ANG PAGKIKITA [ II ]

224 10 2
                                    

OPTIONAL BACKGROUND MUSIC/ SOUND TRACK:

BTNS (THE JUANS FT. JANINE TEÑOSO)

(Ilang linya ng mga tauhan mula sa Encantadia2016 ng GMANetwork)

Karagdagang mga tagpo (Lira at Pirena sa piitan) na maaaring basahin bago ang kabanata: 

https://www.wattpad.com/1173306326-pinagtagpo-itinadhana-one-shot-collection-sa


Ang Nakaraan

"Nagagalak ako at nakita ka na namin." Ngumiti ang rehav sa kanyang kakambal. "Matutuwa ang buong Sapiro sa iyong pagbabalik."

"Bilang isang prinsipe..." Napatigil si Ybarro. "Lumaki ako bilang isang mandirigma ... o gaya ng sabi ng nakakarami ... kabilang sa mga magnanakaw sa kabundukan ng Adjantao." Napatawa siya. "Hinihintay ko pa rin na may magsabi sa akin na isa lamang itong biro."

"Lumaki rin ako sa paniwalang kabilang ako sa mga diwata ng Lireo ... hanggang ngayon ay may bahagi pa rin sa akin na nagtataka." Seryosong sambit ni Ybrahim. "Pero kahit papaano ay nagpapasalamat ako sapagkat dahil dito ay nabigyan ako ng pagkakataon na makilala at makasama si Amihan."

"Ang hara ... " Sagot ni Ybarro. "Ang kapatid ni Alena..." Lumapit siya kay Ybrahim. "Kailangan nating mahanap si Alena ... " 

.

.

.

.

.

PALASYO NG LIREO

Dahan dahang naglakad sa bulwagan si Alena. Tila ba ninanamnam niya ang bawat haligi at sulok ng palasyo. 

Napakatagal na panahon din

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napakatagal na panahon din ... na nawalay ako sa aking tahanan. Isip niya.


Ilang sandali pa ay narinig niya ang kanyang pangalan. "Alena?" Lumingon ang sanggre.

"Binibiro ba ako ng aking mga mata? Ikaw nga ba yan..." Hindi makapaniwala si Danaya. 

Lumapit si Alena at hinawakan ang kamay ng kanyang kapatid. "Ako nga ... nagagalak akong makita kang muli." Niyakap niya nang mahigpit  ang sanggre.

"Labis akong nangulila..." Umiiyak na sambit ni Danaya. "Sa pag-aakalang wala ka na ... Tinanong ko noon kung bakit ikaw pa... bakit sa dinami dami ng nilalang sa encantadia...bakit ikaw pa ang dinala ni Emre sa Devas." Pinupunasan ni Alena ang luha sa pisngi ng kapatid. "...bakit hindi na lang ako..."Dagdag niya. 

Maya-maya pa't napansin ni Alena ang kasama ng kanyang kapatid.

"Hi po ashti..."Akmang nahihiya pa ang diwata. "Ako po si Lira...ang totoong Lira, totoong anak ni Amihan." Nakita ni Danaya ang pagtataka sa mukha ni Alena. "Pamangkin niyo po ako...hadiya."

PINAGTAGPO, ITINADHANA  (ENCANTADIA / BOOK 3 COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon