Azure Scale Academy
"Kita nyo na! Walang alam yang ampon na yan! Kaya Miss Kate at Miss Angel, bago pa yan tuluyang makapasok sa Academy ay sabihin nyo na po sa mga teachers dito na paalisin yang ampon na iyan"
"Oo nga! Tama!"
"Di porket kilala ang pamilya lalakasin nya ang Academy"
"Di yan nababagay dito"
At tuluyan na ngang kumampe ang halos lahat sa kumag na Paul na iyon! Sige lang, sabihin nyo lang ang gusto nyong sabihin!
"Tumahimik kayong lahat!" Hindi man pasigaw ang pagkakasabi ni Miss Kate ay nakaramdam ng tensyon ang lahat kaya agad namang tumahimik ang paligid
"Renzo Aguirre. Renzo ang pangalan mo tama?" Tanong ni Miss Kate
"Opo, tama po kayo" with matching ngiti, baka sakaling bumait ang demonyita
"Tama ba ang pagkakarinig ko kanina sa sagot mo? na nakadepende ang pwedeng inumin na Spirit Gathering Pill sa sinasabi mong Spirit well ng isang Spiritualist, at lima ang pinaka mababang pwedeng inumin nito?" Tanong ni Miss Kate
"Kalokohan! Kahit mga bata ay alam na isang Spirit Gathering Pill lang ang pwedeng inumin ng mga bagong Spiritualist dahil ito lamang kapasidad ng bagong Spiritualist, kung ta taas pa dito ay maaring ma matay o malumpo ang Spiritualist na iinom nito" umepal na naman si Paul
Kumunut na ang noo ng demonyita, siguro ay napupuno na din ito at naiinis na sa kumag na iyon!
"Sevilla! Parang gusto mo yatang bumisita sa Head Master? O tatahimik ka nalang jan hanggang matapos ang klase?"
Hindi lang si Paul ang tumahimik kundi buong klase, dahil ang nag salita ay hindi ang masungit at mataray na si Miss Kate. Kung hindi ang mabait at laging tahimik na si Miss Angel.
Oo, ang aking guardian Angel.
"Dahil foundation palang ang binubuo sa pag gamit ng Spirit Gathering Pill ay sapat na ang isa. Totoong hindi maganda ang epekto nito sa Spiritualist pag nasobrahan at hindi kakayanin ng katawan" sabi ni Miss Angel
"Hindi po ba't ang isang matatag at mataas na gusali ay kinakailangan ng malalim at malawak na pundasyon?" Sagot ko naman sa aking guardian Angel
"Tama ka. Ngunit ang pangalawang pill ng mga beginner na Spirit Condensation Pill ay hindi kayang suportahan ang dalawa o higit pang Spirit Gathering Pill, kahit maraming Spirit Condensation Pill din ang gamitin. Nakasulat na iyan sa aklat ng mga Spiritualist at ng Alchemy House at ilang daang taon na ding paniniwala at napatunayan yan sa buong Azure Scale" mahabang paliwanag ni Miss Kate
"Miss Kate, ang madaming tubig para kumulo ay kinakailangan ng mas mainit na apoy, ganun din sa madaming tubig na kailangang patigasin, ay kailangan ng mas malamig na temperatura para itoy maging yelo" seryoso kong paliwanag
"Haa? Ano namang kinalaman ng init at lamig sa Spiritual Gathering Pill na pinag uusapan natin?" Tanong ni Miss Kate
Halos ang lahat ng nasa klaseng ito ay nagtataka at nag iintay din ng sagot. Ngunit wala ng magtangkang mag usap o mag ingay muli, maging si Paul ay walang magawa kundi tumahimik nalang. Takot nalang nila sa dalawang amazona sa harapan
"Sa Spirit Gathering Pill wala, pero sa Spirit Condensation Pill meron" sagot ko.
Lahat naman ay mas nagulat sa sinabi ko at mas lumakas ang bulungan nila
"Sinasabi mo bang mali ang formula ng Spirit Gathering Pill natin dito sa Azure Scale?" Ramdam ang tensyon dahil sa diin kahit mukang mahinanon ang pagkakasabi nya.
Triggered!
Mukang lalabas muli ang pagiging demonyita nya. E kung mas galitin ko pa kaya? Hmmm
"Oo" maikli kong sagot
"Kalapastanganan!!" At di na nga napigilan na lumabas ang demonyita side nya!
"Isang malaking kalapastanganan iyan sa Alchemy House! Maging sa buong Azure Scale! Dahil ilang daang taon na iyang ginagamit at nasubukan! Tapos sasabihin mong mali ang formula?!"
Lumakas lalo ang usapan sa klase, hindi na ito bulungan, ang iba'y nagagalit din at ang iba'y nagtataka
"Kate..."
Oo, sa guardian angel ko nang galing ang mga salitang iyun. Hindi man natigil ang karamihan sa pag sasalita ay natuon naman ang atensyon nila sa malumanay na boses ng aking guardian angel.
Mukhang ipagtatanggol na naman ako ng aking Anghel. Bakas kase sa mga mukha nya ang... ang... ang pagkagulat.... at pagkataka???
Boom! Yun pala yun kaya pala nananatiling top1 ang pamilya nila sa Azure Scale, sa kadahilanang matagal na nilang nadiskubre ang maling formula sa Spirit Gathering Pill.
"Miss Kate. Naiintindihan ko na kung sa akin manggagaling ay mahihirapan kang paniwalaan ito. Bakit hindi kay Miss Angel mo itanong?" Ngumise pa ako pagkasabi
"Kay Angel?" Lalo namang pagtataka ang bumakas sa mukha ng demonyita
At si Miss Angel naman ay kita ang mas pagkagulat ng ito ay lumingon sa akin
"Kaya hindi nadin nakakagulat na madaming malalakas na Spirit Knights sa top1 family ng Azure Scale. Maaari nyo po bang ipaliwanag Miss Angel ang aking binitiwang salita?" Syempre puno ng pag galang, para sa guardian angel ko yun e
Ang lahat ay napatahimik at napatingin sa aking Anghel, tanda iyun na nirerespeto nila ito. Ang lahat ay nag iintay sa sasabihin nito
-
-
-
-
*KRRRIINNGGGGGGGGGGGG*
"Ahhh, ehhh, nag ring na pala. Ang bilin ng mga teachers sa amin ay pa puntahin kayo sa main building pag nag ring na, upang maisagawa na ang Spirit Awakening sa inyo" mahinahong pagkaka sabi ni Miss Angel
Ngunit ang lahat at nanatiling nakaupo, para bang nag iintay na ang sasabihin nito tungkol sa Spirit Pills
"Ano pang hinihintay ninyo? Tayo na!! Kilos! Pumunta na kayo sa main building!" Puno ng awtoridad ang pagkakasabi ni Miss Kate
"At isa pa... Walang makakalabas sa mga pinag usapan natin dito! Wala kayong pagsasabihan o pagku kwentuhan ng kahit na ano tungkol sa lahat ng inyong narinig!! Alam nyo naman siguro kung saang pamilya ako nabibilang, dahil pag may nakalabas o nag kwento sa naging usapan dito, ay ako ang makakalaban nyo *tumingin muna sa kay paul* maliwanag ba? MALIWANAG BA?!"
Grabeng Spiritual Aura ang nilabas ni Miss Kate sa pagkaka sigaw niyang iyon. Paniyak walang magtatangkang ilabas ang naging usapan dito, takot nalang nila sa kanya at sa pamilya nya, top2 lang naman iyun sa buong Azure Scale.
"Sige na, maari na kayong tamayo at pumunta sa main building. Sana'y maging matagumpay ang inyong Spiritual Awakening" sa pagkakalumanay ng kanyang pagsasalita ay nababagay talaga sa kanya ang kanyang pangalan, Angel.
Isa-isa namang nagtayuan ang lahat at lumabas ng silid upang magtungo sa main building. Ako'y nagpahuli, hinayaan ko muna silang mauna dahil ayaw kong makipag siksikan sa mga tao
Habang akoy nakaupo pa, hindi ko napansin ay nandun padin pala sina Miss Kate at Miss Angel sa harapan
"Mr. Aguirre, pagkatapos ng iyong Spiritual Awakening ay puntahan mo kame sa room ng Core Class, hindi pa tayo tapos" sabay labas ng room ang demonyita.
Kasunod naman nitong lumabas ang aking guardian angel. Ngunit bago ito lumabas ay may iniwan pa itong mga salita
"Goodluck sa iyo Renzo"
jusmiyo mahuhulog na nga ata talaga ang loob ko sa babaeng ito.
- - - - - -
YINYANG: Azure Scale Academy
All rights reserved
©2020
_FantasyBoii
BINABASA MO ANG
YINYANG: AzureScale Academy
FantasyAzure Sky, mundo kung saan ang lahat ng tao ay biniyayaan ng Spirit na posible nilang magamit laban sa lumalalang dami at lumalakas na pwersa ng mga Demon Beast. Spirit Knight, ang tawag sa mga katuwang ng Spirit Emperor sa pag sugpo sa mga Demon Be...
