ANG PAGSAKRIPISYO

184 13 11
                                    

OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:

THE SCIENTIST (COLDPLAY)

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)


Ang Nakaraan

"Ayon kay Cassiopeia, ang buong kapangyarihan ng pinagsama-samang mga brilyante ang may kakayahang makatalo sa mga hadezar." Ulat ni Danaya.

"Subalit hawak ni Hagorn ang ibang mga brilyante..." Sambit ng reyna.

"May isa pang kahinaan ang mga hadezar..." Dagdag ni Alena. "Magagapi sila ng kapwa nila ivtre."

Isang ivtre na lalaban para sa amin. Isip ni Amihan.

"Hindi maaaring ibigay ko kay Hagorn lahat ng hinihingi niya." Winika ng reyna. "Kaya ihanda niyo na ang inyong mga sarili sa ating paglikas. Pagkat sa oras na ito, papalapit na si Hagorn sa palasyo."

.

.

.

.

.

SA PALASYO NG LIREO

"Pirena." Nagulat ang lahat nang biglang nagpakita ang sanggre.

"Lira. Mira. Lumikas na kayong dalawa." Utos ni Amihan.

"Pero nay..." Sasagot pa sana ang diwani. "Alam niyo na kung saan kayo pupunta." Dagdag ng reyna. "Ngayon na." Hindi nga't wala nang nagawa ang dalawa kung hindi ang sumunod.

"Hindi ako lalaban sa inyo." Tinuran ni Pirena nang makaalis ang kaniyang anak at hadiya. "Sa halip, narito ako upang makipagkaisa..." Nakahanda pa rin ang mga armas ng kanyang mga kapatid.

"Nais ko ring humingi ng tawad sa inyong lahat sa aking mga nagawang kasalanan." May gulat sa mukha ng tatlong sanggre.

"Patawarin niyo ako Alena...Danaya...Amihan." Tumulo ang mga luha ni Pirena. "Sa aking pakikitungo sa inyo at maling kaisipan...nawa'y patawarin din ako ng ating namayapang ina." Hagulgol niya. 

"Totoo ba ito?" Winika ni Danaya. "O isa na naman ito sa mga panloloko mo? Tiyak akong may masamang balak ka sa amin kaya mo ito ginagawa." Pagmamatigas ng sanggre.

"Pirena...Inagawan mo ng trono si Amihan." Dagdag ni Alena. "Pinagtangkaan mo ang kanyang buhay...Ginamit mo rin akong kasangkapan sa iyong mga balak." Hindi makapaniwala ang diwata.

"Napagbintangan ako sa kasalanang hindi ako ang may gawa." May galit sa tinig ni Danaya. "Napatapon ako sa mundo ng mga tao nang dahil sa iyo... ano ngayon ang balak mo?"


"Wala akong masamang balak sa inyo. Totoo ang aking mga tinuran." Lumuhod si Pirena sa harapan ng kanyang mga kapatid habang tuloy-tuloy ang kanyang pagtangis. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PINAGTAGPO, ITINADHANA  (ENCANTADIA / BOOK 3 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon