My Professor Husband

166 3 1
                                    

"ALEXZ, Mauna ka na. May tatapusin pa akong paperworks" sabi ng Professor ko.

Napasimangot tuloy ako, mukhang hindi ko nanaman siya makakasabay umuwi ngayon. Simula nung naging Professor siya sa School na pinapasukan ko, palagi na lang siyang busy.

Nakakahiya naman na abalahin siya dahil sa gusto ko lang siyang maka-sama, nagta-trabaho yung tao, may gusto siyang marating, bakit ko sisirain yun?

Napa-buntong hininga na lang ako atsaka tumango.

"Sige po, SIR. Mauna na po ako, bye PO" pag-papaalam ko, diniinan ang mga salitang kailangan niyang marinig.

His name is France Hubert Guevarra, my professor. He was 26 while I am at my 25th. We got Married when he's 24 while I'm 23.

Kaka-Graduate niya lang noon nung mag-pakasal kami. Wala naman naging problema dahil gusto din naman naming pareho. Hindi din naman tumutol ang mga magulang namin, bukod sa bet na bet nila kami para sa isa't isa, mag-kaklase din si Daddy Frank at ang Daddy ko. Si Mommy Honey naman at si Mama ay mabilis na nag-kasundo dahil pareho ang hilig, Halaman.

Simula noong magkaroon ng trabaho si France ay bumukod na kaming dalawa sa bahay ng mga magulang namin, while he teach student's like me, ako naman ay pa-sikretong nag bebenta ng gamit online. Sa tingin ko nga ay nabisto na niya ako dahil sa sunod-sunod na pag-dedeliver ng mga gamit sa akin.

Sumakay na lang ako ng Tricycle, since yung bahay na tinirhan namin ay malapit lang sa University, dalawang tri lang ay makakarating ka na.

Sa mga kaklase ko ngayon, walang nakaka-alam na asawa ko si Prof. Guevarra. Gamit ko naman ang apelyido niya pero hindi naman sila nagtataka, sobrang common na lang kasi ng Surname niya, baka nga magulat pa ang mga kaibigan ko kapag sinabi ko.

Nang maka-sakay na ako sa pangalawang tricycle, biglang ang-text sa akin si France.

Love:

Naka-uwi ka na?

Me:

Concern ka, Prof?

I chuckled a bit. Malamang ay naka-kunot na ang noo nito. He doesn't liked it when I call him Prof, outside the school. Kapag naman may klase siya sa amin ay hindi niya na ako halos tinatawag dahil masisira lang ang araw niya.

Nang malapit na ako sa eskinita ay biglang niliko ng driver ang daan, isa sa mga kinatatakutan ko. Putaragya, saan ako dadalhin nito?

"Kuya, doon po yung liko" mahinahon kong sabi sa driver.

"Pasensya na 'ho" aniya lang atsaka iniliko ang sasakyan para dumaan sa tamang daanan.

Nang makarating na ako sa bahay, binayadan ko na lang yung driver ng mas malaki kaysa sa dapat ibayad ko, atsaka ako pumasok sa loob. Grabe takot ko doon, jusko. Tatalon na talaga ako kapag hindi yun lumiko.

Napansin ko na bukas yung ilaw ng bahay namin, pinatay ko naman ang mga yan kanina bago ako pumasok, Imposible naman na nandito na si France, mas nauna kaya akong umalis kaysa sa kanya.

"San ka galing?" biglang sulpot ng asawa ko.

Napa-talon pa ako dahil sa gulat, Gago 'to ah. Bilis naman niya maka-uwi? Akala ko may paperworks pa siyang gagawin? Putek, totoo ba na nothing's Impossible?

"France..." para akong batang nag-susumbong sa magulang niya.

Pero yung bwisit kong asawa tinalikuran lang ako, nag-tatampo ata, por que sinabihan ko siyang Prof kanina, nangupo pa ako.

"Baby!" I hug him on his waist, naka-talikod siya sa akin.

"Gagong tricycle driver yon, aatakihin ako sa puso jusko, putangina bakit kasi bigla-biglang lumiko, hindi naman ako doon dapat dumaan! Ayoko na, di na ako sasakay ng tricycle..." isinubsob ko ang mukha ko sa likod niya.

Hindi ko inakala na kahit anong kalma ko doon sa sasakyan ay kay France ako iiyak. His warmth gives me this comfort, that I can't even think that he'll ever harm me.

"What happened, baby?" He turned around to face me, then he cupped my face.

"Natatakot ako, France. Akala ko saan ako dadalhin ng tricycle driver. Natatakot ako." sabi ko.

Unti-unti kong naramdaman ang mga luha na hindi ko alam na meron pala. Akala ko sobrang kalma ko na, akala ko hindi ako takot. Pero bakit tuwing kasama ko si France, ayos lang na makaramdam ako ng iba't-ibang emosyon?

"I'm sorry, baby. I'm here now, don't cry. I'm sorry" then he hugged me.

Ilang minuto pa bago ako kumalma. Ngayon lumabas lahat ng takot na hindi ko naramdaman kanina, ngayon ko lang naisip ang mga posibilidad na mangyayari kung hindi ako nag-salita o kung hindi ako sinunod nung driver. Would he do something bad? What If may gagawin nga siyang masama, buhay pa kaya ako ngayon?

"I'm sorry, love. Are you okay now?" France combed my hair with his finger while whispering softly, still hugging me tightly.

I nodded as a response, kaya tinanggal niya ang pagkakayakap niya sa akin.

"Akala ko ba, may paperworks ka? Nauna ka pa sa akin umuwi." tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha.

"Na-guilty ako. Madalas hindi na tayo sabay umuwi, at kapag naman dadating ako dito, nadadatnan kitang tulog. I miss my wife you know? Tapos ganito pa yung nangyari..."

"I'm sorry, sasabay na akong umuwi sayo. It's just work, pwede ko namang tapusin yun dito sa bahay, there's so many time to do it. I want to spent time with my wife" he said then kissed my forehead

We cuddled for some moment. When he suddenly reached for my cheeks, inilapit nya yung bibig nya sa tenga ko.

"King Alexz Ferrer-Guevarra," he whispered.

"Yes? My France Hubert Juarez Guevarra?" I giggled. I will forever love and treasure his full name.

"I love you"

"I love you too, My Professor Husband"

-

Don't forget to vote, comment, and follow me!🤍

jsalvsu.xoxo

My Professor HusbandWhere stories live. Discover now