♛Greenfield Forest♛

24 1 0
                                    

"There's a trespasser! There's a trespasser! There's a trespasser! There's a trespasser!"



Nagulat ako sa maliit na nilalang na lumanding sa ulo ng aking kabayo. Hahawakan ko siya nang bigla niyang inilabas yung wand niya at napangiti ako nang mataranta siya nang hindi ako tinablan nung kapangyarihan niya.



"WITCH! THERE'S A WITCH HERE!!!!!" biglang lumaki naman yung boses niya.



Napabaling ang paningin ko sa kinatatayuan ko. Gumagalaw ang mga halaman at nagkakaroon ng mukha. Ganoon rin ang mga puno na gumagalaw ang mga sanga. Hangang-hanga ako sa kanila then suddenly napapalibutan na ako ng mga maliliit na nilalang na may mga pakpak. They are holding their own armors. Swords, bow&arrow, and others. They are ready to attack me when someone caught their attention. I looked up and saw a beautiful and tiny Lady with her gold shining and shimmering dress and a tiara on her head. Yumuko ako sa kanya na ikinaatras ng kanyang mga Army. Inalis ko ang saklob ko sa ulo at kitang-kita ko ang gulat sa mga mata nila. Lahat sila ay yumuko sa aking harapan at iginiya ako ni Lady Frower sa kanyang kaharian. It's a big big tree.



"Maraming salamat sa pagsilip sa aking kaharian. Anong maipaglilingkod ko sa iyo Empress?"




"I'm here for a pixel and a healing water."



Napakunot-noo naman siya at sumenyas. Maya-maya'y nawala ang mga taga-bantay at kaming dalawa na lamang ang nandito.



"Saan mo gagamitin Empress? Tandaan mong hindi kami basta bastang nagbibigay ng healing water lalo na't walang rason."




"Maglalakbay ba ako nang ganitong kalayo kung wala akong dalang rason? Ibabaon ko sa Montrey Kingdom ang healing water upang sipsipin iyon ng mga masasamang ugat na magiging ka-alyado nati sa labanan."




"Labanan? Matutuloy ba ang propesiya?" Bigla siyang lumapit sa akin at hinaplos ang aking pisngi. "Mamamatay ka. Mapapahamak kami. Hindi ko kayang mawala ka sa amin Empress. Ikaw ang buhay namin."



"Who says? Walang mamamatay sa atin. May magbabago pero walang mamamatay. Gagawin ko ang lahat, mabali lang ang sumpang iyon." Kumulog sa labas na ikinabigla ni Lady Frower.




"Empress. Kung may magbabago sino at ano? Paano na lamang ang mga anak mo?"




Lumayo ako sa kanya at inilibot ang aking paningin sa malaking punong ito.




"Mga anak ko? Anak ko pa rin sila. Once na may magtangka sa kanila, lalapat pa lamang ang kanilang mga sandata patay na sila. Hindi ko hahayaang mapahamak ang mga anak ko."




"Nararamdaman ko ang sincerety mo Empress. Ibibigay ko na sayo ang healing water at pixel. Ang pixel ang tutulong sa paglalakbay mo at ang healing water ang magpapalakas pa lalo sa iyo. Gamitin mo sa tama at makakarating ka nang malakas at maayos sa iyong patutunguhan."

"Maraming salamat sa pag-intindi Lady Frower. Ako'y hindi na magtatagal. Malayo pa ang aking lalakbayin. Maraming salamat muli."

Nagteleport ako at nandito na agad ako sa harapan ng aking kabayo. Tumingala ako para tingnan si Lady Frower.


"Hanggang sa muli Empress."

She'll ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon