Part 3

74 0 0
                                    


Sam's P.O.V

"Sana masbi kong mahal kita bago may umagaw ng pwesto biglang hari ng mundo mo,at ng puso mo."

Huh??

Sinong mahal ni Besh Aj?

"Sinong mahal?" tanong ko kay Besh.

"Ahh gising ka na pala." sagot niya kahit di naman yun ang sagot sa tanung ko.

"Binabago mo yung usapan eh. Sinong mahal ng bestfriend ko ha?"

"Ahhh s-sinong m-mahal?" bat toh nauutal??

"Kanina kase may sinasabi kang 'sana masabi ko nang mahal kita' sino si KITA?" nacucurious kase ako. Unang besses kasing may sanabi itong mahal niya.

Pasasalamatan ko itong babae na ito dahil nagawa niyang patibukin muli ang puso ni Besh.

"Ahh y-yun??S-si s-si s-si ano. S-si s-si S-shine?"

Ahh si Shine pala.

"Shine. Yung kaibigan ko?" tanong ko para naman kasing di kapanipaniwala. Kasi yung una niyang naging gf ay mahinhin,mabait at maayos sa sarili. Ehh opposite si Shine. Di naman sa sinasabi kong pangit si Shine kundi medyo creepy siya.

Because she like vodoo dolls,vampires,horror mobies and etc.

"Ahhh oo?"

"Bakit di mo pa nililigawan?" tanong ko. Sorry madaming gusto kong itanung ehh.

"Kasi di ko kaya?" ahhmm. Matulungan nga si Bestfriend.

"Tutulungan kita." mabait kaya akong kaibigan.

"Ahhhmm"

"I'll take that as a yes"

Arwin's P.O.V

Sh*t panick alert.

Panick Alert.

Paano na toh. Di naman kasi totoo na mahal ko si Shine ehh. Siya talaga ang mahal ko kung may lakas ng loob lang ako ehh. Nasabi ko na sana sa kanya ngayon.

"Sam! Sam! Sam!" narinig kong may sumisigaw.

"Hay salamat ayos ka na. Kamusta naman ang pisngi mo? Wala ka bang nararamdaman? May masakit ba?" sunod-sunod nilang tanong. Swerte si Sam at may mga kaibigan siyang mabait at GWAPONG bestfriend. (WOOAHH LAKAS NG HANGIN)

"Okey na ako. Kaya wag na kayong mag-alala. Pati kayo ba okey? Wala ba silang masamang ginawa sa inyo?" tanong naman ni Sam.

"Okey na kami. Kung di lang dahil diyan sa Cris na yan di ka sana nandito sa clinic na ito." galit na galit na saad ni Camille ang original bestfriend ni Sam.

"Gusto mo resbakan na natin? Gawin din natin ginawa niya sayo." ito naman si Nicole ang magaling sa sapakan.

"Wag ka mag-alala Sam kakarmahin din siya." napatingin ako sa nagsalita. Nagakatinginan kami ni Shine.

Lagot baka magsalita itong si Sam. Baka kung ano pa ang masabi ito kay Shine na puro naman kabulaanan.

"Ahhem. Masyado po yata kayong natititigan. Baka naman LOVE na ang kasunod." ano ba itong si Sam kung ano ano ang napagsasabi.

Kung alam mo lang Sam ikaw lang ang sinisigaw ng puso ko. Magpakailan man ikaw lang hindi ito mapapaos na isigaw na'Samantha Allysha Guitterez mahal na mahal kita'

Eeewww ang bading.

"Ahhmm, Shine pwede ba tayong mag-usap. Tayo lang." tanong ko kay Shine dapat niyang malaman ang totoo.

Ms. President's HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon