Akira POV
Andito kami ngayon ni Dereck sa isang mall.
"Do you want to eat?" - Dereck.
"Eat? Sino pa bang tatanggi sa pagkaen? Oo naman ^___^"
Ngumiti siya sakin at sabay na kami bumaba ng kotse ni Dereck.
Nauuna siya maglakad at sumusunod lang ako siya hanggang sa tumigil kami dito sa isang restaurant. Mukhang pang-mayaman dahil ang unti lang ng tao.
Inalalayan naman ako ni Dereck sa pag-upo dito sa magandang table. May lumapit na waiter samin at may binigay siyang menu. Kinuha yun ni Dereck at tiningnan.
"One... tsa tse tsi blah blah."
Hindi ko naintindihan yung inorder ni Dereck dahil kakaiba yung pangalan. Inabot sakin ni Dereck yung menu.
"Pili ka na Akira."
Binalik ko naman kay Dereck yung menu dahil hindi ko naman di alam kung ano yung masarap. Haha.
"Yung inorder mo na lang din ^___^"
Kahit medyo madami yung inorder ni Dereck, yun na lang din ang kinuha ko, meron naman akong perang pambayad dahil sa allowance na binigay ni Martin at may natira pa naman sa binigay ni Mr. Akiyama.
"Is your first day okay?" Tanong ni Dereck.
Bigla ko na lsng naalala yung panlalait ng mga classmate ko, at pang-aasar ni Jake at yung nakakabwisit na mukha ni Martin. Aishhh. Pero ayoko naman bigyan ng worries si Dereck, magiging maayos naman siguro ang lahat pag tumagal na ako.
"Yeah, okay naman ^___^ hindi nga lang sanay yung mga estudyante dun sa fashion ko. Haha!"
"Si Martin? Hindi ka ba niya pinapahirapan?"
"Ah, hindi naman Dereck."
"Good to hear that."
"Here's your order Sir."
Dumating and dalawang waiter namay dalang mga tray at isa-isa nilang inilapag ang mga pagkaen na inorder namin.
Grabe lang, pang-mayaman talaga ang itsura ng pagkaen, parang ayokong kainin sa sobrang ganda ng pagkakaayos.
"You don't want it Akira?"
"A-ah? Hindi Dereck, nakakaano kaseng galawin e. Sayang effort sa pag-ayos nila ng pagkaen. Hehe."
"Haha, iba ka talaga Akira."
"Joke lang. Haha"
BINABASA MO ANG
Fall with Him If you Dare
Teen FictionWould you dare to fall in love with a guy who you know that he will never feel the same way you have for him? Or would you dare to take the pain just to know what he exactly feels for you? Let's unfold the story of a lady who falls in love.