March 13 2018
생일 진심으로 축하 드려요! 생일이 다가오길 바래! 집으로 돌아와 주세요. 사랑해요. Happy Birthday to my one and only boyfriend and will always be my forever oppa! 김 명 소❤ (hirap maghangul jusko) alam ko marami nang may kakilala sa kanya kasi sikat na sikat siya dito sa wattpad at for sure marami din tayong nagfifeeling na girlfriend niya 😂😂✌
Happy birthday again my Love! Hindi man kita nakita nung pumunta ako sa Korea pero yung nakapunta ako lugar mo is enough for me. Hope to see you again!
Marami ang nacucurious kay Papa Joshua so siya muna ang gagawan ko ng story. Sana maenjoy niyo 😍😍😍😍
-------------------Joshua's POV
Hindi ko akalain na magagawa sakin ni Katherine to, sinabi ko sa kanya na
wag niya munang ipagkakalat na may relasyon kami hanggat di pa ako nakakauwi sa Pilipinas. Gusto ko kasi muna ako mismo ang magsasabi kay Jane(Abi) sa sitwasyon ko ngayon pero mukhang mapapaaga ang uwi ko.Ano ba talaga ang nangyari? Kung iniisip niyong niloloko ko si Abi nagkakamali kayo.
I will tell the whole story to you.
Simula nang pumunta ako dito sa States, wala na akong inisip kundi makatapos ng pagaaral at magkaron ng magandang future kasama ang kapatid ko at si Abi. Pero hindi ko inakala na mahirap pala talaga ang buhay dito, sa sobrang hirap kelangan ko magtrabaho sa gabi para lang mabuhay, naging waiter ako pag gabi then umaga nasa school ako. Hindi na rin ako nakakatulog ng maayos kaya nagkakasakit ako at dahil dun bumaba ang mga grades ko at nawala sa akin ang scholarship ko.
Yung scholarship na yun ang tanging paraan ko para makapagtapos ako ng Medicine.
Simula nung nawala yun, nagdadalawang isip ako kung uuwi na lang ba ako o magtratrabaho na lang ako dito para makaipon man lang para sa kinabukasan ng kapatid kong si Hanna, kaming dalawa na lang kasi ang natitira at may sakit pa siya, simula nung naghighschool siya naaksidente siya sa tricycle na sinasakyan niya papuntang school at naputulan siya ng binti, hindi ko alam san ako kukuha ng pera para mapagamot siya buti na lang kasama ko si Jane at tinulungan ako ni Jeon, siya ang captain namin sa basketball club, siya muna ang nagbayad ng bills. Nahihiya man ako pero kinapalan ko na ang mukha ko dahil ayokonh mawala sakin ang kapatid ko.
Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito sa kapatid ko!
Pagkatapos magrecover ni Hanna, pinilit ko siyang maalala ang plate no. ng bumangga sa kanila. At ng maalala niya sinabi agad namin ito sa pulis at pinakita niya sa akin ang itsura ng may-ari ng sasakyan.
Jaime Lopez, CEO at President ng Skylyn Corporation.
Mayaman pero bat ganun hinayaan niya lang na ganun ang mangyari sa kapatid ko, hindi man lang siya nagbigay ng konting tulong.
Simula nun, hinanap ko ang lalaking yun at may nagsabi sakin na dito nga sa Amerika na siya nakatira kaya naghanap ako ng paraan para makita ko siya. Nalaman ko na may scholarship na binibigay ang school ko na pwede kang magaral ng libre sa Amerika kaya pinilit kong makapasa at yun na nga ang dahilan bat ako nandito ngayon. Hindi ko sinabi agad kay Jane ang pagpunta ko dito dahil pag nalaman niya ang totoong dahilan ay baka pigilan niya pa ako.
To make my story short ang totoong dahilan ng pagpunta ko dito ay dahil sa lalaking yun, para makapaghiganti.
Pero di ko inakala na magiging ganito kakumplikado ang paghihiganti ko.
Nakilala ko si Katherine sa club na pinagtratrabahuhan ko.
Umiiyak siya nun kaya nilapitan ko siya.
"Excuse me Miss, are you okay?" tanong ko.
Nakayuko kasi siya nun kaya hindi ko pa nakikita yung mukha niya, hindi pa din siya gumagalaw kahit kinakausap ko na siya.
"Ang suplada naman nito, siya na nga gustong tulungan ayaw niya pa."
At bigla siyang tumingin sakin.
Naintindihan niya ako? Pilipino siya?
Nakita ko yung mukha niya, maganda sana siya kaso....
kalat kalat yung makeup niya sa mukha dahil sa kakaiyak niya.
Bigla akong natawa.
"Why are you laughing?" tanong niya
"Yung makeup mo kasi kalat kalat mukha kang clown. Hahahahahahah!" sabi ko.
Hindi naman niya siguro ako naiintindihan noh?
"Umiiyak na nga ako dito pinagtatawanan mo pa ako?!" sabi niya.
Nabigla ako, hindi ko ineexpect na Pilipino pala siya.
"Sorry. Akala ko Amerikana ka. Ano ba problema mo? Baka makatulong ako. Wag lang sa pera ah! Wala din ako nun."
Kaya yun nagkwento siya, dami niyang kwento malaMMK ang peg! umabot kami ng kinaumagahan!! Kinwento niya buong buhay niya, sa kapatid niya na namatay, sa tatay niyang di siya tinuturing na anak at sa nanay niyang walang paki sa kanya.
Pagkatapos niyang magkwento ay umuwi na siya, sinamahan ko siya sa labas.
Nung sinamahan ko siya sa labas napansin kong may umaaligid sa kanya na Kano na mukhang gusto pa siyang bastusin.
Wala siyang napapansin nun kasi lasing nga siya pagewang gewang pa kung maglakad.
Nung inakbayan na siya nung lalaki tsyaka na ako kumilos.
Pinigilan ko yung lalaki sa paghawak sa kanya. Nung nakita ako nung Kano bigla na lang siyang umalis."What are you doing?" tanong niya sakin.
"Binabastos ka na nung lalaking yun, di mo pa alam, tara ihahatid na kita."
"No, I'm fine. I'm just a little bit tipsy but I'm fine, sanay na ako magisa, you can go."
Naku nagdradrama na naman siya.
"Baka san na naman mapunta tong usapan na to, tara ituro mo sakin yung daan."
Inalalayan ko siya, pero ako ang nahihirapan kasi pagewang pagewang na siya at minsan di na siya nakakapaglakad kaya nagdecide na ako na ipiggy back ride ko na lang siya.
Nagtaka siya.
"Tara na, para mabilis tayong makauwi." sabi ko.
"Fine but don't blame me kung mabigat ako." sabi niya sabay sakay sa likod ko.
Medyo mabigat nga siya pero okay lang.
Tinuro niya yung Condo na pinagsstayan niya.
Ang sosyal!!
Hindi ko inexpect na ganito siya kayaman.Pagkatapos naming pumasok sa condo niya, hiniga ko na siya sa kama niya.
"Miss, ano ba no. ng bf mo? Tawagan natin baka nagaalala na siya sayo." tanong ko.
"I don't have a boyfriend" bulong niya.
Ang lonely nga ng life nito. Ang lungkot na nga ng buhay niya pati lovelife wala.
"Ahh..ganun ba?? Sige mauna na ako ah!" sabi ko.
"Wait!"
"Bakit?"
"Can you give me a glass of cold water before you go?"
"Sige ba."
Hinanap ko yung ref niya para makakuha ng tubig pero nagulat ako sa nakita ko.
Picture niya na kasama ang lalaking kinamumuhian ko.
Si Jaime Lopez.
Tatay niya si Jaime Lopez?!!
Yung tinutukoy niyang ama na tinatakwil siya is si Jaime? Pati sa sarili niyang anak wala siyang pakialam, masama talagang tao to!!!
"Hey! Where is my water? Ba't tulala ka dyan?" tanong niya sakin.
Hindi ko alam anong gagawin ko. Eto na ba ang hinihintay kong pagkakataon para makita si Jaime?
End of Chapter 7

BINABASA MO ANG
Finding Mr. Kanan
RomancePano nga ba talaga mahahanap ang Mr. Right ng buhay mo? Kailangan ba talaga ng mga signs para masabi na siya talaga si Mr. Right? Paano pag hindi tugma lahat ng signs na yun sa lalaking nakalaan para sayo? Matatawag mo pa din ba siyang Mr. Right? A...