? Good?" Tanong nito.
Tumango lang ako.
"Do you want me to call the Doctor?" Tanong nya pa.
Umiling ako.
"Are you hungry?"
Umiling uli ako.
"What do you want, then?"
Umiling na naman ako.
Napabuntong-hininga sya.
"At least say something."
Dahan-dahan akong napatingin sa kanya.
"Gusto ko nang umuwi sa'min," simple kong sabi at akmang tatayo na sana nang bigla nya akong pigilan.
"You can't. You're not fully recovered for what happened yesterday. You need---
"Okay na ako, Raven. Okay na ako. Gusto ko nang umuwi sa'min." Pag-uulit ko tsaka hinawi ang kamay nya.
"Are you mad at me?" Tanong nya na ikinatigil ko.
"Hindi," sagot ko habang nakatingin sa ibaba.
"Then, why are you like that? You're acting strange." Panghihinala nya.
Tiningnan ko syang muli.
"Wala 'to. Kailangan ko lang siguro ng konting pahinga," kaswal kong sagot at nginitian sya.
Hindi sya sumagot, bagkus ay nakatingin lang sya sa'kin na para bang hindi ako nagsasabi ng totoo.
Napaiwas nalang ako ng tingin at iniba ang usapan. Ayokong sabihin sa kanya na nakausap ko si Charlotte. At sabihing sya ang dahilan ng lahat ng ito. Kung bakit ako naospital, at kung bakit ako nawala. Baka hindi nya rin ako paniwalaan.
Sa totoo lang, okay lang naman sa'kin kung ang tunay nyang mahal ay si Charlotte, dahil naiintindihan ko. Hindi ako magagalit. Kasi lahat naman tayo ay may karapatang pumili kung sino ang mamahalin natin, di'ba? Nirerespeto ko kung ano ang desisyon nya. Pero wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang tungkol kay Charlotte at sa mga pinag-usapan namin. Hindi pa ako handa. Baka lalo lang gumulo ang sitwasyon. Hwag muna ngayon.
"Nga pala, nasa'n sina Zade, Zeke, Gavin, at Denver?" Pa-iiba ko sa usapan.
Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko pero huli na ang lahat nang makita ko ang reaksyon ni Raven.
BINABASA MO ANG
AMNESIA (On-Going)
Roman pour AdolescentsDia is a teenage girl that lives in a countryside place with her mother, father and one sibling. Her daily lifestyle is somewhat hard for her because of the treatment's of her family to her. But despite of that, she still love and cherish them with...