Chapter 3: Attachment

1.7K 182 21
                                    


CHAPTER T H R E E

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER T H R E E

AELARI'S POV

I'm doing the right thing. Ganito ang ginagawa ng normal na tao pagkatapos na mang-istorbo at tulungan ng iba. Iyon nga lang hindi naman ako normal na tao. Nothing about me can be called normal or common.

Pinilig ko ang ulo ko at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa basket na dala ko. Lumilingon-lingon na lumabas ako ng gate kahit alam ko naman na bihira ang napapagawi sa bandang ito ng subdivision. Mabuti na ang sigurado lalo pa at masyado pang maaga.

What I meant by that is that it is too early for me. Kapag nagkakaroon ng pagkakataon na nakakalabas ako ay hating-gabi na iyon o madaling-araw na. Seven o'clock pa lang ng gabi ngayon kaya masyado pa talagang maaga para sa akin.

I crossed the streets and just like always, I can feel the fear trying to crawl inside me like poisonous vines. Bago pa ako maduwag at umatras ay tinakbo ko ang distansiya ng bahay ko at ang kay Bryson. Ibinaba ko sa labas ng gate ang dala ko na basket at pagkatapos ay pinindot ko ang doorbell nang dalawang beses. I didn't give him time to see me outside his gate dahil pagkatunog na pagkatunog pa lang ng doorbell niya ay nagmamadali na akong bumalik sa bahay ko.

I ran back to my house and hurriedly lock the gate and the main door. Dumadagundong sa kaba ang dibdib na napasandal ako sa pintuan. Nasa ganoong ayos ako nang may maisip ako.

Oh no. I didn't left a note. Hindi ko rin sinabi sa kaniya na may iniwan ako sa gate niya. Baka akalain pa no'n may nantitrip lang sa kaniya at naisipang paglaruan ang doorbell niya.

Mahina kong inuntog ang ulo ko sa pader na para bang magagawa no'n na gisingin ako sa katangahan na ginawa ko. I look like a creep and he didn't deserve to be bothered by someone like me. Siya na nga itong tumulong sa akin bibigyan ko pa siya ng problema.

Kagat ang ibabang labi na pumunta ako sa kusina at hindi ko pinansin ang parang binomba ko na mga gamit doon dahil sa ginawa kong pagluluto. Inabot ko ang maliit na asul na crystal bowl sa ibabaw ng fridge at kinuha ko roon ang business card na iniwan sa akin ni Bryson noong isang araw.

Bryson Castellan of CastlePro Enterprise. My neighbor.

I'm familiar with CastlePro. They develop software, hardware, and computer programs. Bukod doon ay provider din sila ng maraming malalaking kompanya. They're a powerhouse in the technology world. Bukod doon ay kaya ako pamilyar sa kanila ay dahil ilang beses nang sumubok ang B & A Tech. para makipag-partnership sa kanila. For some reason, CastlePro always decline the offer.

I always wanted to work with them but it's Alderidge's turf when it comes to business partnership kaya hindi rin ako nakikielam.

Muli kong tinignan ang card. I can do this. I may not be used to talking to people face to face pero hindi na bago sa akin ang may kausap sa telepono o video call. I'm a strong, independent, woman. Kung sa panahon ko nabuhay ang taong nag-imbento ng salitang independent ay malamang ako ang nasa isip no'n. I've been fending for myself since I was eight. People tried to take care of me but it's not like I made it easy for them. Paano mo aalagaan ang isang bata na hindi mo maaaring hawakan?

D I A B L O: Behind The Cursed RuinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon