FMK CHAPTER 4

96 6 10
                                    

Abby's POV


Simula nung namatay si Kuya, sinanay na ako nila Jeon tsyka Tito Kiko kung pano maging matapang.


Pinasama ako ni Tito kay Jeon sa taekwondo club nun. Gusto kasi niya na kung sakali mang may mangyari saking masama eh kaya ko namang protektahan ang sarili ko kahit papano.

Naging mahirap man sa umpisa pero sa huli nasanay na din ako.


Nasanay na ako sa sakit ng katawan ko nun tuwing meron kaming practice pati yung mga masasakit na salita pati panglalait nila sakin tuwing natutumba ako o natatalo sa laban namin kahit practice lang yun.


Pero nagpapasalamat pa din ako kahit papano kasi dahil dun naging malakas ako.


Naalala ko nun natalo ko sa unang pagkakataon si Jeon sa friendly match namin. Nung una hindi ako makapaniwala na nakaya kong talunin siya. Siguro nagbunga na nga talaga yung paghihirap ko nun sa pagprapraktis.


Kaya simula nun, nagkaron na ako ng lakas ng loob, naniwala ako na malakas na ako, na kahit anong pagsubok man ang dumating makakaya ko yun.


Pero simula nung nalaman ko yung tungkol kay Joshua, nawala lahat. Parang bumalik ulit yung dating ako nung namatay si Kuya.



Hindi pa din ako makapaniwala na matagal na pala akong niloloko ng taong minamahal ko.


Yung akala mong ikaw lang ang mahal niya, na ikaw lang yung sasabihan niya ng mga cheezy at korning mga salita pero yung totoo, sinasabi din pala niya yun sa ibang babae.



Hindi ko mapigilang hindi basahin yung mga text niya sakin dati.



Dati, kapag nagiisa ako at nalulungkot, binabasa ko lang tong mga text niya, nagiging okay na ako.


Pero ngayon..



Nalulungkot at nasasaktan ako.




Kasi alam ko hindi na niya matetext sakin to ulit. Kasi ngayon sa iba na niya sinasabi tong mga to.



"Sinungaling ka. Manloloko. " sabi ko habang nakatingin sa mga text niya sakin.



Hanggang ngayon, para sakin nananaginip pa din ako..


Hindi ko pa din matanggap na magagawa niya sakin to.


Nagtiwala ako sa kanya ng sobra.


Nagtiwala akong ako lang ang mamahalin niya, na kahit magkalayo kami, hindi niya kayang tumingin sa iba.

Finding Mr. KananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon