OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:
PERFECT WORDS - INSPIRED BY MORE THAN WORDS (KYLIE PADILLA)
(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Ang nakaraan (Pinagtagpo, Itinadhana Book 2)
"Nais ko lamang kayong balaan pagkat nasa panganib kayo." Winika ni Cassiopeia."Gamitin niyo ang susi ng lagusan. Pumaroon muna kayo sa mundo ng mga tao."
.
.
.
.
.
"Kinausap ako ni Danaya... may binuo silang plano ni Cassiopeia upang mapigilan ang paparating na panganib sa atin." Ipinagpatuloy ng reyna. "At bahagi ng kanilang plano ang pagsama ko sa inyo sa mundo ng mga tao."
Nakaramdam ng pag-asa ang prinsipe. "Ang ibig bang sabihin ay ..." Tumango ang reyna.
"Sasama ako sa inyo ni Lira." Nakahinga nang maluwag ang rehav at napangiti.
.
.
.
.
KASALUKUYAN
"Hanggang saan aabot ang 20 pesos mo?" Pabirong bulong ni Lira habang nakadungaw sa bintana.
Instant date nila tatay at nanay, isip niya. Masayang pinagmamasdan ng diwani ang kanyang mga magulang sa hardin habang kumakain ang dalawa ng ice cream.
Nasa kusina si Lira at inihahanda ang kanyang meryenda. "At sa sobrang sweet nila nagcrave tuloy ako ng marshmallow at chocolate."
Ilang araw na rin mula nang nagbalik sila sa mundo ng mga tao. Panandalian silang nananatili sa bahay ng mga encantadong sina Enuo at Rael.
"Parang kailan lang..." Nagbuntong hininga siya. Hindi maiwasang magbalik tanaw ni Lira sa mga pangyayaring nakalipas.
.
.
.
.
.
Nakaraan
"Pao Pao lagi kitang mamimiss. Tatandaan mo mahal ka ni ate Lira." Isinama nila pabalik ang bata upang makauwi na rin ito sa kanyang pamilya.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA (ENCANTADIA / BOOK 3 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ito ang ikatlong aklat. Upang masu...