Chapter 1

42 4 0
                                    

"Alexz! Tumulong ka naman, pa-cute ka ng pa-cute dyan. Di ka papansinin ng crush mo!" Sabi ng kaibigan ko na ka-grupo ko para sa Project namin sa Filipino.

Pinilit ko pa siya na lumipat ng upuan, dahil binilang ko talaga kung saang grupo kami dapat. Duh, Bestfriend ko siya? Dapat nasa parehong group lang kami.

"Uy, Shet si kuya France!" sabi ko nang matanaw ko ang crush ko.

Madadaanan nya ang classroom namin kaya umayos ako ng upo. Kunwari akong nakikinig sa mga ka-grupo ko.

Isa kaya si Kuya France sa mga With Highest Honors sa school namin. Siya laging isinasali sa mga Spelling Bee, Science Quiz Bee, Math Quiz Bee, tapos madalas ay nag-uuwi sya ng gold medals para sa school namin. Kasali rin sya sa Editorial Club. Expected nga naming lahat na sya ang magiging President ng Student Council ngayong taon pero hindi naman sya tumakbo sa kahit na anong posisyon.

Laking panghihinayang ko nang hindi man sya lumingon sa klase namin.

"Bigo ka nanaman 'no? Kung ako sayo Alexz, i-uncrush mo na yan at mag focus ka sa pag-aaral mo." inirapan pa ako ni Jane habang itinuturo yung group activity na ipinagagawa sa amin.

"Eh hindi naman ako ikaw bugak," inirapan ko rin sya bago agawin yung marker sa kaklase ko.

"Huy, nakita mo ba yung mga nagkaka-crush kay kuya France? Kung gaano kahaba yung pila natin sa flag ceremony, mas mahaba pa yung pila nung mga nagkaka-crush sa kanya"

"Ano naman? Crush ko naman sya since Grade 7 kaya may advantages ako."

"Eh paano naman yung mga higher year na kabatch nya?"

Napakadami namang sinasabi nitong kaibigan ko. Pwede namang i-support niya na lang ako sa happy crush ko! May pictures naman kami ni kuya France every activity sa school namin kaya alam kong kilala niya na ang pagmumukha ko, okay na ako dun!

"Can't you just support me, Jane? I'll punch you in the face kapag hindi ka pa nanahimik" sabi ko sa kanya at hindi na sya kinibo.

After ilang minutes ay nag-announce na ang teacher namin na pwede na kaming mag-recess. Madaling madali pa si Sir na tapusin daw yung output tapos next week daw ipepresent? Clown ba sya?!

Bumili kami ni Jane ng siomai rice atsaka tig-isang milktea. Aayin ko pa sana sya bumili ng kwek-kwek kaso may bigla akong napansin.

"Jane, sa tingin mo, saan kumakain si kuya France?" ani ko habang lumilingon-lingon sa Canteen.

"So balak mo nang maging stalker ngayon?" hinatak pa ng kaunti yung buhok ko.

"Hindi! Gago ka ba? Ang dalang ko kasing makita si Kuya France sa canteen," inirapan ko sya.

"Paano kapag hindi na kumakain yun diba? Baka magkasakit sya. Edi Mag-aalala ako, paano kapag nag-alala ako ng malala? Baka magkasakit din ako! Edi meron na kaming vibes na pang-couple! we're ill so we're the illers"

"Ikaw ang sasapakin ko Alexz kapag hindi ka pa nanahimik. Itatakwil kita bilang kaibigan ko." sabi niya bago ako iwanang mag-isa sa quadrangle.

What if siya yung iatkwil ko? Nakakasakit sya ng heart kong madudurog na ha.

Tumakbo ako para mahabol si Jane. Pero napahinto ako nang muntik na akong maka-bunggo ng studyante. Lilingon sana ako para mag-sorry pero nakita ko kasi si kuya France sa isang sulok.

Yung part ng school na pinagtataguan ko kapag nag-cucutting ako...

Tumakbo ako papalapit dun kaya narinig kong tinatawag ako ni Jane. Pero hindi nya na ako sinundan, siguro naisip niyang may balak akong mag-cutting kaya iniwanan nya na ako. Ayaw niya makihalubilo sa mga good influence.

My Professor HusbandWhere stories live. Discover now