Chapter 2

22 3 0
                                    

Hindi pa rin nawawala sa katawan ko yung gulat nang tuluyan na akong maka-pasok sa classroom. Maski ang mga kaklase ko ay natahimik noong nakitang paalis na si Kuya France.

Si Jane naman ay nakatitig lang sa akin, for sure kung ano-ano nang tumatakbo sa isip niya because that's what's happening inside my mind right now! That's Kuya France for Pete's sake, my crush since the first day of my Highschool life!

I'm pretty sure she's gonna ask me what kind of gayuma I used para mapansin ni Kuya France.

My feet moved on it's own and went to my chair. Habang hinahanap ko pa yung katinuan ko, hindi ko na napansin na nakaupo na pala ako sa upuan ko. Natauhan rin siguro yung mga kaklase ko kaya isa-isa silang nag si balikan sa mga upuan nila. While my best friend, nakatulala pa rin sya.

Mukhang hindi na nga sya gagalaw sa kinatatayuan nya kung hindi pa dumating yung teacher namin. Nilingon ko sya pagkaupo nya sa upuan nya but her eyes! Sobrang sama ng tingin sa akin!

Para naman akong nag-commit ng crime tapos pamilya nya yung pinatay ko!

Hindi ko maintindihan nang maayos yung dinidiscuss ng teacher namin. All I could think about is how should I explain the situation. Muntikan nga akong bumagsak sa surprise quiz!

May isang subject pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng chance makausap si Jane. As expected she's mad and disappointed about it!

I told her about the place where I first saw Kuya France and how I saw him again thru Whiskey. She's super shock nung nalaman nya na I'm 'raising' a cat because I can't even raise myself pero bukod pa ron ay nagtampo s'ya kasi ngayon ko lang sinabi.

Even so, I'm glad na hindi naman ganoon kalala yung naging away namin to the point na hindi kami magpapansinan ng one week. We settled na ipapakilala ko sya sa cat ko and I'll have to treat her sa McDo.

Speaking of Whiskey, maybe it's time for me to adopt him legally. I'll beg Mom and Dad para payagan nila ako. He needs proper home and care na rin kasi.

After namin bumili ng food sa canteen, napagkasunduan namin ni Jane na bumalik na nang classroom. Meron din kasi kaming quiz sa last subject namin mamaya kaya we said na we should review na lang.

However, I saw Kuya France in my peripheral view, dun ulit sa place na una ko siyang nakita. Nilingon ko sya just to see him feed Whiskey, nung kumain na yung pusa ay dahan-dahan syang umalis sa eksena. He run without even looking back!

Pupuntahan ko sana siya but maybe he has class too kaya wag na lang muna. Kinapa ko sa bulsa ko yung KitKat na ibinigay nya sa akin kanina, hindi ko pa kinakain. It's from him! Kung wala lang 'tong expiration date ay never ko na 'tong kakainin, but that'd be just waste on his money, I'll keep the plastic na lang.

Malapit na kami sa classroom nang maramdaman ko yung tape sa likod ng plastic ng KitKat. Am I that dense para hindi mapansin yung tape?!

Pero in my defense it's too small kasi! Like as in teeny tiny bit! Tinupi-tuping paper lang yung nai-tape nya.

Tinanggal ko yung tape and I opened the note, I was expecting nothing really! As a person na sobrang disappointed na sa buhay, hinding hindi na ako nag-eexpect sa mga ganitong bagay. But! Mali ako !!

He actually writes something sa paper. It says, "Thank you for taking care of Kyo. - F"

I mean, yes of course kuya France! I'd take care of Whiskey. Kahit naman hindi ko alam na you're taking care of him too ay aalagaan ko pa rin s'ya. Kung wala nga s'ya at si Whiskey dito sa school ay hindi na ako papasok.

Pagkadating sa room ay dere-deretso akong pumunta sa desk ko at kinuha ang books sa loob ng bag so I can review. This is bad, super bad. I'm starting to have delusional imaginations wherein we're a family, Kuya France is my husband, and Whiskey is our baby.

Hindi dapat, I came here to study! Baka bigyan ako ng masasamang glare ng kaklase ko kapag nalaman nila kung anong nilalaman ng thoughts ko, specially Jane, basher ng Alexz ♡ France yun eh.

Nag-focus na lang ako sa pagrereview for our quiz, when...WHEN! I must remember to mark this date on my calendar because Kuya France walks inside our room! Kasunod nya yung subject teacher namin ngayon!!

"Okay Class, alam ko kilala nyo naman na si Kuya France, sya muna ang magpapa-quiz sa inyo ngayon dahil mayroon kaming meeting sa office. Mag behave kayo class ha!" sabi ni Sir bago nya tinignan si Kuya France at lumabas ng Classroom namin.

I'm screaming internally! Lord sinagip ko ba yung buong universe noong past life ko the exact day today para bigyan nyo ako ng ganito kagandang araw?!

I'll make sure na perfect yung score ko sa quiz namin, nasa harapan ko lang yung motivation slash inspiration ko oh!

Habang nagdedaydream ako ay umupo na si Kuya France sa teacher's table sa harapan ng classroom, sa tapat ng board. He sat there na parang sanay na sanay na sya as a teacher.

"Get ½ lengthwise sheet of paper." his voice became more strict kagaya nung tono nya noong una ko siyang nakita.

Me and my classmate were intimidated! Dali-dali kaming kumuha ng paper sa bag namin. Yung mga nanghihingi ng papel kani-kanina lang, ngayon magically nagkaroon ng paper sa bag nila.

No one even stood up or looked in their back. Nanahimik kami bigla because of Kuya France.

Hindi pa nakatulong yung rumor na he's super masungit pagdating sa mga class nila.

He gave us 5 whole minutes to write our name and section sa paper. Nung natapos na yung exact 5 mins ay nagsimula na siyang mag-dictate ng mga question.

I can't even think! Hindi ko man maisip na mag daydream about him teaching me. All I could think about is answering his questions or don't miss his questions at all.

10 minutes after naming magsimula ng quiz, he stood up from his seat. Nagsimula siyang magikot-ikot sa classroom namin habang nagdidictate pa rin ng questions.

The moment he reached my desk, huminto bigla yung paghinga ko. He smells super nice pero hindi nun kayang matalo yung kabang nararamdaman ko sa quiz na 'to.

Naghihintay lang ako sa next question nya nang makarinig ako ng matunog na pag ngisi galing sa kanya.

I look up to him only to see him looking at my answers! And thank God dahil hindi ako tinamad na magreview dahil lahat naman ay nasagutan!

"I can't believe you're not slacking off, Ferrer." sabi nya at nag-lakad na ulit paikot ng classrom.

Pakiramdam ko ay nahulog nanaman sa lapag yung puso ko because of what he said. Kainis na crush ko na 'to, kahit yata murahin ako ay kikiligin pa rin ako!








-

Don't forget to vote, comment, and follow me!🤍

jsalvsu.xoxo

My Professor HusbandWhere stories live. Discover now