Chapter Seventeen

59 3 0
                                    

Akira's POV

"Andito na tayo iha, mas mabuting si Senyorito na yung tanungin niyo nyan."

Agad akong napatingin sa labas nitong kotse, na ngayon ay nasa tapat ng entrance ng isang Mall, siguro eto na yung sinasabi ni kuyang driver na SM MoA. Yeah, I swear, never pa akong nakapunta dito.

Bumaba mula sa kotse si kuyang driver, tumungo at binuksan itong pinto ng kotse kung saan ako naka-upo. Bumaba ako kahit hindi ko alam ang gagawin at kung ano ang mangyayare ngayon. Aish, humanda talaga sakin yang Akiyamang yan. 

"Sumunod ka sa akin iha."

Ugh, hindi ko alam kung susunod ba ko o hindi. Aaminin kong kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero ambilis talaga ng tibok ng puso ko.

"Iha? Akira, hindi ako masamang tao, may pamilya ako at gusto ko silang buhayin sa marangal na trabaho. Magtiwala ka sakin, mabait ang mga Akiyama, matagal na akong nagtatrabaho sa kanila." - kuyang driver.

Naramdaman ko yung kabaitan ni kuya. Naniniwala naman ako, pero hindi mo naman maalis yung pagtataka. Si Martin? Pinapahatid ako sa isang mall? Eh ano namang gagawin ko dito diba.

"Tara na?" Muling tanong ni kuyang driver.

"Osige na nga kuya, pero wag mo kong iiwan ha? Hindi ko alam tong lugar na to e."

"Haha, sige iha." Ngumiti si kuya at naglakad papasok ng entrance, sumunod naman ako sa kanya hanggang nakarating kami dito sa isang mukhang mamahaling restaurant. Kaunti lang ang tao, at karamihan ay mga mag-on pero may mga magpamilya naman.

"Pumasok ka na iha, naghihintay sa'yo si Senyorito."

"A-andito si Martin?"

Hindi sumagot si kuya, ngumiti lang siya at sinenyasan ako na pumasok na. May tiwala naman ako kuya, alam ko namang hindi niya ko ipapa-bugaw -__-

Pumasok na ako at nakita ko na may isang lalaki na naka-upo sa bandang dulo at pinaka-corner nitong restaurant, nasa tabi siya ng glass wall.

Unti-unti akong lumapit. Aish, gusto ko siyang sabunutan habang nakatalikod pa siya.

At ngayon, nandito na ako sa likod niya. Medyo kinakabahan ako, gindi ko alam kung anong gagawin namin dito. Bigla naman akong nagdalawang-isip kong haharapin ko pa tong lokong to. Kala niya nakalimutan ko na yung ginawa at nangyare kanina? Argh!

"Pwede ka naman umupo kung gusto mo."

O___o

Pano niya nalaman na nandito na ako? Eh nakatlikod siya sakin? May mata ba to sa likod??

Tinuro niya ang glass wall na nasa tabi nitong table.

Aish! Oo nga pala =___= kitang-kita pala ako mula dito sa kinatatayuan ko. Ang dakila ko talaga -__-

Fall with Him If you DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon