Chapter 3

21 2 2
                                    

"Shit, Alexz! Hindi ko talaga maintindihan kung anong nagustuhan mo kay Kuya France! Parang kapag tinignan mo sa mata ay kakainin ka ng buhay!" sabi ni Jane pagkalabas na pagkalabas namin sa classroom after that gruesome quiz.

"Shush Jane, nasa paligid lang yung pogi slash matalino slash masungit na crushiecakes ko. Baka bulungan pa si Sir na bawasan ka sa behavior mo." sabi ko habang  tinatakpan ung bibig niya.

Aba'y masama na! Baka mabadshot ako kapag narinig kami ni Kuya France. Nabigyan na nga ako ng KitKat with notes na pang malakasan kaso baka bawiin bigla kapag narinig kami.

Hindi ko pa nga nababanggit sa kanya na balak kong i-uwi sa bahay namin si Whiskey even though I dont have much certainty na my parents will let me. Although wala naman silang history na hindi maganda with pets kaya I'm thinking na baka I'm in the brighter side here.

"Infairness Alexz, kilala ka na ng crush mo! Parang dati lang ay sasali ka pa sa book club kasi nandoon si Kuya France, kahit na 10 pages pa lang nakakatulog ka na! Ngayon siya na mismo ang humahanap sa'yo!" Nakangiting sabi ni Jane habang sinisiko ako.

"Anong gayuma yung ginamit mo girl, parang effective?" dagdag niya pa.

I just shrugged, knowing Jane for almost 5 years, I can predict what words she'll utter.

"Hay nako Jane, bahala ka diyan. Keep on mouthing nonsense, iiwanan kita rito!" 

Napakamot lang siya ng batok at sumunod naman kaagad sa akin. Malapit na kami sa gate nang matanaw ko si Whiskey, susundan ko lang sana siya nang tingin kung saan man siya pupunta but a group of Grade 7 pupils approached him. Unang beses pa lang nilang sipain ang pusa ay kaagad na akong tumakbo papalapit sa kanila.

With a confused expression, Jane followed me.

"Hey, What the fuck are you guys doing?!?" I yelled at those bunch of Grade 7 students.

They looked at me, akmang aalis na sa lugar dahil may nakakita sa kanila pero agad ko silang pinigilan.

"Tangina sabi, Ano sa tingin niyo ginagawa niyo?!" Naiinis nang sigaw ko.

Pinipigilan na ako ni Jane na makipag-away pero hindi ko siya tinitignan, how can this kids be so cruel?!? 

Tumingin sila sa isa't-isa, some of them are muttering apologies pero yung mismong sumipa sa pusa, ayaw na mag sorry.

"Bakit? Pinapakain mo ba 'yan?" Biglang tanong niya pa para lalo akong magalit.

Sasagutin ko na sana siya when I saw Kuya France approaching us.

"What's happening here?" he asked calmly, noon ko lang narealize na we're already doing a commotion.

Hindi ko alam kung paano ko napigilan ang kiligin kahit na si Kuya France ang kaharap ko, but then this is for the sake of Whisky, and to other innocent stray animals inside the campus. Kung wala akong gagawin ay baka hindi maganda ang kalabasan ng actions nila.

Hinayaan ko na lang yung mga Grade 7 na sagutin ang tanong ni Kuya France, I want them to admit that what they did is wrong.

"Ito po kasi! Bigla-bigla na lang kaming sisigawan eh pauwi na po kami!" the exact same boy who kicked Whisky said.

Doon na ako nainis nang sobra. I looked at the kid with a bloodshot eyes. Bahala na kung sabihin nilang warfreak ako, gagawin ko ang lahat maitama lang ang behavior nitong batang 'to.

"Excuse me?!? Sino ba yung naninipa na lang ng stray cat?! You don't know how much I cherish and love that cat tapos sasaktan mo na lang nang basta basta???" I snared at him, hindi na naiisip kung anong iisipin ni Kuya France.

My Professor HusbandWhere stories live. Discover now