Chapter 11

29 5 35
                                    

"Diana,"

Napatingin ako kay Zeke na nagtatakang nakatingin sa'kin.

"Is something wrong?" Tanong nito.

Umiling ako.

"W-wala,"

"Let's go, then." Aniya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Napalingon uli ako sa likod upang tingnan kung nandoon pa ba sya, pero wala na, kaya sinundan ko na si Zeke sa paglalakad.

Nagpunta kami sa isang table at pinaupo nya ako dun.

"Stay here. Don't go anywhere because I have something to do," wika nito at umalis na.

Wala naman akon nagawa kundi ang sundin ang sinabi nya na manatili nalang sa isang tabi.

Napansin ko ang moist chocolate cake at strawberry cupcake na nakalapag sa mismong lamesa.

Natakam ako dito kaya ginamit ko ang tinidor na nakalapag din sa lamesa at ginamit ito. Wala kasing kustsara, tinidor at kutsilyo lang.

Hmm! Ang sarap!

Hindi ko alam na ganito pala kasarap ang moist chocolate cake! Waaah!

Nilantakan ko nang nilantakan ang cake hanggang sa ito'y maubos.

Wew! Nabusog ako dun ah.

May lumapit sa'king dalawang lalaki at umupo sa tapat ko tsaka tinanggal ang mascara nila.

Nagulat ako nang mapagtantong sina Gavin at Denver ito.

"Anong ginagawa nyo dito?" Biglang tanong ko.

"That's our line," wika ni Denver na sinang-ayunan naman ni Gavin.

"Ah, ako ba? Sinamahan ko lang si Zeke dito," simple kong sagot.

"Where's Raven?" Tanong ni Gavin.

"May ibang pinuntahan," maikli kong sagot.

"Why are you with Zeke instead of Raven?" Tanong naman ni Denver.

"Hwag na ka'yong maraming tanong. Handa naman akong mapagalitan nun kung sakaling malaman nya," paliwanag ko at nagkibit-balikat.

"Eh kayo? Ba't kayo nandito?" Tanong ko naman sa kanila.

Nagkibit-balikat si Gavin.

"We are invited," simple nitong sagot.

Napatango-tango naman ako.

"By the way, where's Zeke?" Tanong ni Denver.

"May kailangan lang daw syang gawin," sagot ko.

"I see. How's your wound? Get better?" Tanong naman ni Gavin.

Ngumiti ako.

"Okay na ako. Salamat sa pag-aalala,"

Napaiwas sya ng tingin.

"No I'm not. I'm just asking,"

Napatawa naman ako.

Thanks to Gavin and Denver, hindi ako nagmumukhang na out of place. Hayst.

Parang ako lang kasi ang kumakain ng nag-iisa sa buong Party.

May lumapit sa'ming dalawang babae.

"Goodness Gavin! Dito lang pala kita makikita," wika nung babaeng maganda na nakapink dress at hinawakan ang palapulsuhan ni Gavin.

"Denver, please don't leave with Gavin without saying something. Got that?" Seryosong saad nung babaeng naka red dress.

"I'm sorry, but we just saw Diana who's sitting alone on this table. That's why, we came here and talked to her so that she won't feel lonely," paliwanag ni Denver.

AMNESIA (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon