M I E S H Y M A Y
Pagkasakay na pagkasakay ko sa jeep ay agad akong lumingon sa labas para kumaway kay Havie. Ngumiti naman siya sa akin at kumaway pabalik. Manong driver start the engine of the jeep kaya umayos na ako ng upo. Pinatong ko ang bag ko sa legs ko at binuksan ang small pouch para kunin ang wallet ko.
"Kuya paabot naman po ng bayad." Pakisuyo ko sa katabi ko, Inabot ko ang twenty pesos sa kanya.
Hindi niya ako nilingon pero nilahad naman niya ang palad niya kaya nilagay ko na lang doon ang bayad ko.
"Ilan ang bente na 'to?!" Sigaw ni Manong driver.
"Isa lang po Manong! Student po!" Sigaw ko pabalik.
Aba sayang din ang discount, pang pamasahe pa ulit bukas ang sukli.
Sinara ko ang wallet ko at binalik ko sa bag. I hangout with my friends earlier, may ganito na kaming cycle na magkakaibigan, nagbabago ang taya buwan-buwan and it's Havie's treat earlier.
Napalingon ako sa katabi ko nang ilahad niya ang kamay niya at may sampung piso doon. Kinuha ko iyon dahil sukli ko iyon sa bente kanina, hindi ko na nilabas ang wallet ko, nilagay ko na lang sa bulsa ng suot kong pantalon.
"Salamat" Saad ko pero hindi man lang niya ako nilingon.
Ang suplado naman nito. Naka hoodie siya na kulay blue at itim na pantalon. Nakasuot ang hood nito sa ulo niya kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya, iniwas ko na lang ang tingin ko at tumingin sa labas. Baka kasi lumagpas ako sa amin.
"Para!" Sigaw ko nang makitang malapit na ako sa amin.
Sabi ko na eh, muntik na naman akong lumagpas.
Huminto naman ang jeep kaya bumaba ako agad. Habang naglalakad sa gilid ng kalsada ay napakunot-noo ako ng may maramdaman akong sumusunod sa akin. My heart started to beat faster because of the fear.
Huminto ako at balak na sanang lumingon but before I can look at the back, someone pulled my arm, napasunod ang buong katawan ko pagilid sa kalsada. Because of the sudden pull, ay hindi ko na nabalance ang sarili ko at sumubsob ako sa dibdib nang kung sino man ang humila sa akin, kasabay nun ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko.
"Tumingin ka naman sa paligid mo at muntik ka na masagasaan." He said, medyo may diin ang boses nito pero hindi naman pasigaw.
I feel stunned after what happened but I don't know which of the reason that cause it. Dahil ba sa muntik na akong masagasaan o dahil ba sa may-ari ng boses na iyon?
"Are you alright?" Muling tanong nito sa akin ans it really sinks me in, hindi ako nanaginip, it's really his voice, it's really him.
Inalis niya ang kamay niya sa bewang ko at napaatras naman ako ng isang hakbang palayo sa kanya at sakto naman nun ay humangin kaya nalaglag ang hood niya sa pagkakasuot sa ulo niya.
Kasabay nang pag ihip ng hangin ay ang muling pagtatagpo ng mga nata namin. I can't name the emotions that starting to fill me up. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kanya o sasampalin ko siya gayong nakangiti na siya sa harapan ko.
"Hi Ex!" Nakangiti niyang saad sa akin na para bang hindi isang sinumpang kataga iyon.
Yes, the one who saved me is my ex.
•••
YOU ARE READING
Hi Ex (Hi Series #2)
Short StoryHi Series #2 When she thought things will remain at past they eventually pop out again. Can Mieshy wrap things or would she let the past enter her future again? ••• An Epistolary Novel