Move on

139 3 1
                                    


Gaano nga ba kahirap mag move on?

Move on. M-O-V-E O-N anim na letra na sobrang daling basahin at sabihin, Ngunit sobrang hirap gawin.

Kasi ang pag momove on, pag tatanggap yan na 'wala na.' 'tapos na', na ung taong minahal mo ng sobra sobra 'eh kailangan mo na kalimutan. Hindi naman tottally na kalimutan. Basta kailangan mo tanggapin na hindi na pwede, na tapos na talaga, na kahit anong sabi at pangako nya sayo dati na 'Poreber tayo' Eh tanginang wala na. Nakakalungkot man isipin pero wala eh. May mga bagay talaga na kahit sobra mong pinahalagahan at iningatan ng sobra eh mauuwi paren sa wala pero atleast ang maganda dun, natuto ka. Pero balik tayo sa kung gaano kahirap mag move on. Una sa lahat MAHIRAP TALAGA YAN. SOBRA. lalo na kung matagal kayo nag mahalan at lalo na kung binigay mo lahat ng pag mamahal na kaya mong ibigay yung binigay mo ung sobra pa sa sobra. Pucha pre, mahirap talaga yan hahaha solid yan kaya goodluck. Kaya minsan may mga tao talaga na sobrang naapektuhan ung buhay nila ng dahil lang sa 'tao' na un, kaya wag tayong mang husga kung minsan baket sobrang sungit, suplado, tahimik, o napaka seryoso or palatawa ng isang tao. Kasi malay naten sobrang hirap ng dinanas nyan sa buhay pag ibig. Kaya saludo ako sa mga taong iniwan, sinaktan, pinaasa, na-friend zoned.  Ay nakukuha paring mag mahal at mag patuloy hanapin at antayin yung 'the one'. Pero pag naka move on ka at natanggap mo na ung isang bagay na alam mong tapos na at wala na talaga, Magigising ka nalang isang araw ng di mo napapansin na naka move on kana pala. Masasabi mo nalang na 'Putangina sa wakas!' Kaya sa mga nag momove on jan! Kaya mo yan! :) Kaya mo yan. Mabagal man, Masakit man. pero tangina wooh!

Kaya mo yan :)

Tiwala lang sa sarili at sandal lang sa mga tropa makakamit mo din yanng pag tanggap na gustong gusto mo makamtam.

"You'll eventually lose someone you thought you couldn't live without"

Mga tanongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon