Chapter 17: Dumadamoves
Adelicia's POV
"I-ito na ba yong place?" Tanong ko kay Alpabeto. Geeez kung ito na talaga, ayaw ko nang umuwi! -_____-
Ito na ba ang tinatawag na paradise? Eh kasi naman ang ganda ganda eh. Pataas siya na puro grasss at puro bed of flowers, may mga puno dito sa baba na may mga baging, sabi nga ni Alpabeto pwede daw akong lumambitin para ako na daw si Jane na mahal ni Tarzan. Dahil sa dami nang nagtataasang puno dito sa baba eh napakalilim. Ang sarap ukitan ng pangalan ang mga puno. Meron namang hagdan na ginawa upang daanan papuntang taas. Tapos from here sa baba, matatanaw mo ang isang punong napakalaki na nandun sa taas. I wonder kung isa lang ang puno dun. Pero parang ayaw ko pang umakyat papunta dun. I-eenjoy ko muna dito.
"Doon tayo sa pinakamalaking puno! Gusto kong iukit ang pangalan ko dun." Turo ko dun sa Puno at hinila ko siya papunta dun. Nagpahila naman siya sa akin.
Nang makarating na kami sa tapat ng puno, tinignan ko naman ito dahil ang dami daming nang nakaukit na pangalan. -_____-
"Pano pa ba yan Ecia-dalawa wala nang space para sa iuukit mong pangalan mo." Sabi ni Alpabeto. Kita mo na, kita mo na, nakuha pa akong asarin!
"Ano ba yan! Hanap nalang tayo ng iba." Nagpalinga linga ako sa paligid, ano ba yan! Ito pa naman ang gusto kong ukitan eh. Tumalikod naman si Alpabeto sa akin at parang may binubulong
"iukit mo nalang dito sa puso ko pangalan mo kahit sakupin mo na lahat."
"Ha? May sinasabi ka Alpabeto?" Tanong ko sa kaniya, di ko kasi talaga narinig. Baka mamaya binubully na ako nito eh, kokotongan ko talaga siya.
"Wala wala, sabi ko dun tayo. Tara." Humarap siya sa akin at nginitian ako, hinawakan niya ang kamay ko at naglakad papunta dun sa sinasabi niyang puno
Habang naglalakad kami, nakatingin lang ako sa mga kamay naming magkahawak. Aware ba siya na hinahawakan niya ngayon ang kamay ko? Bakit iba ang pakiramdam ko sa pag hawak niya sa kamay ko. Parang bang may kuryenteng dumadaloy eh. Pero parang ayaw kong alisin sa pagkakahawak ang mga kamay namin. Oh ghad. Hinayaan ko nalang. G-gusto ko naman eh. Awwwww
Third person's POV
Nauuna sa paglalakad si Def habang magkahawak ang mga kamay nila. Kapwa sila tahimik, nagpapakiramdaman. Di naman makita ng dalaga na nakangiti itong si Def dahil nakahawak siya sa kamay ng dalaga. Bahagya niyang pinisil pisil ang malalambot na kamay ng dalaga.
"Ang lambot naman ng kamay mo, wala kang ginagawa sa bahay niyo noh." Sabi niya dito kay Ecia at napangiti siya.
"Edi sabihin mo kila mom at dad na wag na silang kumuha ng maid para ako na ang gagawa ng mga gawain sa bahay." Paawa effect na sabi ng dalaga
Lumingon naman sa kaniya ang binata at sinabayan na siya sa paglalakad, ibinitaw na ni Def ang kamay niya kay Ecia sa halip ay inakbayan niya ito
Napatingin naman si Ecia kay Def. Ganun din si Def. Kapwa naman sila napahinto at nagtitigan.
Palapit ng palapit.
Mukang di na aware si Ecia at parang siya na ang kusang lumalapit ang muka kay Def
Si def naman iniisip kung hahalikan niya ba ang dalaga kasi iniisip niya na hindi din dapat sapagkat nirerespeto niya, ano ba siya para halikan si ecia, yan ang nasa utak ni def.
Sa sobrang lapit na ng mga muka nila ay napapikit na ang dalaga
No. It can't be right now. Sabi ni def sa isip niya
Sa halip na halikan ni def ang dalaga sa labi, idiniretso niya nalang ito sa noo ng dalaga at niyakap ito.
Napabitaw naman ang dalaga at sinabing...
"Oh my ghad! I'm sorry, we almost ki---- nakayukong sabi ni ecia, dahil hiyang hiya na siya kay def
Tinakpan naman ng binata ang bibig ni Ecia gamit ang hintuturo niya, di naman naituloy ng dalaga ang sasabihin
"Tara na ecia-dalawa, malapit na tayo dun sa puno." Aya ni def at muling hinawakan ang kamay ng dalaga
Sinubukan namang patawanin ni def si ecia para mawala ang awkwardness na nararamdaman nila at gumana naman iyon.
Masaya lang silang dalawa habang ineenjoy ang kagandahan ng lugar. Parang bumalik nga sila sa pagkabata kasi naghabulan at nagtaguan pa silang dalawa.
Hanggang sa naramdaman nilang gumagabi na, nag aya naman na ang dalagang umuwi na.
Habang nasa sasakyan sila ni Def ay hindi padin mawala ang mga ngiti nila sa isa't isa.
Maya maya ay magtitinginan sila at biglang magtatawanan
"Ano ba Alpabeto, tama na nga ang tawa, you're driving eh at baka maaksidente tayo." Sabi ng dalaga at bahagya niyang hinampas sa braso ang binata pero mahina lang
"Hanggat kasama mo ako di tayo mapapahamak. Remember, I'm your savior." Sabay kindat kay Ecia
Umiling iling nalang si Ecia
Maya maya pa ay nasa tapat na sila ng bahay nila Ecia. Pinagbuksan niya naman ito ng pinto ng sasakyan
"Nag enjoy ako! Sana maulit ang pagpunta natin dun ha, bumabalik kasi pagkabata ko eh. Salamat ha, at kahit papano nawala mga bad vibes!" Yumakap naman siya kay Def
Tinapik naman ni Def ang likod ni ecia, iniharap niya sa kanya ang dalaga at hinalikan niya ito sa noo.
"Sige na pumasok ka na nang gate." Sabi ng binata na nakangiti
"Nakailang kiss kana ba sa forehead ko. Tsansing na yon alpabeto ha, dumadamoves ah!"-ecia
"Gusto mo naman eh."-def
"Ingat sa pagdadrive ha." Ecia said
Sumaludo naman ang binata, sumakay na siyang kotse niya at pinaharurot na ang sasakyan
Pumasok naman ang dalaga na hawak hawak ang noo niya
Sa di kalayuan, nakatanaw naman sa kanila ang kapatid ni Def na si Spencer.
Kanina pa niya sinusundan ang dalawa. Pati dun sa lugar na pinuntahan ng dalawa ay tahimik siyang nagmamasid hanggang sa paghatid ng kanyang kuya kay ecia
Napamura nalang siya. Iniisip niya na, mukang nauulit nanaman ang di dapat maulit. Mukang nagmamahal nanaman silang dalawang magkapatid sa iisang babae.
Pinahid na niya ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata. Sumakay na siya ng kotse niya at pinaharurot na ito palayo.
--
THANKS FOR READING. VOTE & COMMENT. :)- DaisySay
BINABASA MO ANG
The Girl and The Two Brothers
Teen FictionShe's Adelicia Quintin. Utterly a singer, together with her bandmates. She's hyper, makulit, pilosopo, isip-bata, joker, moody. Lahat na yata ng klase ng attitude na gusto at ayaw mo sa isang tao eh nasa kanya na. Lahat ng gusto nya kayang ibigay ng...