♛Opening♛

245 3 0
                                    

Nagbukas na ang mahiwagang pinto sa North Gate at ang Portal sa Central Gate. Para sa mga bagong salta na estudyante ngayon. Naka-assign ako dito ngayon sa NorthGate kung saan karamihan sa mga bagong salta ay ang nakatadhana sa kanila ay Tubig at Lupa. Paniguradong mapapasubok na naman sila sa mainit na tubig ng lawa at ang mainit na disyerto. Training lamang iyon para sa kanila. Isa lamang iyong hologram na ginagawang tunay gamit ng mga may ability sa Technology at Electricity. Even lightning kaya nilang kontrolin pero member sila ng Council. Under ng council ang humahawak sa kanila.

---
Training Room..

Ang first dimension ay sa Lawa. Totoong lawa ito. Ang nakakapasok lamang sa lugar na ito ay lahat ng kayang kumontrol at magkontrol ng tubig o gumamit ng power na tubig. Kaya yung mga Lupa at nasa likuran ng barrier. Hindi sila makakapasok. Ako kaya kong kumontrol ng kahit ano, isa akong Master Wizard and Empress Vampire.

"You will start in 3,2,1... GO!" malakas na sigaw ni Danika. Siya ang Water Master and has an ability in electricity.

Naka-cross arms lamang akong nanunood ng labanan. Yung iba, nagsitalunan na sila sa lawa na kumukulo. Ang mission nila ay ang makahanap ng Pearl sa ilalim ng lawa. Pwede nilang gamitin yung abilities and power nila doon. Maraming napasinghap nang biglang umawas ang tubig sa lawa at naging dugo. Napasulyap ako kay Danika, she's in shocked. I knew it. May makakapasa nga ba sa kanila?

Iniwan ko sila doon at lahat ng mga Earth Student ay tineleport ko papunta sa training room kung saan naman naghihintay si Earth Master. Zero. Ang ability naman niya ay ang pagkontrol sa panahon at paggalaw ng mundo. Kaya niyang ibalik ang oras sa gusto o sa gusto niya.

Nagsimula ang training. Nagkaroon ng barrier. Nasa labas lamang ako ng barrier na iyon. Observer lang naman ako sa ngayon. Kung sino ang mapapapunta sa Upper at kung sino ang babagsak sa Lower. Nagsimulang gumalaw ang lupa pati ako ay napahawak sa tungkod na nasa gilid ko.

Tungkod?! Bakit nagkaroon ng tungkod dito?!

Nilingon ko naman kung sino ang may dala ng tungkod na ito. Pinalakas ko ang pang-amoy ko at napangisi.

"Master, I know your smell. Show yourself." bulong ko habang lumilindol pa rin.

Nakarinig ako ng mahinang tawa at unti-unting lumabas ang Master naming lahat. Actually di lamang siya Master. Siya pa ang Lord Master ng buong White Kingdom. Hindi siya matanda, nag-kukunwa lamang siyang matanda para maitago ang kanyang sarili.

"Kumusta sa Water Training?"

"Mukhang may makakapasok sa Upper Class. Umapaw ng dugo ang lawa. Hindi ko na lang hinintay, maganda nang ako na lamang yung magugulat." sabi ko sa kanya.

"You never changed,Empress." and he smiled. "Wala ka atang buntot ngayon." tukoy niya sa mga anak ko.

"Sa ngayon, nagte-training na rin sila kung saan sila mapapabilang ulit na Department." paliwanag ko.

Napalingon kami sa mga nagte-training. Karamihan na sa kanila'y sugatan at nakalupasay na sa lupa habang si Zero ay patuloy pa rin sa pagbabato ng napakaraming bato. Nasilaw naman ako sa malakas na pagsabog ng liwanag. Alam ko na ang mangyayari kaya naman nagpaalam na ulit ako kay Lord Master.

Sunod kong destination ay ang West Department kung saan ako nakaramdam ng kakaiba at lakas na inerhiya. Halos lahat ay gumamit ng kani-kanilang ability para lamang maka-iwas sa inerhiya na iyon. Pinasok ko ng walang pag-aalinlangan ang bolang pula at inaninag ko ang loob sabay kumpas ng aking kamay. Isang pulang ibon na nakatitig sa akin at dalwang estudyanteng nag-lalaban? At talagang dito pa sa Hallway ng West?! Malakas kong nilabanan ang inerhiya at nagpasabog ng sobrang laking bola sa gitna ng naglalaban. Hindi nila kontrol ang inerhiya. Nang sumabog ito huli na ang lahat na lahat ng nasa lugar na iyon ay napalipad kung saan. Malakas ang pagkakasabog na dahilan rin ng munting pagkahilo ko. Yari sa akin ang dalwang estudyante na iyon na ite-teleport ko na sana papuntang Disciplinary Office nang may yumakap sa akin.

She'll ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon