[AzureScale Academy]
Ang lugar kung nasaan ang beginner's class ay matatagpuan sa timog na bahagi ng Academy, samantalang ang Main building naman kung saan gaganapin ang Spiritual Awakening ay sa Hilagang bahagi.
Nahuling nag tungo si Renzo pa puntang main building sa kadahilanang hindi maalis sa isip niya ang mga ngiti at huling mga salita na sinabi sa kanya ni Angel
"haaays, Napakaganda nya talaga"
"Sabagay, di hamak naman na nabighani din sya sa aking kagwapuhan"
" 'Oo nga pala, ikaw nga pala Renzo ang susunod na Spirit Emperor' ganyan panigurado ang naiisip niya"
"Renzo my dear, my savior, my knight in shining armor"
"Ano kaya ang magiging tawagan namin? babe? baby? honey? hubby? wifey? bebeloves? munchki - -"
"HOY AMPON!"
Natigil ang pangangarap ng gising ni Renzo ng biglang may sumigaw
bwisit naman itong kumag na ito oh, hanggang dito ba naman? sino pa nga ba? edi yung Paul na kumag na naman, at nag dala ka pa ng mga alalay haa!
Hindi ito pinansin ni Renzo at balak nalang lampasan ng bigla nalang hinablot ni Paul ang kanyang braso
"Hoy ampon! tinatawag kita, bingi ka ba?"
"Bitawan mo ako"
di mahina, pero sapat na ang lakas ng pagkakasabi ni Renzo para madinig nila Paul ang sinabi niya.
"Ohhh, nakakatakot ka naman ampon" pang aasar ni Paul bago ngumiti, nagtawanan naman ang tatlo niyang kasama
"Paano kung ayaw ko?" pananakot pa nito.
Sa classroom pa lang pa epal na itong kumag na ito eh, pag ako talaga hindi nakapag timpi babanatan ko na ito. Kundi lang dahil sa tatlong kasama nito na paniyak ay 1st stage o 2nd stage Spiritualist na baka pinatulan ko na ito.
"Oh bakit? namiss mo ba agad ako Paul? Mukhang tama nga ang sabi-sabi, hindi lang sa babae ikaw mahilig"
ngumiti pa ng may halong pang aasar ang pagkakasabi ni Renzo
dinig naman ang ilang tawanan sa paligid, dahil halos kanina pa din sila pinag titinginan ng ilang mga studyante sa hallway
kumunot naman ang noo ni Paul sa kanyang nadinig at hinigpitan ang magkaka kapit sa kanang braso ni Renzo
"Anong sinabi mo??!"
may inis na pagkaka bigkas ni Paul
Gamit naman ang lakas ng katawan ay tinanggal ni Renzo ang pagkaka kapit sa kanyang braso. Pagkatapos ay tinapik naman niya ang balikat ni Paul.
"Pero pasensya kana...
...hindi kase kita type ehh"
mahina ang pagkakasabi, pero dinig padin ng mga nakiki usyoso na mga estujante kaya naman nagtawanan muli ang mga ito.
Namula naman sa galit at inis si Paul, bago pa man siya makapag salita ay umusap na ang isa sa tatlo niyang kasama
"Boss, anong gusto mong gawin namin sa kutong lupa na ito"
pagkatapos mag salita ay biglang humaba ang mga kuko nito na alam mong sobrang talas.
Kasunod naman nito ay naglabas din ng kani kanilang spirits yung dalawa pang alalay ni Paul.
yung medyo malusog na katawan ay nag summon ng isang kulay itim na oso ito ay malaki pa sa tao, at yung isa naman ay umapoy ang magkabilang kamao.
[PalmCivet] - ClassC possession-type
[MountainBear] - ClassC summoning-type
[Formless] - ClassD Fire-attribute
Awakened Spiritualist. Alam ni Renzo na wala siyang laban sa mga ito, wala din naman siyang magagawa dahil sa ngayon ay hindi pa siya nakakaranas ng spiritual awakening.
Ang ilan naman sa mga estudyante na nakikiusyo ay napa atras, walang may gustong makialam, marahil ay natakot din sa tatlong spiritualist o marahil ay takot din banggain mismo si Paul, dahil kahit papaano ay maimpluwensya din naman ang pamilya nito sa Azure Kingdom.
May pangamba man, ay hindi naman nagpapakita ng pagkataon ang mukha ni Renzo. Alam kasi niya na mahigpit na pinagbabawal ang pakikipag away o laban sa loob ng Academy, maliban nalang kung ito ay klase, duel o espesyal na pagkakataon.
"Si Headmaster. Papadating na ang headmaster!"
bigla namang may sumigaw sa mga nagkukumpulang mga estudyante kaya naman lahat ay mabilisang nagsialisan.
pagkadinig naman ng salitang headmaster ay agad na nawala ang [Mountain Bear] at bumalik naman sa normal ang kamao ng dalawa pang kasama ni Paul
"Hindi pa tayo tapos ampon! Mali ka ng kinalaban!"
Madiin na pagkakasabi ni Paul, at bago lumakad palayo ay binangga muna nito ang balikat ni Renzo. at agad namang sumunod ang tatlo nitong kasama na masama din ang tingin sa kanya.
"Napaka timing naman ng headmaster, mabuti nalang rin, dahil kahit bawal ay panigurado akong gagamitin ni Paul ang impluwensya ng kanyang pamilya para saktan ako, kahit nandito sa loob ng academy" sa isip-isip ni Renzo
"Teka, nasaan ang headmaster?" Sinubukang hanapin ni Renzo ang papadating daw na headmaster sa paligid, ngunit wala naman siyang makitang headmaster
"JUSKOPO Renzo, pinakaba mo naman ako dun. Badi, kailan kapa natutong sumagot ng ganyun, eh ikaw nga diba ang paulit-ulit na nagsasabi sakin nuon pa na walang maidudulot na mabuti ang pakikipag away! at isa pa, si Paul yun Badi, si Paul Sevilla, baka nakakalimutan mo, na maimpluwensya ang Sevilla Family, halos kontrolado nila ang malaking porsyento ng Market dito sa Azure Kingdom. Oo, di sila kasing impluwensya ng pamilya nyo, pero baka nakakalimutan mo hindi ka naman tunay na a- - sorry badi. Pero basta, delikado yung ginawa mo! buti nalang napaniwala ko sila na papadating nag headmaster" Tuloy-tuloy na pagkakasabi ng kanyang matalik na kaibigan
Siya si Elmo Rocco, bata palang sila ay magkakilala at magkaibigan na sila. Simula nuong pinagtanggol siya ni Renzo sa mga batang nambu bully sa kanya, kahit na ang ending ay pareho lang din naman silang nabugbog ay simula nuon naging kapatid na ang turing ni Elmo sa kanya. Kahit makulit at madaldal, siya lang ang nag iisang kaibigan ni Renzo.
"ikaw yung sumigaw kanina?" tanong ni Renzo
"Sino pa nga ba? Kahit naman lumabas ako at tulungan ka, eh parehas lang tayong masasaktan. Kaya yun lang ang naisip kong paraan, buti nalang at napaniwala sila" pagyayabang nito.
"Ahahaha. Salamat badi. Maasahan ka talaga" Kahit isa lang ang kaibigan niya ay sobrang nagpapasalamat padin siya dahil si Elmo ang kaibigan na iyon.
"As always naman badi. Pero tandaan mo may utang ka sakin ha! kailangan mo bumawi"
"huo na. Pero teka, bat nandito ka? bakit wala kapa sa main hall?" pagtataka ni Renzo
"Galing na ako dun. Post-poned daw ang Spiritual Awakening Ceremony, sa makalawa nadaw gaganapin dahil nagkaroon ng Emergency na hindi naman sinabi" pagpapaliwanag ni Elmo
"Mabuti naman, may dalawang araw pa tayo para makapag handa" masayang pagkakasabi nito.
"Ha? dalawang araw para makaghanda? Badi, kahit dalawaang taon pa tayong maghanda, alam naman natin sa sarili natin na sa pinaka mababang Class lang tayo mapupunta, yun ay kung su swertihin ba tayong mapabilang sa mga biniyayaan ng Spirits"
Mga bata palang sila ay nakakitaan na sila na wala siyang potential sa pagiging Spiritualist, kaya hindi na umaasa ng malaki pa si Elmo.
"Ako ang bahala, mukang masusuklian na kita sa utang ko sa iyo. Tara na, bilisan na natin" excited na pagkakasabi ni Renzo
"Haa? teka, anong ikaw ang bahala? saan ba tayo pupunta?"
"Sumunod ka nalang. Road to Genius Class ito"
- - - - - -
YINYANG: Azure Scale Academy
All rights reserved
©2021
_FantasyBoii
BINABASA MO ANG
YINYANG: AzureScale Academy
FantasyAzure Sky, mundo kung saan ang lahat ng tao ay biniyayaan ng Spirit na posible nilang magamit laban sa lumalalang dami at lumalakas na pwersa ng mga Demon Beast. Spirit Knight, ang tawag sa mga katuwang ng Spirit Emperor sa pag sugpo sa mga Demon Be...
