Sa kontinente ng Azure Sky, hindi na bago ang pagkakaroon ng mga spirits, at tulad ng karamihang Fantasy stories ay mayroon din itong mabubuting nilalang at syempre meron din dapat kasamaan.
Dahil patuloy din ang pag laki ng dami ng mga demon beast, ang mga mababangis na halimaw na kumakain at pumapatay hindi lang sa mga normal na tao kundi pati nadin sa mga Spiritualist.
Spirit Emperor ang namununo sa Azure Sky, sya din ang nangunguna sa pag protekta sa mga mamamayang nasasakupan nito.
Katuwang nya ang mga Spirit Knight, ang mga pinaka malalakas na spiritualist sa buong Azure Sky. Ngunit sa paglipas ng panahon ay palakas ng palakas at padami na ng padame ang Demon beast, na naging dahilan ng pagka ubos ng mga Spirit Knights.
Kaya naman sa Apat na bahagi ng Azure Sky ay may nakatayong school, lugar kung saan hinuhubog ang mga batang spiritualist upang hasain ang mga kakayahan at upang sa pagdating ng panahon ay mag sisilbi sila bayan, at para nadin hanapin ang mga susunod na Spirit Knights o maging ang susunod na Spirit Emperor.
AZURE SCALE ACADEMY
Andito ako ngayon sa Beginner Class, halos lahat ng nandito ay nasa edad 15-16, ganito kase ang edad kung saan maaaring magkaroon ng isang Spiritual Awakening ang isang tao,
'excited nako'
kase alam ko namang magiging astig ang Spirit ko, aba ako yata ang susunod na Spirit Emperor ng Azure Sky, oo tama kayo ng nabasa, Si Renzo Aguirre na may malakas na Spirit ang susunod ninyong Spirit Emperor!
Pero pwede bang Spirit Emperor na agad , wala ng klase klase. kase nakaka boring punasok.
"HaAaUuuuUghh!!!"
Tsk! Napalakas ata ang hikab ko, nagtinginan tuloy ang halos lahat sa akin
Paano ba naman, mag dadalawang oras na kame dito sa room na naka upo lang, wala daw ang teacher, nasa meeting daw. Inaantok na tuloy ako parang gusto ko munang matulog!
"Sige na nga. Wala namang teacher, sa sobrang excited ko kase kagabe di ako masyadong nakatulog" Pagkumbinsi ko sa sarili ko, habang itinuloy na ang pag tungo sa desk.
-
-
-
-
"Renzo"
"Lumapit ka Renzo"
"Renzo"
"Renzoo"
Habang nakapikit, may narinig akong tumatawag sakin. Sh*t, andyan na yata ang teacher namin
Kaya nagmadali akong bumangon at agad kong naimulat ang aking mga mata
"..."
Lumingon ako sa kaliwa
"..."
Lumingon ako sa kanan
"..."
Kinusot ko mga mata ko
"..."
"Teka! Nasaan ako? Anong lugar ito?"
Para akong nasa kawalan, diko maipaliwanag kung nasaan ako ngayon, at ang nakapagtataka lalo ay naka lutang ako ngayon, wala akong makita, wala akong makapitan, panaginip ba to? Sinubukan kong kurutin ang pisngi ko
"Aray!"
Nasaktan ako? Ibig sabihin hindi ito panaginip? Eh ano itong lugar na ito? Asan ako?
"Ano yun?"
Bigla akong may nakitang isang maliit na bolang kulay puti, na may enerhiyang puti din na lumalabas dito, at unti unti ding lumulutang papalapit sakin
Nang itoy tuluyang makalapit sakin, mas napag masdan ko ito, bolang puti na kasing laki ng bola ng basketball, nararamdaman ko ang malakas na enerhiya na lumalabas dito
Parang merong nag uudyok sa akin na hawakan ko itong bolang puti sa aking harapan, ngunit natatakot ako, diko alam ang pwedeng mangyare pag hinawakan ko ito, pano kung mamatay ako? Pano kung lamunin ako ng puting bola na ito? Paano na ang pangarap kong maging Spirit Emperor?
"Hah?! May isa pa? Ano yun? Ano kaya itong mga ito?"
Dahil habang tinititigan ko ang puting bola sa aking harapan meron namang panibagong bilog ang lumulutang palapit sa akin, pero ngayon, kulay itim naman ito, pati ang enerhiyang lumalabas dito ay kulay itim din.
Mas lalong tumindi ang nag uudyok sa isip ko na kapitan ko ang isa sa mga bolang lumulutang sa aking harapan. Ngunit mas tumitindi ang takot na aking nararamdaman
"Agghh! Diko alam ang gagawin ko! Paano ba ito?"
Hindi ko alam, pero nilalamon na ang isip ko na kailangan ko itong hawakan, na para bang nagsasabi na ito ang paraan para maka alis ako sa lugar na ito
"Bahala na!"
Bahala na kung anong mangyare, kakapitan ko na ang isa sa mga bolang nasa harapan ko, ng biglang- -
"AAHHHHHHHHHGGGG!!!!!"
Biglang lumiwanag ng sobrang lakas ang dalawang bola sa aking harapan, sobrang lakas din ng enerhiyang nilalabas ng mga ito at bigla na lang pumasok ang dalawang bola sa aking katawan!
-
-
-
-
"Ahahahhhahahahha"
"WAHAHAHAHHA"
"Ahahahhaha"
Napuno ng tawanan ang buong classroom namin. Ako naman? Ito nakatayo, nakaharang pa ang dalawa kong kamay sa aking mukha na para bang may malaking demon beast na kakain sa akin
At ang pinaka nakakahiya, kakatapos ko lang sumigaw! Oo, yung sigaw ko pala kanina sa aking panaginip ay napalakas pala!
"Psst! woy! Umupo kana! Humingi kadin ng tawad dun sa substitute teachers sa harapan"
Kinalabit ako nung kalapit ko, sabay pabulong akong kinausap, pati siguro siya ay nahiya para sa akin!
"Sorry po! Sorry po!"
Sinunod ko din naman sya at agad akong humingi ng sorry, umupo nadin agad ako!
Pag tingin ko sa unahan, merong dalawang babae na nag uumapaw ang taglay na kagandahan.
Ang isa ay nakasuot ng puting damit, at ang isa naman ay naka suot ng itim na damit
- - -
After 2years nag update, hehe sorry, naisipan ko lang mag dl ng wattpad, tas nakita ko may mga ongoing stories pala ako, sinipag mag sulaylt hayun nag update, hahahahha
- - -
YINYANG: Azure Scale Academy
All rights reserved
©2020
_FantasyBoii
BINABASA MO ANG
YINYANG: AzureScale Academy
FantasiAzure Sky, mundo kung saan ang lahat ng tao ay biniyayaan ng Spirit na posible nilang magamit laban sa lumalalang dami at lumalakas na pwersa ng mga Demon Beast. Spirit Knight, ang tawag sa mga katuwang ng Spirit Emperor sa pag sugpo sa mga Demon Be...
