Chapter 15: Closeness
Adelicia's POV
Zzz uwiam na nag paalam naman na ako kay Cass may practice pa daw kasi silang Cheerdance. Pauwi na sana ako ng biglang nagtext si Aessa
From: Aessa
"At 7-11, be there at 2:00pm."
Received: 12:05
Napataas naman ang kilay ko. Pupunta ba ako o hindi? Okay okay pupunta ako since 12:07 palang, makakapag prepare at wala naman sila mom and dad sa bahay.
Itetext ko na sana ang driver ko ma sunduin ako ng biglang...
"Aray!" Natumba lang naman ako dahil sa lalaking tumatakbo at peste hindi man lang nagsorry! Bastos!
"Madapa ka sana! Bwisit!" Sigaw ko nalang
Lumingon lang siya at nag smirked. Ughhhh bwisit na yan! It's Spencer! Ugh fvckfvckfvck
May mga nagpresintang tulungan ako
Pinagpagpag ko ang black skirt na uniform ko na above the knee pati ang black socks ko at ang white blouse ko na may patong na color red. Good thing at hindi ako nasugatan or nagasgasan.
Naglakad na ulit ako with full of confidence. Gagung spencer yon ah, namumuro na yon! Wag niyang sabihing gusto niyang ibalik ang dati nung mga bata pa kami na laging nag aasaran at nag aaway, abaaaaaa game ako diyan!
Maya maya ay nasa parking lot na ako at dumating naman na ang driver ko at hinatid na ako sa bahay
Pagkapasok ko ng Mansion namin, binati naman ako ng katulong at binati ko din sila pabalik
Oh diba, ang ganda ko na nga, magalang pa. XD
Pagkaakyat kong kwarto, nadatnan ko na...
"What the! Bakit ang gulo ng room ko! Shit naman. Janaaaaaaaaaaaaaaaa!" Sigaw ko at hinanap si Janna sa bawat sulok ng mansion namin. Ugh this kiddo!
"Ay mam Ecia nasa pool area po siya kasama po niya dun ang mommy at daddy mo pati na din po yong poging lalaki hihihi" sabi naman nitong isang katulong namin
Dahan dahan akong pumunta sa pool area kung saan nandun daw sila. Eh sino naman kaya ang kasama nila? Hmm
Sumilip muna ako. Hindi naman nila ako makikita dito dahil nasa likod ako ng pader.
S-si Alpabeto? Seriously?
Nakaupo sila mom and dad sa wooden chair at mukang ang sarap sarap ng kwentuhan nila
Si Janna naman ay naliligo lang sa pool sa side na mababaw habang binabantayan siya ni Alpabetong Pilipino. Ugh Janna is wearing my bathing suit nung bata pa ako, psh yan yong favorite kong bathing suit ko nung bata pa ako eh! Yari ka sa 'king bata ka, kaya pala kalat kalat at ang gulo sa kwarto ko kasi kinalkal niya yang suit ko.
Ugh. That kiddo talaga
Aalis na sana ako nang bigla namang sumulpot sa harap ko ang isang katulong namin na may dala dalang juice
At sa kasamaang palad...
Nagkabungguan kami -_____-
Todo sorry naman siya. Tumapon naman ang mga juice sa school uniform ko, nabasag naman ang ibang baso. Napaatras naman ako
"Aw!" Sabi ko at tinignan ko naman ang paa ko. Ugh nakatapak ako ng ilang bubog. Tss
Third Person's POV
Nang makarinig naman ang mag asawang Quintin at si Abcdef na parang may nabasag, agad naman silang napatayo pati si Janna na naliligo sa pool ay umahon. Sinabi naman ni Abcdef na siya nalang daw ang titingin.
Pumunta naman na siya sa lugar na kung saan may narinig siyang nabasag sinundan naman siya ni Janna
Naabutan naman niyang si Adelicia na iika ika na paalis samantalang ang isang katulong naman ay nililinis ang mga nabasag na baso
"Janna go back to the pool." Utos ni Abcdef kay Janna, sumunod naman ito
Sinundan naman ng binata si Adelicia at nang malapit na siya dito, binuhat niya ang dalaga na para bang bagong kasal
Pumalag palag naman si Ecia
"Ghad! Ibaba mo 'ko! Makikita ni mom at dad to! Ano ba!" Inis na sabi niya sa binata
Hindi naman siya pinakinggan ng binata at patuloy niya itong binuhat. Wala naman nang nagawa ang dalaga
Iniupo naman siya ng binata sa sofa.
"Saan ba nakalagay first aid kit nyo?" Tanong niya
Inginuso naman ng dalaga ang CR nila. Nginitian naman siya ng binata at nagtungo nang CR
Pagkabalik niya ay umupo siya ng pa-indian sit sa haran ng dalaga. Kinuha niya ang kaliwang paa ng dalaga at ipinatong ito sa kanyang hita
Tinitignan lang naman siya ng dalaga at hinahayaan lang siya sa ginagawa nyang pagtitig nito sa paa niya
"Tititigan mo nalang ba ang paa ko? Nagulat ka ba kasi magkamuka pala kayo ng paa ko?" Nang aasar na sabi ng dalaga
"Ako mukang paa? Ahhhhh ganon ha?" Sabi naman ng binata
Marahan niyang ibinaba ang kaliwang paa ng dalaga at kinuha naman niya ang kanan.
"A-anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ng dalaga
"Mukang paa pala ha" sabi ng binata at sinimulan naman niya itong kilitiin ang paa
Tawa lang ng tawa ang dalaga at hindi siya makapalag dahil hinang hina na siya sa pagkiliting ginagawa sa kaniya ng binata
"Tama na hahahahaha gagi ka hahahaha alpabeto hahahaha waaaaaa hahahahah" tawang tawa sabi ng dalaga
"No no no. Muka palang paa ha." Sabi naman ng binata at kiniliti pa ng kiniliti ang paa ng dalaga
Maya maya pa ay tinigilan na rin niya ang pangingiliti dito. Hingal na hingal naman ang dalaga at puro mura ang natatanggap niya dito
"Gamutin na nga natin yang sugat mo at natuyo na yong dugo oh." Sabi niya at sinimulan naman na niya itong gamutin.
Nagkwentuhan lang sila ng kung anu ano. Naging magaan naman agad ang loob nila sa isa't isa. Puro tawanan at hampasan silang dalawa. Napagkwentuhan na din nila about nung mga bata pa sila.
"You look so sweet together. Seems like a perfect couple."
Nahinto naman sa pagtawa si Adelicia nang marinig niya ang mommy niyang nagsalita
--
THANK YOU FOR READING. VOTE & COMMENT. :)
- DaisySay
BINABASA MO ANG
The Girl and The Two Brothers
Teen FictionShe's Adelicia Quintin. Utterly a singer, together with her bandmates. She's hyper, makulit, pilosopo, isip-bata, joker, moody. Lahat na yata ng klase ng attitude na gusto at ayaw mo sa isang tao eh nasa kanya na. Lahat ng gusto nya kayang ibigay ng...