Azure Scale Academy
Pagka upo ko ay muli kong binalikan ng tingin ang dalawang babae sa unahan?
Magka iba ang aura na binibigay ng dalawang ito, pero kung ganda ang pag uusapan, masasabi mong iba ang level ng dalawang ito kumpara sa mga babaeng nandito sa classroom namin.
Ang nakaputing babae ay ubod ng amo ng mukha, pag ngumiti ay tila anghel na hindi mo pagsasawaang titigan kahit buong maghapon pa. Mas lalong nagpaganda ang mga mapupungay na kulay asul nitong mga mata na bumagay sa kanyang kulay light violet na buhok
Samantalang ang naka itim na babae naman ay imahe ng mga babaeng matapang at may paninindigan na handang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Ang buhay na buhay na kulay brown na mga mata ay bumagay sa seryoso nitong mukha at kulay orange na mahabang buhok
"Anong pangalan mo?"
Sino kaya tong dalawang babae na nasa unahan? Muli ko silang tinitigan at diko namalayan na hanggang ngayon pala ay nakatingin padin sa akin ang buong klase pati nadin ang dalawang magandang babae sa unahan
"Ang sabi ko, Anong pangalan mo?"
Masasabi kong hindi kabilang sa beginner class ang dalawang ito, kasi paniguradong na gising na nila ang kanilang mga spirits
"HOOYYY!!!"
napalingon ako sa sumigaw, isa sa mga kaklase kong lalake, sya yung sobrang yabang pagpasok palang ay kung ano ano nang nai ku kwento at pinagmamayabang sa mga iba kong kaklase kanina bago ako matulog
"Haa? Ahh? Bakit?"
Sakin sya nakatingin, ibig sabihin ako ang sinigawan nya"Hahahahahahha"
"Wahahahhahaha"
"Laptrip tol!"
Muli na namang nagtawanan ang mga kaklase ko! Naguguluhan nako!
"bungol kaba o ano? Pagtapos mong sumigaw kanina, ngayon naman hindi ka sumasagot sa tanong ni Miss Kate!"
Hayun! Nagpapa impress itong mayabang na ito sa babaeng nasa harapan, kaya pala G na G itong kumag na ito
"Maupo kana Paul" sabi naman ng babaeng naka kulay puti
Para namang asong naupo agad itong mayabang na ito na Paul pala ang pangalan
"Uulitin ko ang tanong. Ano ang pangalan mo?" Ngayon naman ay yung babaeng naka itim ang nagsalita.
Sya pala yung tinatawag na Miss Kate nung kumag na Paul na iyun
"HOOYY!! Bungol! Sagot!"
Letse! Nagmamadale? Konti na lang mababadtrip nako dito na kumag na ito!
"Ahhh, eh Renzo po. Ako po si Renzo Aguirre"
"Aguirre?" Napatigil sya saglit
"Kaano ano mo si Mr. Richard Aguirre?" Kilala nya pala si lolo, pero hindi na nakapagtataka kase sikat naman ang pamilya namin sa Azure Scale, kabilang kame sa top5 family dito. Naka rank ito base sa contribution, power at money ng mga pamilya
"Lolo ko sya"
Bakit parang may pag aalinlangan sa mukha nya ng sabihin kong lolo ko yun? Di lang sya, pati mga kaklase ko parang ayaw maniwala
"Angel, mas kilala ng family nyo ang Aguirre family. Familiar ba sya sayo?" Tinanong naman ni miss Kate yung babaeng katabi nya sa unahan, Angel pala ang pangalan nya. Bagay na bagay sa kanya ang pangalang iyon.
"Hmm, hindi eh! Hindi kopa sya na me meet o nakita, ngayon lang" pati ang boses nya, parang tinig na nagmumula sa langit. tunay na anghel lamang ang maihahalintulad dito.
BINABASA MO ANG
YINYANG: AzureScale Academy
FantasyAzure Sky, mundo kung saan ang lahat ng tao ay biniyayaan ng Spirit na posible nilang magamit laban sa lumalalang dami at lumalakas na pwersa ng mga Demon Beast. Spirit Knight, ang tawag sa mga katuwang ng Spirit Emperor sa pag sugpo sa mga Demon Be...