♛EMPRESS♛

73 2 0
                                    

Hanna's Pov.

Kakarating ko lamang dito sa Academy kaninang umaga. Hindi ko pa lamang nalilibot ang buong Academy sa kadahilanang nag-training pa kami.

"Hanna, kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Aira.

Dorm mate ko siya dito. Mabait naman siya at ang power niya ay Apoy at may ability siyang mag-manipulate ng klima. Matagal na daw siya dito.

"Oo. Balak ko sanang mamasyal ngayon." sabi ko sa kanya. "Pwede ba?"

"Pwede naman. Wag ka lamang lalayo dahil gabi na at maraming Bampira ang naglilibot ngayon. Vampire's Night kasi ngayon." tumingin siya sa bintana. "Bilog na bilog ang buwan, at ngayon ang Training ng lahat ng Bampira." sabi niya at humiga sa kama niya. "Sige na. Wag kang matakot sa kanila. Mamasyal ka na. Wag ka lang lalayo. Wag ka ring pupunta sa North Forest." at natulog na siya.

Anong meron sa North Forest? Bakit bawal akong pumunta doon? Nacurious ako at lumabas ako ng Dorm. Naglakad-lakad ako. Sobrang tahimik dito sa East. Pumunta ako sa Central, marami-rami pang estudyante doon. Bukas pa rin ang Portal. Lumiko ako at napadpad ako sa lawa? Ito yung lawa kung saan ako nakipaglaban kanina.

Naglakad ako papalapit doon at dinampi ang palad ko sa tubig. Napakunot-noo ako ng maramdaman kong tumigil ang lahat. Pati hangin at galaw ng tubig. Napatingin naman ako sa liwanag na bigla na lamang lumitaw sa harapan ko.

Isang napaka-gandang babae. Kulot ang mahaba niyang buhok. Sobrang puti niya. Nag-i-iba't ibang kulay ang mga mata niya. Kumikinang ang balat niya na nasisinagan ng buwan. Sobrang pula ng kanyang labi. Ang tangos ng ilong at malalantik ang kanyang pilik. May korona siya sa noo. Nakadikit. At gold na gold. May hawak siyang wand. Naka-dress siyang puting-puti. Tube pa.

"U-ah--"

"Magandang gabi sayo,Binibini. Anong ginagawa mo sa lugar na ito ngayon?"

Ang sarap pakinggan ng boses niya. At ngayon ko lamang napansin na nakalutang siya sa lawa. Napa-atras naman ako.

"Ahm. N-na mamasyal lamang po ako. Ah--" nakaka-intimidate na makipag-usap sakanya at the same time nakakatakot.

"Don't be afraid,Hanna. I won't bite you."

Napatingin ulit ako sa kanya at namangha. She knows me even I didn't tell her my name?

"Gusto mong mamasyal diba? Gusto mong sumama sa North Forest?"

"Wag kang pupunta sa North Forest." naalala ko yung sabi ni Ate Aira.

Tumayo ako at sunud-sunod na umiling. Hindi pa rin nawawala yung ngiti niya pero iba na yung ngayon.

"Pasensya na po pero pinagbabawalan po akong pumunta doon. Maraming salamat na lamang po."

"You're a honest person. And I like you,Hanna. Be who you are and never change." then unti-unti na siyang nawawala.

"Sino po pala kayo?"

She just smiled and didn't answer my question. Saka siya nawala. Sino ba siya? Anong ginagawa niya dito sa lawa? Water Master rin ba siya?

Maraming tumatakbong tanong sa ipan ko nang biglang tumawag sa akin na ikinabigla ko.

"Hanna!" mahina lang siya para marinig ko.

"A-aira!"

"Kanina pa kitang hinihintay. Anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya.

Bigla siyang napa-atras at ngumiwi ng didiretso sana siya sa akin. Napatitig ako sa barrier. At napakunot-noo naman ako.

"A-aira!" dinaluhan ko agad siya ng magkaroon siya ng galos sa braso.

Tiningala ko yung barrier. At ibinalik ko ang tingin kay Aira na naka-ngiwi na ngayon.

"Hindi talaga kami pu-pwedeng pumasok o pumunta man lamang malapit sa lawa." tinitigan niya ako. "Mga matataas na tao lang ang nakakapasok diyan saka mga Water Benders." dugtong niya.

Tinulungan ko siyang tumayo. At naalala ko yung babae sa lawa kanina.

"Aira."

"Hmm?"

"May gusto sana akong itanong sayo."

"Ano 'yon?"

"May kilala ka bang babae na naglalakad sa ibabaw ng lawa?"

Napalingon naman siya sa akin at napahinto sa paglalakad. Nakakunot-noo pa siya sa akin at tumingin sa paligid.

"Anong ibig mong sabihin?"

Napakamot ako sa batok ko at bumuntong hininga sa rami ng tanong sa utak ko.

"Balak ko sanang tumambay sa lawa nang biglang may lumitaw na nakakasilaw na liwanag at doon ko nakita yung tinatanong ko sayo. Yung babaeng naglalakad sa ibabaw ng lawa. Maganda siya. Mala-dyosa ang ganda niya. Sobrang puti niya at kumikinang ang balat niya kapag natatamaan ng sikat ng buwan."

Napa-jaw dropped naman siya sa akin. Kaya huminto ako.

"G-ge. Pagpatuloy mo." sabi niya sa akon.

"May tiara ata iyon? Basta may tiara siyang gold sa noo saka may hawak siyang wand? Ewan. Gold rin ang wand niya eh.. Ewan. Ewan." sunod sunod kong sabi nang maalala ang katanungan sa utak ko. "Tinanong ko pangalan niya. Nginitian niya lang ako at umalis na."

"Niyaya ka ba niya sa North Forest?" tanong niya sa akin.

"O-Oo. Pero di ako sumama. Bago lang ako di---"

"Hindi ka niya papabayaan. Dapat sumama ka na lang. Mag-e-enjoy ka pa keysa sa pag-uuli mo ngayon ng mag-isa." sabi na naman niya.

Ramdam ko yung panghihinayang niya at the same time. Nakangiti na siya ngayon.

"W-Wait. Di ba pinagbawalan mo ako kanina?"

"Pinagbawalan kita,OO. Pero kapag may nagyaya sayo o dalwa kayo pwede ka doon. Ang swerte mo rin at nakita mo siya. Isa siyang Bampira,Hanna." sabi niyang nakangiti sa akin habang pinagpatuloy ang paglalakad. "Bampira siya at hindi ka niya hahayaang mapahamak sa North Forest kung saan nagaganap ngayon ang Vampire Night o sa madaling salita Training ng lahat ng bagong Bampira."

Napatigil naman ako sa paglalakad. Halo-halong emosyon ang dumaloy sa buong sistema ko ngayon. Ngayon lamang ako nakaramdam ng takot at lahat ng energy ko na-drain.

"H-Hoy! Anong nangyari sayo?"

"Natatakot ako sa kanya. What If kung sundan niya ako at kagati----"

Biglang tumawa ng malakas si Aira na pinagtaka ko. Naramdaman niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya tumahimik na siya pero natatawa pa talaga siya.

"Huwag kang matakot sa kanya. At lahat ng bampira na kabilang sa White Clan ay hindi nananakit sa kanyang kakampi ng wala man lamang dahilan. Yung nakita mo kanina siya si Empress."

"Empress? Reyna?"

"Nope. Empress. Ang Reyna dito ay ang Mother ni Empress na nasa Palasyo ngayon. Empress Frencheska Moore. Empress siya ng lahat ng Bampira at S+ Wizard Master rin siya. Tara na nga! Makikita mo rin naman si Empress mamaya sa klase! Inaantok na ko." reklamo ni Aira.

Nagpahila na lamang ako sa kanya patungo sa aming kwarto. Nauna pa siyang nakatulog keysa sa akin. I need a break right now. -.-"

She'll ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon