Chapter Three

147 14 6
                                    

Chapter Three: Bike with you

Justine's POV

"Fine, eh kasi like lang naman pala, kung makaconcern ka parang girlfriend mo siya", pagkatapos niyang sabihin 'yun ay umalis na ako.

"Sana kasi, ikaw na lang yung naging girlfriend ko", pabulong kong sabi.

Ang totoo, girlfriend ko na talaga si Pearl, h'wag sana kayong magalit, kasi ginamit ko lang si Pearl para maging malapit kay Shaynie, kasi bestfriend nga daw sila, pero nagkamali ako, hindi na pala dahil sa lala ng ugali ni Pearl, pero kahit ginamit ko lang siya, i'm inlike with her din naman, pero iba talaga ang like sa love.

Bumalik na ako sa classroom and sinalubong naman ako ng girlfriend ko.

"Hi babe! sa'n ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap ah", sabi niya sa akin.

"May binili lang ako", palusot ko.

"Ano yung binili mo?", tanong niya.

"Ha? Uhm... B-bond Paper! Tama! Bond Paper!", palusot ko na naman.

"Bond Paper? Para saan naman?", tanong niya ulit. Patay ako ne'to, tama may naisip ako.

"Uhm... Inutusan ako ni Mrs. Dela Peña", palusot again.

"Ahh... Okay, tara pasok tayo sa loob", yaya niya kaya pumasok na ako, pagpasok ko ay nandun si Shaynie sa loob and masaya silang nag-uusap ni Mae.

Akala ko si Pearl ang best friend niya, pero bakit parang si Mae? Matanong nga 'tong si Pearl.

"Uhm... Babes, pwedeng magtanong?", tanong ko sa kanya.

"Sure! What is it babes?", sabi niya.

"Is that Shaynie, your bestfriend?", tanong ko.

"Uhm... Yeah! Before. But nung pinapili ko siya sa amin ni Mae, si Mae ang pinili niya eh", sabi niya na parang naiiyak.

"But, you still want her to be your best friend?", tanong ko.

"Yes, but I think, that would never happen", sabi niya na niiyak na talaga and tumulo na yung luha niya.

"I'm sorry, I didn't meant to make you cry", paumanhin ko, umiiyak na eh.

"No, naiiyak lang talaga ako, but, babes, can I have a favor?", sabi niya.

"Yes, kung makakaya ko.", sagot ko.

"Pwede mo bang pakinggan ang mga sasabihin ko? and comfort me also?", sabi niya. Ano kaya yung sasabihin niya? Siguro, tungkol sa bestfriends niya.

"Sure, just tell me.", sabi ko.

"Eh, kasi, Simula nung first year high school pa lang tayo ay mag best friends na kaming tatlo ni Shaynie at Pearl", alam ko, stalker kaya ako ni Shaynie.

"Kaso, napansin ko na parang lagi na lang si Mae ang pinapansin ni Shay, kaya simula nun, uminit na yung dugo ko kay Mae, and napapansin ko ring ayaw na rin ni Mae sa akin, then kanina, pinapili ko si Shaynie sa amin ni Mae, and ang pinili niya ay si Mae, kaya bumalik ako sa classroom na luhaan, and I think, pati si Shay galit na rin sa akin", sabi ni Pearl, kaya kinomfort ko na lang siya through hug.

///

Shaynie's POV

*BELL RINGS*

Haaay.... Salamat. . . Natapos na rin yung klase.

Naglakad na ako pauwi, nagtataka kayo kung bakit? Ewan ko, 'di ko alam kung bakit sumagi sa isip ko na maglakad ngayon, siguro ganado lang talaga ako. Nabigla ako nang may biglang humarang sa harapan ko na isang bike na may nakasakay na isang lalaking estudyante. At ito ay si JUSTINE?!

"Shaynie, bakit ka ba nalalakad pauwi?", tanong niya na parang nag-alala.

"And so? Who cares?", tanong ko na may pagkataray ang tono.

"Ako", sabi niya, ano daw? Siya daw? Nag-alala?

"Duh? I'm not Pearl", sabi ko.

"Hmp! Sakay!", sabi niya sabay turo sa backseat ng kanyang bike.

"Ayoko nga!", sabi ko.

"SAKAY!", OMG! Natatakot ako sa boses niya kaya sumakay na lang ako.

Nabigla ako nang lumagpas kami sa bahay namin at hindi naman ako makatalon dahil sa bilid ng pagpapatakbo niya. Nakakainis! Ano kaya ang gagawin nito sa akin?

"Hoy! Lumagpas na tayo sa bahay namin!", pasigaw kong sabi, ngunit, hindi pa rin siya umiimik. Sheeeeet lng ha!

"Hoy! Pag hindi ka sumagot dyan, tatalon ako", pagbabanta kong sabi ngunit hindi parin siya umiimik, pipi ba'to? Hindi naman siguro, nag-uusap pa nga kami kanina 'diba?

"Hoy! MR. JUSTINE BACALSO! PAG HINDI KA MAGSASALITA DYAN, ITIGIL MO NAMAN 'TONG BIKE! SIGE KA! TATALON TALAGA AKO!!", tatalon talaga ako! Bahala na si Batman sa akin, tatalon na ako!

*screeeetch*

Nyek! Tatalon na sana ako nang biglang tumugil ang bike at nang humarap na ako kay Justine ay may nakita akong headphone na kinukuha niya mula sa tenga niya. Paksheeet! Kaya pala hindi siya umiimik kanina eh, hindi niya pala ako naririnig, paksheeet talaga!

"Nandito na ta---", natulala siya.

"Oh! Anong nangyari sa'yo?! Ba't ganyan mukha mo?!", gulat na sabi niya sa akin.

"W-wala 'to, nevermind", sabi ko. Sasabihin ko sana na lumagpas na kami sa bahay namin pero sinabi niya namang 'nandito na tayo', dinala niya ako sa isang lugar and...

O_O

(A.N :: Di muna ako makakapangako na ma-u-upload ko yung next chapter nito, back to school na kasi eh! By the way, belated Merry Christmas guys! And Advance Happy New Year!)

We're Too YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon