OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:
COME WHAT MAY (NICOLE KIDMAN & EWAN MCGREGOR)
(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Ang Nakaraan
"Ilang taon din kaming nagkahiwalay...subalit kahit papaano ay nanatili ang paniniwala kong babalik siya." Sambit ng reyna. "Ngunit tila mas masakit ngayon dahil nasa harapan ko siya subalit hindi niya naman ako maalala."
Nakikinig lamang ang kanyang mga kapatid.
"Bata pa lamang tayo, nakasanayan ko na tuwing nariyan siya sa aking tabi ... may handang makinig at dumamay."
"At handang ipagtanggol ka." Dagdag ni Danaya. "Tanda ko pa ang pangako niya sa iyo. Kaya alam kong babalik din ang kanyang alaala."
"Dahil mas malakas sa kahit na ano pa mang kapangyarihan o sumpa...ang pag-ibig." Dagdag ni Alena. Hinagkan nilang dalawa si Amihan.
.
.
.
.
.
SA LIREO (KASALUKUYAN)
"... tapos ayon nga po, nakabalik na tayo dito sa Encantadia." Kwento ni Lira kay Ybrahim.
Tahimik lamang siyang pinagmamasdan ng Sapiryan. "Ilang araw mo nang inuulit-ulit ang iyong sanaysay...ilang beses ko rin bang kailangang ulitin na wala akong alam sa iyong mga sinasabi." Sagot nito.
"Tay, unli ito hanggang bumalik ang memory mo."
Gumagamit na naman siya ng mga katagang hindi ko maunawaan. Isip ni Ybrahim.
"Basta po, mangungulit ako nang mangungulit." Winika ni Lira. Napansin nito ang mga nakakalat na papel sa lamesa. "May mga drawing ka pala Tay, patingin." Hindi niya na hinintay ang sagot ng ama at lumapit siya.
"Sandali lamang." Akmang pinigilan pa siya ni Ybrahim.
"Wait..." Napatitig si Lira sa nakita. "Si nanay to ah..." Muli niyang hinarap ang rehav. "Tay?"
"Maaaring kahawig niya lamang." Sagot nito.
"Ayieeee ... deny pa si tatay, obvious naman." Madaliang kinuha ni Ybrahim ang papel. "Iba talaga ang feelings mo para kay nanay." Nangiti ang diwani.
Biglang nakarinig ang dalawa ng kaguluhan sa labas ng silid. Agad na bumukas ang pintuan.
"May mga bandidong sumusugod sa palasyo." Wika ni Mira sa dalawa. "Halika na Lira."
Susunod na sana siya sa pinsan nang marinig nila si Ybrahim. "Mukhang kailangan niyo ng tulong."
Bahala na. Bulong ni Lira sa sarili. "Tara po tay."
.
.
.
.
.
IBANG BAHAGI NG PALASYO NG LIREO
"Ano ang dahilan nito?" Pagtataka ni Danaya habang ipinagtatanggol ang sarili sa mga kaaway. Katulad niya ay nakikipaglaban din sa mga bandido sina Amihan at Alena.
"Nay! Ashti!" Sigaw ni Lira habang papalapit sa kanila. Kasama niya sina Mira at Ybrahim.
"Handa na ba kayo mga paslit na diwata?" Akmang susugod na ang rehav.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA (ENCANTADIA / BOOK 3 COMPLETE)
Fiksi PenggemarAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ito ang ikatlong aklat. Upang masu...