Time travel

50 1 1
                                    

Kung bibigyan ako ng pagkakataon na magkaron at makapili ng gusto kong kapangyarihan. Pipiliin ko talaga ng walang pag aalinlangan yung pag ta-time travel, gusto ko kasi bumalik..
gusto ko bumalik sa umpisa. Gusto kong maramdaman ulit ung dati..

Sabi kasi nila sa isang relasyon daw ang pinaka masayang parte daw non ay yung umpisa, ung nag uumpisa palang kayo, ung kinikilala niyo palang ang isa't isa. Yung inaalam mo kung ano ba ang paborito niyang kulay, paboritong pagkain o paboritong kanta, Kung saan ba siya natatakot, kung alin na ba ang nag pa iyak sakanyang mga pelikula..

Sa tingin ko naman totoo un.
Masaya naman talaga lagi sa umpisa..
Masaya kasi kilalanin ang isang tao, masaya malaman ang mga kwento niya sa buhay. Kaya gusto ko magkaroon ng kapangyarihan na pwede kang bumalik sa nakaraan o sa kasalukuyan..

Minsan kasi hindi naten namamalayan na sa bawat pag lipas ng oras, araw o buwan. Unti unti na palang may nag babago. Sa bawat away, di pag kakasundo o pag sasabi ng masasakit na salita sa isang tao. May nag babago..

Oo siguro mapapatawad mo siya o mapapatawad ka niya. Pero may mga klase pala talaga ng tao na hindi silang madaling makalimot. Hindi nila nakakalimutan yung ginawa mong pagkakamali, papatawadin ka nila pero mananatili sa isip nila ung ganung klase ng bagay na ginawa mo sakanila. Nakukuha mo bako? Hindi sila madaling makalimot, pero marunong silang mag patawad.

Kaya doon pumapasok ung sinabi kong 'may nagbabago' kasi di nila kinakalimutan ung ginawa mo..
Siguro naiisip nilang na tetake for granted mo sila o naabuso mo na sila kaya mag babawas sila ng kaonti sa ginagawa nila simula noong umpisa.

Eh pano pa kung napadalas ang di niyo pag kakasundo at pag aaway?
Edi mag kakasakitan kayo.. Mag babago nanaman. Unti unti..
Hanggang sa hihilingin mo na din ung gusto kong kapangyarihan. Nakukuha mo na ba ako? :)

Gustong gusto ko talaga mag time travel.. Bibisitahin ko lang saglit ung dati mong pagkatao.. Titignan ko lang saglit kung saang parte bako nagkamali, kung saang desisyon bako pumalpak.. Damdamhin ko lang lahat ng pakiramdam nung una. Nung unang beses kitang nakita, unang beses naka usap, unang beses nayakap.. Ang saya siguro. Ang saya pa siguro..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga tanongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon