Chapter 4

22 3 3
                                    

Muntikan pa kaming mag-away ni Mommy nang makita niyang may bitbit akong pusa pag-uwi, even though hindi mukhang pusang gala si Whisky, of course mayroon pa rin siyang mga fleas that might be irritating for my mother. 

Ewan ko nga ba sa nanay ko, hindi naman siya yung may kuto pero siya yung nangangati.

Kaya after kong iuwi si Whisky ay nakatutok na ako sa laptop ko while looking for essential things to raise a cat. Ilan kasi sa mga gamit niya like water bowls and food bowl ay naiwan sa school.

Noong pumunta naman kami last time sa clinic ay halos cat toys lang ang nabili namin ni Kuya France because my money is not enough. 

And that was a week ago, after ng interaction namin ni Kuya France noong isang linggo ay hindi na ulit ito nasundan. Ang sabi nga sa akin ni Jane ay free-trial lang daw ng isang araw yung 'FrancexAlexz' interactions, maybe because noong araw ko lang na 'yun sinave ang mundo.

Maski nga makasalubong ko sa hallway si Kuya France ay never nangyari. Kaya nandito si Alexz sa tabi-tabi, malapit nang magcry cry.

Hindi pa nakatulong na inuwi ko na si Whisky sa bahay dahil puro si Jane na lang ang nakikita ko mula unang subject hanggang uwian. Kaunti na nga lang ay magkakapalit na kami ng mukha dahil lagi kaming magkasama.

Minsan, tumatakas ako para puntahan kung nasaan sila ni Whisky madalas, but I can't even find Kuya France sa mga places na dating tinatambayan ni Whisky.

Tinanggalan ko na rin ba si Kuya France ng kaligayahan? 

What if si Whiskey na lang din pala ang reason kung bakit siya pumapasok sa school tapos inuwi ko pa sa amin? Edi OH NO? DISLIKE NA AKO FOREVER NG LIKE KO???

I shook my head at the thought, ayaw ko nang maging reason si Kuya France para malungkot ako lalo ngayong araw.

Kaninang umaga nga ay pinlano kong bumalik sa clinic to ask what shampoo is recommendable for cats, especially rescued ones.

Feeling ko kasi, dito mababawasan yung stress ko, syempre dahil alam ko na nakakapagprovide ako sa anak ko. Although si Mommy noonh una ay against na i-keep ko si Whisky sa house, now ay nagpapataasan na sila ng bigay ni daddy for Whisky's allowance.

Pero kagaya nga ng sinabi ni Mommy, it's not healthy for Whiskey to have fleas dahil super irritating niya talaga.

Baka dating pusa yung nanay ko kaya alam niyang makati yung flea.

That's why kahit na bored na bored na ako sa klase ay sinikap ko talagang makapagtapos—ng araw na ito. Kahit nga cleaners ako ay tinakasan ko na para lang masulit ko 'yung pamimili for Whiskey. 

And it was worth it.

Dahil SHUTA! I.SAW.KUYA.FRANCE.

Alam kong magiging disappointed siya sa akin once na nalaman niyang tumakas ako sa paglilinis but yeah, I don't really care. Kung ito lang naman ang makikita ko kung hindi ako maglilinis everytime na cleaners ako — aba'y handang handa na akong maglinis ng kubeta kinabukasan.

Slowly ay nilapitan ko si Kuya France para hindi niya mahalata ang presensya ko.

"Nags-shopping ka ba para sa anak natin?" YES OO WALA NANG HIYAAN 'TO, Nilapitan ko si kuya France at inaassume kong para kay Whisky ang binibili niya at inaassume ko rin na anak naming dalawa si Whisky.

But my crush did not even looked at me, instead he gave me a cold response.

"No. I'm buying a new cat." He answered firmly.

And how dare he?!? Paano niya nagawang palitan ang anak namin nang ganun ganun lang?!?

"What?!?" I yelled him, medyo napalakas nga yata masyado dahil napatingin halos lahat ng nasa loob ng clinic.

Even cute dogs looked at me. And Kuya France, he gave me a warning look because I'm about to create a commotion.

"What are you even expecting? You took my child away from me."

And that caught me off-guard. Is he sulking? Oh my gosh, tinanggap na ba ng crush ko na si Whisky ay anak naming dalawa?!?

"Hey! For the record, I'm his mom!" I proudly said even though I'm flustered ay ipaglalaban ko pa rin ang karapatan ko sa anak ko.

And he just sighed. Kinuha niya lang ang mga gamit na pinagpipilian niya lang kanina — pati ang shampoo na hawak-hawak ko, atsaka pumunta sa counter para magbayad.

I followed him, still confused kung totoong bibili nga siya ng bagong pusa. 

"Seriously, Kuya France?! You're seriously replacing Whisky?!?"

Hindi ko inaasahan nang bigla siyang lumingon at tignan ako sa mga mata. He sighed before saying,

"Hey, stop calling me Kuya France, it sounds weird."

"What would you want me to call you then?"

"Just simply France or ..."

"Or what?!" 

I was frustrated! Noon ko lang narealize na iniiba niya na ang topic, ayaw niya bang sabihing pinapalitan niya na talaga si Whisky? 

"Hey! Answer my question!!" kaunti na lang ay aalugin ko na ang buong pagkatao niya.

He looked at me again, and then once again sighed.

"Yes, Alexz."

"WHAT THE HECK? ANG BILIS MO NAMANG PALITAN SI WHISKY?!?!" galit na sabi ko sa kaniya.

"What? NO!" agad niyang depensa.

"Eh ano nga??"

He looked at the items na nasa counter, looked down, and then back at me.

"Yes, I'm shopping for our son."








-

Don't forget to vote, comment, and follow me!🤍

jsalvsu.xoxo

My Professor HusbandWhere stories live. Discover now