L U I S N A T H A N I E L
Napatayo na ako ng mabasa ko ang message na natanggap ko mula kay Tita Mina. Hindi pa siya umuuwi, mas lalong dumagdag sa bigat at pagkirot ang puso ko ng sumagi sa isip ko na maaring umiiyak na siya ngayon. Naikuyom ko ang kamao ko at nilingon si Mama na nakahiga sa kama niya.Nandito kami ngayon sa hospital, sinugod si Mama kanina at nagusap kami na itutuloy niya ang operasyon ngunit kapalit nun ay ang pakikipaghiwalay ko kay Mieshy, hindi ko na nagawa pang puntahan siya dahil sobrang pag-aalala na ang nararamdaman ko para kay Mama. Ngayon ko lang din nahawakan ang phone ko kaya ngayon ko lang nabasa lahat ng mensahe nila.
I can't think well, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang matuloy ang operasyon ni Mama. Kanina pa siya nakikipag matigasan sa akin, hindi ko na napag-isipan pa ang mga nasabi ko kanina. I'm so eager to make her say that she will do the surgery kaya napa-oo na ako sa hiling niya. And all of the consequences are slowly sinking on my head now. In order to save my mom, I need to let Mieshy go.
"Puntahan mo na siya Luis ako na munang bahala kay Tita." Napalingon ako sa nagsalita na nasa harapan ko.
Nakita ko si Kuya Migo, pinsan ko siya sa side ni Mama. Siya ang tumulong sa akin kanina para isugod si Mama sa hospital.
Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko at nilingon si Mama na tahimik na natutulog at nagpapahinga. Ang bigat-bigat ng nararamdaman ko, I don't even know what should I do right now, I love Mieshy but I also don't want to lose my mom, I can't.
I promised Mieshy that I will fight and protect our relationship pero ngayon mukhang hindi ko magagawa at kailangan ko pa siyang iwan. I know I'm being selfish for this, but I hope that someday she can forgive me for what I will do later.
"Salamat Kuya Migo." Tumango lang siya sa akin at sinenyasan ako na umalis na.
"Bumalik ka agad alam mong magpa-panic si Tita kapag hindi ka niya nakita pag-gising niya." Bilin niya.
I know that she's still waiting for me at the park. Ilang oras na siya roon? Alas-otso pa ang huling text message niya sakin.
Wala naman po sanang nangyareng masama sa kanya, Hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakali.
Ipinara ni Manong ang sinasakyan naming tricycle sa gilid ng entrance. Nag bayad ako at agad na bumaba.
Pumasok ako sa parke at nilibot ang lugar para makita si Mieshy, napahinto ako sa paglakad-takbo nang may makita akong babaeng nakaupo sa ilalim ng puno. Nakasandal siya sa katawan nito habang nakapikit ang mga mata niya.
Napalingon ako sa paligid, damn this woman! Alam niya ba na maari siyang mapahamak sa paghihintay sa akin dito? Bakit hindi pa siya umuwi? I know she already know na hindi ako sisipot pero naghintay pa rin talaga siya. Napaka tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to.
I want to smack myself, of course, I know how hard-headed she is.
Habang nakatitig ako sa kanya ay may bumubulong sa akin na takbuhin na ang distansya naming dalawa at yakapin siya nang mahigpit pero may pumipigil sa aking gawin iyon. My heart and brain are starting fighting inside of me.
My heart wants me to hug pero ang utak ko ay pinapaalala sa akin ang dahilan kung bakit ako pumunta rito ngayon.
I stop in in front of her, hindi ako nagsalita, hinayaan ko ang sarili ko na tinitigan siya, this is my last chance to see her face na ganito kalapit, I'm sure that after this night, I won't have a chance to see her like this. I work hard to make her mine and to protect our relationship pero bakit ganun? I do everything I can para hindi kami humantong sa ganito but we will still end up like this? Why can't my mother understand my feelings? Gusto ko lang naman mahalin ng buong puso si Mieshy pero bakit ayaw nila akong hayaan?
YOU ARE READING
Hi Ex (Hi Series #2)
Short StoryHi Series #2 When she thought things will remain at past they eventually pop out again. Can Mieshy wrap things or would she let the past enter her future again? ••• An Epistolary Novel