Chapter 9: Past

682 70 35
                                    


Author's

'yong pic po 'yan yung itsura ni Dana no'ng na meet si Jem 😎. Si warwick talaga yan kasi s'ya una kong naisip sa werewolf e HAHAHAHA

Abby's Pov

"Abby, kumain kana. Para makapag laro kayo ni Dana oh."

"Tara na ate Abby." Dana

Kakain na sana ako nang biglang mag sumabog sa "bahay ampunan".

"Chief! Ang mga bata! Lalo na sila Dana, Abby, Elyse, Therissa, ***!"

"Kami na bahala! Itago n'yo sila!"

"Ate A-Abby." Iyak ni Dana

"Mamamatay na ba tayo?" Tanong ni ***

"Hindi, pprotektahan ko kayo." Kumpirma ko sakanila

Hinawakan ko si Elyse at Therissa, si Dana naman ay pinasan ko, habang si *** ay nasa harap ko.

Dahil matagal na kaming nandito sa "bahay ampunan" ay alam ko na ang mga pasikot-sikot dito.

May naririnig kaming barilan kaya itinago ko sila sa secret exit namin at sinabihang mauna na sila.

"Pero ate Abby pa'no kung may makasalubong kami?" Paiyak na sabi ni Dana.

"Susunod ako kaagad, titignan ko lang sila nanay. At and'yan naman si *** para protektahan kayo." Hinead pat ko s'ya habang sinasabi 'yon.

Ngumiti s'ya at tumango, "*** pakibantayan na lang silang tatlo! babalik agad ako." Ako

"Bilisan mo, baka mag wala si Dana." Sabi n'ya

Ako lang kasi ang may kayang magpa hinahon kay Dana kapag nag wawala s'ya. "Saglit lang ako Dana ha, magpaka bait ka."

Tumango s'ya at umalis na ako.

Pagka balik ko sa bahay ay marami na ang bangkay, may nag babarilan parin kaya nag crouch ako at nag masid sa nangyayari.

"Nasaan ang mga bata!?" Sigaw ng isang armadong lalaki kay nanay.

Hawak hawak n'ya sa leeg si nanay, sinasaktan n'ya si nanay.

"Wala na sila! Namatay sila sa pag sabog!" Pag sisinungaling nito.

"Sa'kin ka pa nag sinungaling!" Bato n'ya kay nanay at tinutukan ng baril.

Bago pa man n'ya mabaril si nanay ay nakapunta na ako sa harap n'ya at inagaw ang baril.

Nagulat silang dalawa sa nangyari. "Abby! Ang sabi ko ay tumakbo kana!"

"Sorry po." Tingin ko sakan'ya at nag paumanhin.

Pagka harap ko sa lalaki ay tinadyakan n'ya ako kaya naman ay nabitawan ko ang baril.

"Namatay pala ha, ako ngayon ang papatay sain'yo." Dampot n'ya sa baril at itinutok sa'kin.

Naiputok n'ya 'to, kaya napapikit ako.

Pagka dilat ko ay hinanap ko agad ang sugat ko, pero nakita kong nakaharang na sa'kin si nanay.

Tumumba s'ya, "Hindi dapat nila malaman kung ano talaga kayo."

Sabi n'ya habang nag dudugo ang tyan n'ya.

Nanginginig ako sa galit, si nanay ang nag turo sa'min kung pa'no mabuhay nang normal kahit alam kong hindi kami normal na tao.

Through Your Fangs Where stories live. Discover now