(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Ilang araw ang nakakalipas
"Sanggre Danaya? May dinaramdam ka ba?" Naglakad papalapit ang mashna sa sanggre.
Kita sa mukha ng diwata ang pagkabagabag nito. Ilang saglit pa ay sinagot niya si Aquil.
"Sa aking palagay..." Nagbuntong hininga ang sanggre. "Kailangan nang bumalik ang aking kapatid dito sa Encantadia..."
"Dahil ba ito sa muling pagbabalik ni Sanggre Pirena?" Sambit ni Aquil.
Hindi maiwasan ni Danaya na magbalik tanaw sa araw na iyon.
.
.
.
.
.
"Vedalje! (Kalaban!)" Dali-daling pumunta sa bungad ng kaharian si Danaya nang marinig niya ang sigaw ng mga kawal.
"Ano ang ginagawa mo dito..." Dinig sa tinig ng sanggre ang galit. "Traydor."
"Ano at kaylakas ng loob mong pumarito." Sambit ni Aquil habang nakahanda ang kanyang armas.
"Huwag kayong mag-alala , di ako naparito upang makipagaway. Narito ako upang makipagusap." Mahinahon na sagot ni Pirena. Kasabay nito ay pinakita ng sanggre ang kanyang mga braso.
"Bakit, ano ba ang nangyari sa iyo?" Tanong ni Danaya.
"Kagagawan ito ni Hagorn ... pinagtangkaan niya akong ipapaslang sa isang uri ng mga lumilipad na pashnea. Kaya't ibig kong makipagkasundo sa inyo." Nagtangkang lumapit si Pirena sa kanyang kapatid. "At makipagusap upang tuluyan na nating mapabagsak ang aking ama."
"Nagbibiro ka pa Pirena? Kami ba ay niloloko mo?" Hindi makapaniwalang tugon ni Aquil.
"Di ko kayo niloloko."
"Mukha nga na di ka nagsisinungaling." Hinarap ng sanggre ang kanyang kapatid. "Tila totoo nga na may namamagitang away sa inyo ni Hagorn. Away na di mo kayang labanan pagka't napagtanto mo nag-iisa ka na lang." Dagdag ni Danaya.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA (ENCANTADIA / BOOK 3 COMPLETE)
FanfictionAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ito ang ikatlong aklat. Upang masu...