Part 6

4 0 0
                                    

Sam's P.O.V

Nagising ako sa katok sa pinto ko.

"Baby Sammy,kain ka na malalate ka sa school." alam kong si Kuya yun. Napatingin ako sa wall clock ko. GOSH! Ang aga pa. For God's sake it's only 5 in the morning. Pinilit ko ulit matulog pero wala na eh. Gising na talaga ang kaluluwa ko. Ginawa ko na ang morning rituals ko at bumaba dala ang bag ko.

"Good morning Ya,Kuya." tumango lang si Yaya at si kuya naman patuloy lang ang pagtype sa laptop niya.

Kumain na ako.

"Ako ng maghahatid sayo." napatingin ako kay Kuya.

"Oh. Okey."pagtapos ko kumain umalis ako at pumunta ng banyo para magtoothbrush.

Inihatid ako ni Kuya Dale sa school di na siya pumasok sa may parking lot hanggang gate lang. Pumunta na ako sa classroom at ang naabutan ko doon ay ang last na taong gusto kong makita ngayon araw. Feeling ko namumutla ako ngayon. Parang gusto kong tumakbo at umalis sa kinatatayuan ko, pero parang nagka ugat na ang paa ko at di na ako maka alis.

Lumapit siya sakin. Ang lapit niya.

"Bakit di mo sinasagot ang tawag ko?" plain niyang sabi.

"Ahhm..eh..bakit ba ako nage-explain. I don't need to do it."'galit ka sa kanya. Galit ka sa kanya' yan ang itinatak ko sa utak ko. Bakit parang pagkaharap ko na siya nanghihina ang mga tuhod ko.

Nanginginig na ako,ang lapit lapit niya sakin.

"May problema ba tayo Sam?" nakita ko ang sincerity sa mga mata niya.

"W-wala n-naman." nauutal na talaga ako.

"Again,why aren't you answering my calls?" ganun pa rin ang expression ng mata niya pero may part na parang may galit.

"I'm busy." simple kong sagot pero ang totoo,nahihiya ako sa kanya. Sa mga sinabi ko,sa reply ko.

"Busy? With whom?" bakit ba ang kulit kulit ng isang ito.

"With some..some..school works. Oo. School works." sana gumana alibi ko. Di pa naman ako magaling magsinungaling.

"Right. Sam.." di pa rin ako lumilingon sa kanya. Hinawakan niya ang chin ko at iniharap sa kanya. Nanlaki ang mata ko ang lapit niya. Mabuti kami pa lang ang nasa classroom. Ramdam ko ang hininga niya.

"Sam...K3U" a-ano? K3U? Ano ang isasagot ko sa kanya.

"I-i..a-ano may gagawin pa ako."at umalis na ako sa harap niya, unang besses kong makalapit sa lalaki ng ganun. Umupo na ako sa upuan ko at kunwaring may ginagawa. Kinuha ko ang sketch pad ko at nagstart magsketch. Mahilig ako magsketch ng mga tao,dresses,gowns .

"Sam alam kong may problema. Tell me?" naramdaman ko lumapit siya at tumayo sa harap ko. Di ko pa rin siya nililingon.

"Is this about 'us'?,di ba ayos pa naman tayo ng sabado? Nagreply ka pa di ba sakin ng K3--"

"That was a mistake. Di ko alam ang meaning nun."di ko siya pinatapos. Ayoko alalahanin ang pagkakamali ko.

"Sam"lumuhod siya sa harap ko.

"Manliligaw ako."plain niyang sabi.

"Hindi pwe--"di ko natapos ang sinasabi ko nang muli syang nagsalita.

"I'm not asking. It's a statement. Kaya sa ayaw o sa gusto mo manliligaw ako." iyon ang huli niyang sinabi at iniwan ako sa room na nakanganga. Natapos lang ako magshopping sa mall nila may instant maliligaw na agad ako?

Buong araw akong wala sa sarili. Wala rin naman akong masyadong iniintindi dahil sa absent ang teacher namin. Pati nga si Best Aj absent isang linggo yatang wala dahil inatake yata ng heart attack si Tito Neil papa niya. Kaya nasa New York sila ngayon para bantayan si Tito.

Ms. President's HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon