Chapter 5

14 3 0
                                    

Pagkatapos sabihin ni Kuya France na namimili nga siya para sa anak namin ay natahimik ako nang wala sa oras. Parang lahat ng nasabi ko kanina ay bumabalik sa akin at ngayon ako nahiya.

He paid for the shampoo, toys, and other things that he's looking for earlier, at pinanood ko lang siyang gawin lahat nang yun. Hindi ko man lang nga naibigay yung perang na parte ko dapat para sa anak namin. 

Yes, Anak namin.

Sa ilang taon kong pagkakacrush sa kaniya, bakit ngayon niya lang ginawa 'to? Hello, Kuya France, kung sinimulan mo na dati pa lang, edi sana nagcecelebrate na tayo ng anniversary ngayon pa lang diba? Hihihihi.

Pinanood ko siyang bitbitin ang mga binili namin na noon ay nasa loob na ng paper bag, pinanood ko rin siyang ibaba ang mga paper bag na iyon para kuhanin ang susi sa loob ng bulsa niya. At pinanood ko rin siyang titigan ang mga iyon bago muling buhatin ang paper bag at tumingin sa akin nang matagal.

"W-Why? Do you need help?" tanong ko sa kaniya kahit na halatang apektado ako sa naging kilos niya kanina.

Bakit ba ang indecisive ni Kuya France sa buhay? Ang cute niya kainis.

"Do you want to go home with me?" bigla niyang tanong.

Nanlaki ang mga mata ko nang dahil doon, Kuya France, pang-ilang beses ko na bang tatanungin sa araw na ito kung seryoso ka ba?!?

Na-realize niya rin siguro na mali ang pagkakabanggit niya, kaya't lumaki rin bigla ang kaniyang mga mata.

"I mean, ayos lang ba sa iyo na ihatid na kita pauwi?" he asked, ngunit ngayon ay parang kinakabahan na rin sa magiging sagot ko.

"Hindi ba magkaibang way tayo ng inuuwian?" inosenteng tanong ko sa kaniya.

"How did you even know that?"  

"Hui, Yes, kuya crush kita pero 'di ako stalker 'no!" pareho pa kaming nagkagulatan nang lumabas iyon sa bibig ko.

AH! obvious naman na crush ko si Kuya France pero nakakahiya!

Shit shit shit I've had enough! Naiiyak na ako kasi baka isang linggo na naman akong walang daily dose of Kuya France.

But instead na i-point out niya pa yung kakapalan ng pagmumukha ko ay binalewala niya na lang, he asked me again kung ayos lang ba na sumabay ako sa kaniya.

"Ikaw magdadrive? What the heck may lisensya ka na?" 

"No Alexz, I'll call my Kuya here."

"Luh eh para saan 'yang susi?"

Wala, tinignan niya lang ako. Yung tingin pa nga parang pinagsisisihang tinanong niya pa ako para sumabay sa kaniya pauwi eh.

I shrugged my shoulders and chatted my dad na may maghahatid sa akin pauwi. My strict dad even asked for the plate number ng  sasakyang maghahatid sa akin just to be sure. Pero nahihiya naman akong tanungin si Kuya France dahil baka akalain niyang wala akong tiwala sa kaniya ng Daddy niya.

"Hey, Can I talk to your parents? I'll tell them na sa amin ka na sasabay." biglang sabi ni Kuya France kaya napatingin ako sa kaniya, he's looking at me as if he's asking me for permission.

 Lakas talaga ni Kuya France, grabe maka-chismoso sa timing.

Ibinigay ko na lang sa kaniya yung cellphone ko kahit na nakakahiyang makita niya yung 'Send me their names and plate number' na chat ng Daddy ko.

Naka cross lang ang pareho kong braso dahil hinihintay ko na lang ibalik ni Kuya France ang phone ko nang lumapit ulit si Kuya France, tatawag pa raw yung Daddy ko para kausapin siya! Gusto ko na lang talaga maging fertilizer para malamon ako nang kung sino ang nasa lupa!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Professor HusbandWhere stories live. Discover now