Chapter 11

558 39 13
                                    

I immediately broke the sexual tension between me and Isko. Tinanggal ko rin ang pagkakahawak ko sa batok ni Isko. I look away and I cleared my throat.

Not now, Isko. Not now.

Kahit nahihirapan akong sa paglutang dito sa pwesto namin dahil sa sobrang lalim ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na magpalutang at huwag malunod.

"Gusto mo b-bang mag-miryenda muna t-tayo?" Tanong ko kay Isko habang hindi makatingin sa kaniya ng diretso at nautal pa.

"Ah. S-sige. Medyo g-gutom na rin kasi ako eh." Sagot niya at nautal din gaya ko.

Dahil doon ay lumangoy kami pabalik sa pampang at nang makarating kami sa pampang ay umahon na kami at dumiretso kaming dalawa sa kaniya-kaniyang mga gamit namin.

I immediately grabbed my travel bag and look for my dry towel. Nang mahanap ko ang towel ko ay pinunasan ko ang sarili ko. Pagkatapos kong magpunas ay kinuha ko naman ang robe ko at isinuot ito.

Hindi na inabala ni Isko na patuyuin ang sarili niya gamit ang towel dahil umupo na siya sa buhanginan at tahimik lang akong pinagmamasdan sa aking mga ginagawa.

I knelt down and immediately grab the bag where the foods are stored and unpacked the foods that I requested on the reception area in El Paraiso. Good thing they prepared many foods.

I saw some delicious snacks and drinks and I offered it to Isko at tinanggap naman niya ito.

"Salamat." Saad niya nang makuha niya ang mga pagkain.

Tumango naman ako sa kaniya at ngumiti. Kumuha na rin ako ng pagkain para sa akin at kinain ang mga ito.

"Pasensya ka na pala sa ginawa ko kanina sa paglubog ko sa iyo sa tubig. Hindi ko intensyon na lunurin ka." Paghihingi niya ng paumanhin sa akin dahil sa ginawa niya kanina sa dagat.

"Akala ko kasi hindi ka magagalit dahil nagkaka-asaran lang tayo iyon pala mali na pala ang ginawa ko. Hindi ko man lang inisip kung ano ang magiging mararamdaman mo." Dagdag niyang paliwanag at sumubo ng pagkain.

Halos mabilaukan ako dahil sa sinabi niya. Uminom muna ako ng tubig saka ako lumingon sa gawi niya. Siya naman ay nakatingin din sa akin.

Honestly, I'm not totally mad of him because of what he did to me earlier. Medyo nainis lang ako kasi I wasn't ready on what he did kaya nasabi ko iyon kanina.

"You don't have to say sorry, Isko. Wala ka namang kasalanan. Nabigla lang kasi ako sa ginawa mo kanina pero okay na." Paliwanag ko sa kaniya.

Huminga ng maluwag si Isko dahil sa sinabi ko at saka siya ngumiti sa akin ng matamis.

"Kumain ka na lang diyan. Ang drama mo." Natatawang saad ko sa kaniya.

At sinunod niya ang sinabi ko. Ipinagpatuloy naming kainin ang mga pagkain namin at hindi nagtagal ay naubos na namin ang mga ito.

Konti lang ang kinain ko dahil sayang ang suot kong bodysuit kung magiging bloated ang tiyan ko.

Although wala naman masama na magbikini ka or magsuot ng daring clothes kahit na mataba ka or payat because we can wear whatever the hell we want.

Cool For The SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon