I'm on my way to the construction site para sabay kaming kumain ni Isko ng tanghalian. The scenario the other day triggered the hell out of me. Mabuti na lang at Friday ngayon and next week ay huling linggo na ni Isko sa trabaho. Just like what he promised to me.
Naka-abang na sa labas ng construction site si Isko habang kausap ang ilan sa kaniyang mga katrabaho. Kanina pa lang sa bahay ay sinabihan ko na siya na sabay kaming kakain ng tanghalian ngayon which I started doing ever since that bitch offered my boyfriend lunch.
Nakita kong tinuro ng isang katrabaho niya ang aking kotse kaya nalipat sa aking sasakyan ang kanilang atensyon. I stopped my car on their side, I beeped twice, and I rolled down the window.
“Let's go, my love.” Sigaw ko. Kumaway ako sa mga kasama niya at kumaway din sila pabalik. Nagpaalam muna si Isko sa mga kasamahan niya bago sumakay ng kotse. Nang makasakay siya ay binigyan ko siya ng mabilis na halik sa labi.
“Nainip ka ba sa kahihintay?” Tanong ko sa kaniya. Mabilis naman siyang umiling.
“Hindi naman, mahal.” Tipid niyang sagot. Pinaandar ko na ulit ang kotse at nagdrive na.
“Where do you want us to eat?” I asked him.
“Ikaw na ang bahala, mahal. Basta yung masasarapan ka.” He answered. Agad akong tumingin sa kaniya dahil sa sinabi niya because what he said seems like it has a double meaning.
“Can I eat you instead? Masarap ka rin naman eh.” I answered and gave him an innocent look. Naningkit ang mata niya dahil sa sinabi ko.
“Mahal…” Tinawanan ko na lang ang naging reaksyon niya.
“I'm just kidding.” Sabi ko at pareho na kaming tumahimik. We are on our way to my favorite kainan ever. I know that Isko also knew about this place. This is a special place for him and I bet he'll be really surprised later.
Hindi naman malayo ang kainan na iyon sa construction site. Ilang liko lang ang gagawin at mararating na ito. Matagal ng nakatayo ang kainan na ito. College pa ang parents ko at si Isko ay nakatayo na ito. This has always been my favorite ever since I learned about this place and it's been so long since I went here.
Nakita ko ang paglaki ng mata ni Isko nang makita niya ang malaking karatula ng kakainan naming lugar. Tinanggal ko ang aking seatbelt.
“Surprise!” Malakas kong sigaw at niyakap siya.
“Paano mo nalaman ang lugar na ito, mahal?” He asked. Bumitaw ako sa kaniya.
“Daddy used to take us here before. Dito rin ako laging kumakain nung college pa ako.” Sagot ko. Hindi na siya nagsalita pa. Talagang nasurpresa siya sa pagdala ko sa kaniya rito. Kinuha ko ang bag ko sa backseat.
“Let's go. Gutom na ako.” Sabay kaming bumaba at naglakad papasok sa kainan. Mula pa sa labas ay dinig na dinig ang ingay ng mga taong kumakain mula sa loob ng kainan.
Hinawakan ni Isko ang aking kamay at tuluyan na kaming naglakad papasok sa loob ng kainan. Maraming tao ang nandito ngayon. Hindi naman na ito bago rito sa kainan na ito. Talagang palaging maraming tao ang kumakain dito lalo na't lunch time ngayon.
There are some students eating here from nearby schools. There are also some people wearing office attire. May mga nakapanglakad lang o simple lang yung mga damit. Lahat ng workers nitong kainan ay busy dahil sa rami ng customer ang nandito ngayon.
Naglakad kami ni Isko papunta sa may pilian ng mga pagkain. Saktong pagdating namin ay siyang paglabas ni Nanay Bebang habang bitbit ang isang aluminum container na sa tingin ko ay bagong lutong putahe. Si Nanay Bebang ay ang may ari ng Bebang's Eatery established since I don't know when.
BINABASA MO ANG
Cool For The Summer
RomanceBlaire Keandra, a rich gay, supermodel, only wants to have a peaceful vacation but unexpectedly she met Isko, an electrician at the resort where she is staying at. She never planned on finding the love of her life during her vacation but since it c...