Naranasan mo na ba ung parang alam mo ng mahal mo siya pero sinasabi mo sa sarili mo na 'Hindi! kaibigan ko lang yan. Wala lang toh HAHAHAHA!' Yung tipong nahulog kana pero ayaw mong sabihin na Nahulog kana kasi alam mong walang sasalo?
Yung kunyare wala ka pake sa lahat ng sinasabi at ginagawa niya pero patago kang nakikinig at nag oobserba kasi alam mo sa sarili mong may pake ka talaga at ayaw mo lang ipaalam sakanya kasi natatakot ka na baka pag sinabi mo layuan ka niya?
Yung sa bawat sasabihin niya tungkol sa iba ung sa bawat makakasama niya at makakausap niya at mapapatawa siya nagseselos ka?
Yung kahit selos na selos kana pinipilit mong itago kasi nga Wala kang karapatan? Wala kang karapatan kasi ano? Kaibigan ka lang. Kaya ang gagawin mo nalang manahimik sa tabi at patayin sa isip mo ung kausap o kasama niya.
Tapos pag uwi mo sa bahay ang gagawin mo lang mag stalk sa fb/twitter niya tapos pag may nakitang di ka aya aya mag dradrama?
Oh ano naranasan mo na ba? :)
wala lang natanong ko lang naman..