♛WKA: HER RETURN!♛

55 3 0
                                    

Ako ang may dahilan ng pag-ulan kanina. Pero hindi ko na alam kung saan nanggaling ang malakas na pagsabog kaya naman nagmadali akong lumabas ng bahay namin.

Mabilis kong sinundan ang amoy at doon ako dinala sa West Portal kung nasaan ang West Garden. Nakikipaglaban ang Knights ng Council sa biglaang paglusob ng mga Black Knights na ito!

"Saan ito nakadaan?" tanong ko kay Qreo na nakikipaglaban rin.

"Bukas ang West Portal. Darating na ang Prinsesa pero malaking harang ang mga Black Knights na ito."

"You mean?"

"Hindi mo ba nabalitaan?"

"Hindi."

"Nasan ka kanina?"

"Work."

"Darating na ang anak ni Lord Master na sinasabi nina Brylle,Master Henry at ni Princess Bell. Kaya naman todo bantay kami dito kasi alam na naming mangyayari ang ganito"

"Okay."

Pwede namang mga Knights nila ang ipangbantay dito? Ayaw kasing aminin pa na si Princess Bell ang pakay niya. Psh.

Inilabas ko ang inis ko sa lahat ng nakaharang sa akin at humaharang. Talagang hinintay kong palibutan nila ako bago ko isabog ang puting liwanag. Nang maubos naglakad na ulit ako palayo....

"Hindi mo ba sila hihintayin?"

"No need. Magkikita rin kami bukas." sabi ko sa kanya.

Bumalik ako sa bahay at kumuha ng konting damit at lumabas. Wala akong iniwan na sulat at kinuha ko ang kabayo ko. Nagsuot ako ng coat at nagpatakbo papunta sa Palasyo. Sa Palasyo lang naman ako masaya eh. Yung walang limit. Nakarating naman ako ng maayos doon.

"Ma.." at niyakap ko si Mama na naka-upo sa kanyang trono habang may lungkot sa kanyang mga mata.

Hanggang sa napahagulhol na naman ako. Biglang labas naman ng presensiya ni Thunder kung saan kumulog at kumidlat.

"She's back."

"Hush Baby... Nandiyan naman si Thunder. Mag-stay ka muna dito. Magapadala na lamang ako ng sulat sa asawa mo."

"Uuwi rin po ako bukas. Mag-i-stay lang ako dito ngayon." sabi ko.

"Thunder. Samahan mo na siya sa kwarto niya."

"Sure,My Queen."

Binuhat ako ni Thunder patungo sa kwarto ko dito sa Palasyo. I miss this place.

"Ipapatawag ang lahat bukas kaya ka hindi mag-i-stay dito diba?"

"Yeah. Hindi ko rin naman makakasama si Qreo. May kasama 'yon bukas." cold kong sabi sa kanya.

"Sleep tight,Empress."

Bigla akong tumayo nang may maalala akong pinupuntahan ko dati.

"Ayoko pang matulog. Thunder let's go!" hinila ko siya sa Garden ko.

Natatawa talaga ako sa mga gnome na nandito at mga Fairies. Pinagti-tripan kasi nila si Thunder na ikinatutuwa ko naman ng sobra-sobra. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko kapag nandito ako sa place na ito.

"ANO BA! STOP PULLING MY HAIR!" hindi na napigilan ni Thunder ang inis niya sa mga fairies na nasa uluhan niya kaya naman nag-burst out na siya. "Pipitikin ko talaga kayo--!" akma niyang pipitikin ang mga Fairies nang biglang nagsipulasan naman ang mga ito na ikinatawa ko.

She'll ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon