Sam's P.O.V
"Ano ba Nicole!! Pagod na ako,haba haba kaya ng tinakbo natin?! Hanggang dito ba naman sa school takbo pa rin?? Walang kapagod-pagod??" sarkastiko kong sabi.
"SAMANTHA ALLYSHA!! Nagrereklamo ka ba?? Di ba dare namin sayo susundin mo gusto ko,so sumunod ka na lang" ano ako utusan?
"What?? Di ba kahapon pa yung truth or dare natin?? Di pa rin ba tapos yung dare??" saad ko.
"You don't care!" wow. Just wow. Taray nito PMS siguro.
"You don't care mo mukha mo!" sabi ko at naglakad na diresto sa may floor ng room namin.
Ako mga pala si Samantha Allysha Guitterez. 3rd year highschool sa North West University. At yung babae kong kasama kanina siya si Nicole De Guzman same kaming 3rd year. Bestfriend ko yun. Di halata noh??
"Sam!!" sigaw naman ni Besh Camille. Siya talaga ang original kong bestfriend. Hindi sa peke yung iba kundi siya ang una ko naging bestie.
"Bakit?" -ako
"May transferee!" masigla nitong sagot.
"So?" sabi ko sabay taas ng isang kilay.
"Ano ka ba? Di ba class president ka dapat mong kuhain pangalan niya para pag may bad siyang ginawa masulat mo?" tama may point naman itong bruhang toh.
"Magpapakilala rin naman mamaya yun di ba kaya malalaman ko rin." bakit mas tama ako.
"Oo nga noh! Di ko naisip yun?" naku nagtaka pa siya.
"Ehh panu mo ba maiisip yun ay si Baby mo naman palagi ang laman niyang isip mo!" oo may bf na yan. Matagal-tagal na rin sila pero di pa niya nakikita ying bf niya. Matindi noh?
"Pati puso ko kaya siya ang laman." tignan niyo lakas ng tama niyan kay Drew. Bf niya.
"Bumabanat si sis. Tama na yan tayo na sa classroom." -ako.
Lumakad na kami papuntang room.
*******
sa room
"Sis,yun yung transferee oh." sabay turo ni Camille.
Sinundan ko yung tinuturo niya.
"......" wala akong masabi.
Dahil...
...
...
...
...
...
...
...
...
WALA NAMAN DAPAT SABIHIN!!
"Ano naman" walang gana kong sabi.
"Good Morning class. So, nakilala niyo na siguro ang transferee no need naman na siguro para magpakilala." sabi ni Mam.
No!! Mam bakit??! Di kopa siya kilala..huhuhu..
"May meeting kaming mga teachers kaya iiwan ko na lang kayo ng gagawin ninyo. After niyong gawin yung ibibigay ko ipasa niyo na lang kay Sam." tumungo na lang kaming lahat. Sino bang hindi matutuwa walang teachers woaahh.
"Sam.." tawag sakin ni Mam.
"Poh?"sagot ko dapat magalang teacher yan ehh.
"Class pag lumabas kayo ng walang paalam kay Sam ililista niya kayo ng absent. Understand class??" tanong ni Mam. Hala,trabaho agad??
BINABASA MO ANG
Ms. President's Heartbreak
Genç KurguSiya si Samantha Allysha Guitterez. SAM for short. She has the beauty and brain pero experience sa love wala. Di niya alam ang umibig,ang magmahal,hanggang sa dumating sa buhay niya si Cris. Ang transferee na nagturo sa kanya kung paano magmahal. Pe...