Chapter Ten

111 4 0
                                    

Akira POV

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

O___o

Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ko ng makita yung mukha ni Martin.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Lakas mo din humilik pala no?"

Aish! Eh bakit ba kase siya nandito!

"Ano ba kailangan mo?"

"It's your first day in Akiyama University. This is your schedule."

"First day ko na ngayon??"

Tumango siya. Inabot ko yung papel na hawak niya kung saan daw nakasulat ang schedule ko.

"Anyway, I have something to ask you kaya nandito ako."

"Ano yun?"

"Last summit conference." Bigla akong kinabahan sa itatanong niya. "Are you with Dereck that night?"

*dug dug*

"A-ah?" Shemayyy. Pano niya nalaman??

"Stop acting like that. I'm talking about Dereck, Dereck Villafana."

Seryosong nakatingin sakin si Martin. Grabe lang, yung tingin niya, parang papatayin ka sa oras na magsinungaling ka.

"Ah, oo e. Schoolmate ko siya, tsaka sinama lang niya ko nung araw na yun." Ugh, ano pa bang alam niya?? Kinakabahan talaga ko, as in. Alam kaya niyang nakita ko silang nag-aaway ni Dereck? Shems, wag naman sana. Ayokong ma-involve sa away nila.

"Okay, sige na. Bumangon ka na dyan. And your breakfast are here, as stated in the contract, you will be treated like a boss dito sa mansion."

Tumayo na siya sa kinakaupuan niya at lumabas na nh kwarto ko. Wooh. Akala ko lalabas na naman yung sungay niya e.

Anyway, first day ko daw ngayon sa Akiyama University, ambilis lang, sabagay, walang imposible para sa isang Akiyama.

Di ko alam kung anong nararamdaman ko, medyo excited ako pero at the same time, medyo kabado. Hindi biro ang pumasok sa isang sikat na University, pero para naman to sa scholarship. Minsan lang yung gantong opportunity kaya pumayag na din ako kahit alam kong madaming gawain ang papasanin ko, lalo na yung mga assignment nung mokong na yun. Aish, nawawalan ako ng pride sa sarili dahil sa kanya e! Tch.

--

Tapos na kong magbihis, hayy, mukhang kailangan ko ng kunin yung ibang damit ko kila Tita. Nakakahiya naman kase kung paulit-ulit kong susuutin tong sampung t-shirts at dalawang pants ko sa ganung kabonggang University.

Fall with Him If you DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon