Sam's P.O.V
"Sam tayo na."natapos ang araw na walang nangyari sa mga plano ko. Bakit naman kase sa lahat lahat ng mall na pwedeng pagmamay-ari ng pamilya nila,ay ito pang mall malapit sa school namin.
"Sige."naglakad na kami ni Aj. At yung hinayupak na Cris na yun may gagawin daw kaya di daw niya kami mahahatid. Mag aanyaya mag mall 'tas sa huli iiwan kami. Ang bait niya sobra!
Malapit lang naman ang bahay namin sa mall na pinanggalingan namin.
Habang naglalakad kami may narecieve akong text.
From:0921*******
Sorry Sam kung di kita nahatid. Babawi na lang ako. Ingat.
-CrisSo mula pala sa ugok na yun itong message na toh. At saan namang lupalop ng mundo niya nakuha ang number ko?
To:0921*******
Okey lang.
Plastikan ba gusto niya? Di ako magpapatalo.
After ilang minutes nagtext ulit siya.Sinave ko na ang number niya sa contacts ko.
From: Mr. KAPAL
Ok. :) K3U.
Ha? Ano yung K3U? Mareplayan nga.
To. Mr. KAPAL
K3U TOO!
Kung tatanungin ninyo ako kung bakit ko nireplayan ng ganyan wala lang trip ko lang. Pati magtatanung na lang ako bukas kung ano meaning K3U na yan.
From: Mr.KAPAL
♡
Ano daw heart? YAK!!
Di ko na nireply. Bahala na.
Aj's P.O.V
Kanina pa si Sam nakatingin sa cellphone niya di man lang niya ako pinapansin. Kanina pa yan sa mall parang wala sa sarili.
"Sam.."tawag ko sa kanya pero nakatuon pa rin siya sa cellphone. Napansin oo nagtetext siya. Tumingin ako. Di naman sa naghihimasok ako sa buhay niya pero may karapatan naman siguro ako dahil matagal na kaming magbestfriend.
Pagtingin ko may nagtext sa kanya ng..
Ok. :) K3U
Ano K3U?? Di ba ang meaning nun "I love you"?? Pero ang mas kinagulat ko ay ang pagreply ni Sam sa text ng..
K3U TOO!
DAMN! May mahal na siya?? At di man lang niya sinasabi sakin? Di pa man ako gumagawa ng move parang basted na agad ako?
Napatulala na lang ako. May pag-asa pa kaya ako kay Sam? Paano kung may mahal na nga siyang iba? Aamin na ba ako?
"Huy,Aj. Nandto na ako." nagising na lang ako sa katotohanan nang kinalbit ako ni Sam.
"A-ahh, oo nga." napakamot na lang ako sa batok ko.
"Best, sigurado kang okey ka lang? Para ka kasing wala sa sarili." kung alam mo lang Sam. Wala talaga ako sa sarili,baliw na ako. Baliw na baliw sayo.
"Oo. Naman. Bakit naman ako di magiging okey?" nagulat na lang ako ng nilapat niya ang likod ng kamay niya sa noo ko pati sa leeg.
"Wala ka namang sakit? Sigurado kang okey ka lang? Gusto mo dalhin kita sa ospital?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Ms. President's Heartbreak
Teen FictionSiya si Samantha Allysha Guitterez. SAM for short. She has the beauty and brain pero experience sa love wala. Di niya alam ang umibig,ang magmahal,hanggang sa dumating sa buhay niya si Cris. Ang transferee na nagturo sa kanya kung paano magmahal. Pe...