OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:
WAVES (DEAN LEWIS)
(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)
Ang Nakaraan
"Ano ang nangyari?" Pagtataka ni Amihan nang datnan niya ang mga sundalo sa labas ng piitan na walang malay.
"Natakasan na naman tayo ni Pirena." Galit na sambit ni Danaya. Ibinalita sa kanila ni Aquil ang naganap.
"May isa pa tayong suliranin. " Humarap sina Amihan at Danaya sa mashna. "Mukhang nawawala rin si sanggre Alena."
.
.
.
.
.
SA KAGUBATAN
"Ano ba talaga ang iyong layunin Alena at tinulungan mo akong makatakas sa piitan?"
Iniabot ng kanyang kapatid ang armas kay Pirena.
"Narinig ko ang inyong usapan ni Lira ... may alam ka tungkol kay Kahlil." Seryosong tugon ng diwata.
"Hindi ko alam ang kinaroroonan niya."
"Marahil nga ... subalit maaring may kilala ka na nakakaalam..." Pagpipilit ni Alena.
"At kung tama nga ang iyong sinasabi... bakit naman kita tutulungan?" Ang udyok ni Pirena.
"Isipin mo na lamang na ito ang kapalit ng pagpapalaya ko sa iyo."
"Sa iyong palagay ay sapat na iyon?" Ramdam ni Alena na maaring pabayaan lamang siya ni Pirena at tuluyan ngang iwan. Inilabas niya ang brilyante ng diwa. "Binigay sa akin ito ni Amihan bilang proteksyon."
"Ang ikalimang brilyante..." Tugon ni Pirena.
"Kapag nakita na natin si Kahlil ... muli tayong mag-usap." Tinignan siya ng sanggre. "Hanapin na muna natin siya." At nagsimula na ngang maglakad ang dalawa sa kagubatan.
.
.
.
.
.
SA KAGUBATAN (MAKALIPAS ANG ILANG ORAS)
"Noong umalis ako kina Hagorn, wala doon ang iyong anak." Sambit ni Pirena. Naalala niya ang unang pagkikita nila ni Kahlil.
Nakaraan
"Sino ka?" Inilabas ng diwata ang kanyang armas.
"Ako si Kahlil." Sagot ng encantado. "Anak ni Alena at Ybarro." Tila hindi makapaniwala si Pirena sa kanyang narinig.
BINABASA MO ANG
PINAGTAGPO, ITINADHANA (ENCANTADIA / BOOK 3 COMPLETE)
FanficAvisala! Dalawa ang tagapagmana ng Sapiro - ang magkapatid na sina Ybrahim at Ybarro. Itinago at inalagaan, lumaki si Ybrahim sa Lireo at maagang nakasama si Amihan. Ano ang magiging takbo ng kanilang kuwento? Ito ang ikatlong aklat. Upang masu...