Forever? Ano un nakakaen ba un? XD
Mas maganda siguro kung nakakaen un edi mabubusog pa tayo Hahahaha dejk. Pero ung Forever Na yan sa panahon ngaun mas matagal pa ung pag ligo ko kesa dun eh, mas matagal pa ung pag tigas ng yelo kesa dun at lalong lalo ng mas matagal pa ung joy na pang hugas ng plato kesa dun Hahahaha. nakakaiyak isipin na naging ganun noh? Bat kaya naging ganun na? Laganap na kasi ngaun ung mga haliparot na di makuntento. hays CONDOLENCE PO SA MGA NABIKTIMA NG FOREVER NAKIKIRAMAY AKO. Naranasan mo na bang mabiktima ng linyang 'Ikaw lang naman baby eh. forever tayo. mahal na mahal kita❤❤' ikaw naman si tangang naniwala pero di mo alam send to many pala Hahahaha hayup! Dapat kasi ung mga seryoso mapunta sa seryoso ung mga gago at manloloko at malalandi mapunta din sa kagaya nila Para bahala na silang maglandian at maglokohan jan Hahaha. pero di eh sadyang mapaglaro ung pakingshet na tadhana. sino ba kasi yang tadhana na yan? tawagin nyo nga ng mabugbog ko na daming sinasaktan eh XD
Pero sabi nga nila Everything's happen for a reason.
Siguro kaya ka nabiktima ng forever na yan eh, Dahil dadating ung taong mag cocomfort sayo at mahuhulog ka dun tapos Lolokohin ka ulet Hahahahahaha dejk! un nga dadating siya tas pupulutin ung nabasag mong puso at bubuoin ulet tapos iingatan niya na at di na babasagin. Oha! XD
Tapos kayo na magpatunay ng forever diba? bongga teh! Pero may forever naman eh forever alone, forever gutom nga lang Hahahahaha dejk ulet. may forever naman eh, pag nakita mo na ung The one ;)
Yun nga lang mahirap hanapin yang 'the one' na yan eh kasi naman teh hindi basta basta un. wala namang nakalagay na karatula sa harap or likod niya na nagsasabing siya na ung para sayo. kaya mahirap yan sabi nga dun sa my amnesia girl '“Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa’yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab.”
"May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa” odibaaaa? Pero naguguluhan talaga ko kung paano malalaman kung siya na ba ung 'The one' eh @___@teka humahaba na ata masyado Hahaha pero sa tingen mo pano malalaman kung siya na ung forever o ung the one na para sayo? :)