Tumigil na ang school van na sinasakyan namin dito sa tapat ng Blitz Department Store.
Sobrang laki nga talaga ng BDS. Bihira lang ako mapadaan dito, at sa tuwing napapadaan naman ako dito, never kong binalak na pumasok dito. Itsura pa lang ng Department Store, eh mukhang bubutasin na yung bulsa ko. At isa pa, yung isang damit dito is equal sa benteng damit na mabibili sa mga tiangge-an. Oh diba? Para sa isang dukha na tulad ko, mas prefer ko pang makipagsiksikan at kapalan ang mukha ko para lang makahingi ng tawad sa mga tiangge-an.
"Welcome to Blitz Department Store Ma'am and Sir."
Magiliw ang pagbati ng mga sales lady dito sa BDS. Ngumiti na lang ako sa kanila. Tch, minsan talaga nagiging plastic ako pagkaharap ko mga sales lady e. Sa totoo lang kase, asar ako sa kanila -__- everytime kase na pipili ako ng mga damit sa mga department store na ganto, magugulat ka na lang dahil bigla na lang silang susulpot sa tabi mo. At kung makasunod naman sila sakin, daig ko pa convicted. Kaya imbis na makapili ka na maayos, maiilang ka na lang sa pagsunod nila sayo.
"Dun tayo sa Ladies."
Umakbay sakin si Dereck habang papunta kami sa ladies section. Wag kayo, walang malisya. Sanay na ko sa mga gantong akbay ni Dereck.
Paikot-ikot kami dito sa ladies section. Grabe lang, andaming magagandang damit at siempre kaakibat nun, ay yung mga presyong mapapamura ka talaga. Kaya ako, ang hanap ko ngayon ay yung pinaka-simpleng damit. In short, yung mura. Haha! Wala eh, poor kid ang lola niyo.
"Wala ka pa bang nagugustuhan?"
"Wala pa." Daretsong sagot ko. Eh wala akong makitang mura e -___-
"Ano pong hanap niyo Ma'am?"
Oh diba, di ko man lang narinig yung yabag ng paa nitong sales lady. Nakakatamad ng mamili -___-
"Get the best dress for her."
"Okay po Sir."
Batas naman kung maka-utos tong si Dereck. tsaka, best dress?? Eh pag best dress, worst naman ang price!!
"Teka Miss!" Napatigil naman yung sales lady sa pagsigaw ko. Pati mga ibang customer, napatingin din sa direksyon kung nasaan kami. Nakakahiya :3
"Ahehe, yung pinaksimple lang miss." Mahinahon pa kesa kay Maria Clara ang tono ng boses ko.
"Po?"
"She means, yung pinaka-simpleng best dress. Tama ba Akira?"
"H-ha?" Nakita kong kumindat sakin si Dereck.
"Tama, yung pinaka-simpleng best dress." - sabi ko.
Ano daw? Simple pero yung best?
?____?
Nakita ko ding naguluhan yung sales lady bago siya umalis.
Wala pang isang minuto nang bumalik yung sales lady at may dala siyang isang simple pink dress. Woah, parang alam ni ate yung favorite color ko ah. Inabot ko yung dress na hawak niya. Simple lang siya, as in napaka-plain niya pero magarang tingnan at maganda ang tela. Agad kong tiningnam yung price.
O____o
"F-five thousand??" Pasigaw na bulong ko ng makita ko yung mala-gintong presyo ng damit na 'to. Aray ko bhe, mukhang maba-bankcrupt ang very dear wallet ko -__-
"Do you like it?"
Lumapit ako kay Dereck at bumulong.
"Alam mo Dereck, may alam akong tiangge-an. Maganda din mga bentang dress dun. 300 lang yung ganto nila dun."
BINABASA MO ANG
Fall with Him If you Dare
Novela JuvenilWould you dare to fall in love with a guy who you know that he will never feel the same way you have for him? Or would you dare to take the pain just to know what he exactly feels for you? Let's unfold the story of a lady who falls in love.