Abby's POV
Hindi ko alam kung nasan ako ngayon.
Ang daming tao, lahat sila nakatingin sakin.
Ako lang nagiisa.
Oo, nagiisa na lang ako.
Wala na si Josh.
Wala na ang nagiisang lalaking akala ko makakasama ko habangbuhay.
Ayoko na dito..Natatakot na ako..
......
......
......
Nang may biglang humawak sa kamay ko.
"Jeon? Ba't ka nandito?"
"Para samahan ka, obvious ba?"
sagot niya sakin.
Naglakad kami paalis sa lugar na yun na hawak hawak pa din niya ang kamay ko.
And I realized.
Hindi pa pala ako nagiisa.
I still have this guy..
...
...
..
..
"Huh? Anong nangyari?
AAAAHHH!!! Sakit ng ulo ko..parang umiikot yung paligid ko pagbangon ko sa kama.
Teka, nasan ako?"
"Arf!! Arf!!"
"FLUFFFY!!!!!!!"
Fluffy, the cutest dog in town., not just cute, sobrang malambing pa..
Obvious naman sa itsura niya bakit yun ang pinangalan sa kanya. Isa kasi siyang maltese.
And yung fur niya sobrang fluffy...hmmmm....sarap yakapin....
Kung nandito si Fluffy, ibig sabihin nandito din yung amo niya???
NO WAAAAYYYYY.....napatigil ako sa pagyakap kay fluffy..
Teka...
Hindi ako nagkakamali mukhang alam ko tong kwartong to ah..
KWARTO KO TO DATI!!!!!
"Mam Abby, gising ka na pala."
Biglang pumasok sa kwarto
si Manang Gie.
Si Manang Gie,ang tanging kasambahay na nakatagal sa mansion na 'to at ang nagging pangalawang nanay ko na din. Namatay na kasi ang mga magulang ko nung 8 years palang ako kaya kami nalang ni Kuya nun ang magkasama. Simula nun, nagstay na ako sa Tita ko at si Kuya ay nagtrabaho na dito sa Manila.
Simula nang nag stay ako dito sa mansion dahil napapayag ni Kuyasi Sir Kiko na daddy ni Jeon na dito n lng ako tumira.Tinuring na ako ni Manang Gie sa isang tunay na anak at ang masasabi ko lang kay Manang Gie, isa siya sa mga pinakamabait na taong nakilala ko.
Nasa fifties na siya pero hindi halata sa itsuraniya. Ang ganda pa din niya kaso sayang wala pa din siyang asawa ngayon, tinuon na kasi niya lahat ng atensyon niya sa alaga niya.
Teka, Nananaginip ba ako?Bakit nakikita ko sila ??
Pinisil ko ang pisngi ni Manang Gie. Gusto ko lang malaman kung totoo ba siya o nananaginip lang ako.
Pinisil niya din ang pisngi ko..
"ARAY!! Totoo ka nga!!!" sigaw ko.
Natawa na lang sakin si Manang Gie.
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Kanan
RomancePano nga ba talaga mahahanap ang Mr. Right ng buhay mo? Kailangan ba talaga ng mga signs para masabi na siya talaga si Mr. Right? Paano pag hindi tugma lahat ng signs na yun sa lalaking nakalaan para sayo? Matatawag mo pa din ba siyang Mr. Right? A...