Chapter 10: Mortal Enemy
Spencer's POV
Siya pala ang vocalist ng minamanaged ni Ninong na banda. May talent pala ang babaeng 'yon?
Nang makita ko syang kumakanta kanina napangiti ako, p-para kasing nakita ko na siya dati at parang pamilyar kung pano sya gumalaw habang kumakanta
Hindi kaya sya ang batang babae na kapitbahay namin noong bata pa ako? Ang mortal kong kaaway noong mga bata pa kami?
Flashback
"Abi weyting por yu
Hir insayd may hart
Aym the wan hu wants to lab yu mor
uhhhhh ohhhhh"
Nasa terrace ako namin ng makita ko ang kapwa ko na batang kumakanta naman din sa terrace nila, may papikit pikit pa sya at may pagalaw galaw ng kamay habang hawak ang suklay na mic niya siguro. Nakakairita ang boses niya, pero ang cute cute niya
Patuloy padin sya sa pagkanta, kumuha naman akong papel, binilog bilog ko ito at ibinato sa kanya
"Aray ko! Mama mama! Huhuhuhuhu! Mamaaaaaaaaaaaa! Binato ako ng bata dun oh! Sabay turo niya sa akin. Mamaaaaaa! Pumunta ka dito sa taas mama! Sigaw siya ng sigaw habang umiiyak siya, pero mukang hindi siya naririnig ng mama niya kasi patuloy lang siya sa pagtawag sa mama niya
Hanggang sa tumingin siya sa akin. Tinignan ko rin siya nun ng seryoso at saka ako ngumiti at dinilaan siya
End of flashback
Napailing nalang ako sa naalala ko
Posible ngang siya yon, naaalala ko pa siguro halos mga 3 buwan lang kaming naging magkapitbahay dahil lumipat kami eh
Pero sa loob ng 3 buwan na iyon, ni hindi namin alam ang pangalan ng bawat isa, basta ang naaalala ko lang ay lagi kaming mag kaaway dahil lagi ko siyang inaasar pero lagi naman siyang kinakampihan ni Kuya.
Napangiti naman ako sa naalala ko, ang gwapo ko talaga
Author: Anong connect? -___-"
Pinatigil muna ni Ninong ang praktis sa banda, kaya nagtipon tipon naman kami ngayon dito sa sala para daw ipakilala ako sa kanila. Nangako kasi sa akin si Ninong na kapag nakahanap at nakabuo siya ng banda ay tutulong ako sa pag mamanaged nun dahil dati na rin akong may banda eh, yon nga lang ay nagkawatak watak kami dahil ang iba ay nagkapamilya na at tanging ako nalang ang hindi, actually ang pangalan ng banda namin noon ay "Your Greatest Lull", sa ibang bansa sikat ang banda namin kaya kakaonti lang ang nakakakilala sa akin/amin dito sa Pilipinas. Isa sa mga pinasikat naming kanta ay ang "Vulnerable".
Habang nakaupo kaming lahat, napapansin ko naman si Adelicia na iwas na iwas ang tingin sa akin
Sa tuwing magtatama ang mga mata namin ay iniirapan niya ako. Siguro naalala niya rin
"Hija, Adelicia? May masakit ba sayo? Kanina ka pa nakatingin sa pinto, kung hindi sa pinto sa sahig naman, kung hindi sa sahig sa kisame naman. Kanina ka padin hindi nagsasalita, masama ba pakiramdam mo hija? Tanong ni Ninong sa kanya
Kinapa kapa naman siya sa leeg at sa noo ng katabi niyang babae, Adriana yata ang pangalan. Nakita ko naman na kumunot ang noo niya sa ginagawa ng katabi niya
"O-okay lang ako, medyo nahihilo lang ho ako ng konti Manager." Sagot naman niya kay Ninong
Third person's POV
BINABASA MO ANG
The Girl and The Two Brothers
Fiksi RemajaShe's Adelicia Quintin. Utterly a singer, together with her bandmates. She's hyper, makulit, pilosopo, isip-bata, joker, moody. Lahat na yata ng klase ng attitude na gusto at ayaw mo sa isang tao eh nasa kanya na. Lahat ng gusto nya kayang ibigay ng...