Prologue

18 1 0
                                    

Noong sakop pa ng Hapon ang Pilipinas, may nabuhay na isang lalake na nagngangalang 'Roberto'. Sobrang pilyo niya. Kaya ang mga nililigawan niya'y hindi siya sinasagot.

"Ano ba naman ang buhay na ito? Wala pa'kong napapasagot na babae." Nagtatampo siya.

"Lalake ka , may magkakagusto rin sayo. Maghintay ka lang." Sabi nang kaibigan niya.

Nang sumunod na araw, may nakita siyang isang babae pagkaganda-ganda. Isang dayo ito. Agad siyang nahumaling sa babaeng ito. Lumapit siya rito.
"Kumusta, aking sinta? Sa ganda mo'y lahat natataranta!" Sabi ni Roberto. Tila nagpakipot ang babae't tinakpan ang kanyang ngiti ng kanyang pamaypay.
"Sandali lang at ako'y may kukunin at ang pag-ibig ko'y iyong damhin." Sabi ni Roberto't pumunta sa hardin ni aling Carmencita para kumuha ng tatlong mapupulang rosas.

Agad itong bumalik sa babaeng niligawan niya.

"Tanggapin mo itong tatlong rosas, simbolo ng pag-ibig kong walang kupas. Pagmamahal ko sa iniirog ko'y wagas, sapagkat ang puso ka'y walang butas." Sabi ni Roberto pagkatapos niyang ibigay ang mga rosas.
"Maaari ko bang hingin ang pangalan, ng isang magandang dilag sa'king harapan?" Tanong ni Roberto.

"Ang pangalan ko'y Adelina." Sagot ng dilag. Tila napakahina ng boses niya pero ito'y maganda sa pandinig. Tinawag na agad si Adelina ng kanyang ina at pinapasok ito sa kanilang bahay. Habang papasok si Adelina sa kanilang pinto ay agad itong lumingon at saka ngumiti ito kay Roberto.

Nagpatuloy ng pagdalaw si Roberto sa pamamahay nina Adelina. Batid na ni Adelina na may balak na si Roberto manligaw sa kanya. Hanggang sa isang araw, dumalaw si Roberto sa bahay nina Adelina. Bukas ang harapang pintuan kaya pumasok siya ng walang pag-aalinlangan.
"Araw-araw na akong nandito. Hindi na siguro masama kung pumasok ako dito." Sabi niya habang paakyat ng hagdan. Tumungo agad si Roberto sa sala dahil don palaging nagpa-piano si Adelina. Sa halip na makita niyang masayang nagpa-piano si Adelina, iba ang naging eksena. Nakaupo si Adelina sa kanilang sofa na may kasamang lalake. At sa kabila namang sofa ay nakaupo ang nga magulang ni Adelina. Nabigla ako sa mga pangyayari. Agad akong nakita ng mga taong nakaupo sa sofa. Sila'y nagsitayuan. Gusto kong gibain ang bahay na ito. Kaso lang hindi ko magawa dahil hindi naman akin ang bahay na ito.

Agad na tumakbo si Adelina papunta sakin at sinabing "Roberto, magpapaliwanag ako."

Agad ko siyang sinumbatan ng mga maaanghang na salita na til may nakain akong siling labuyo. "Magpapaliwanag, Adelina? Akala ko ba payag ang mga magulang mo sakin? At ipinagpalit mo pa ako sa isang," pinutol ko ang pagsasalita koat itinuro ang lalakeng kalaguyo niya. Hindi ako makapaniwalang siya yon. May namuong luha sa aking mga mata na parang babagsak ang napakalaking bagyo."Adelina, ang mismong kaibigan ko pa? Bakit, Adelina, bakit?"

"Roberto, ipinagkasundo lang ako sa kanya. Hindi ko nalaman na siya pala'y matalik mong kaibigan." Sabi ni Adelina na may tumagaktak na luha sa kanyang mata. Agad kong tinignan ang mga tao sa loob ng silid kung saan ako naroroon.At inihuli ko si Adelina. Agad as kong pumunta sa kanilang kusina. Sinundan nila ako na parang buntot ko sila. Kumuha ako ng kutsilyo. Itinutok ko yon sa aking tiyan. At sinabi ang mga katagang
"Nagpakilala ako sayong tumutula, pwes, mawawala rin ako ng tumutula. Nung una tayong magkita,
Banta ko'y tayo na.
Hindi ko akalaing ika'y magtataksil,
Ngayon ako sayo'y nanggigil.
Isinabwat niyo pa ang akala kong kaibigan,
Kinaibigan lang pala ako para pagtaksilan.
Ang bahay na'to ang naging saksi,
Ng mga panliligaw ko sa iyong tabi.
At ang bahay na rin na ito ang magiging sanhi,
Ng mga magiging kamalasan dine.
Ngayo'y tatapusin ko ang aking buhay,
Gamit ng kutsilyo na hawak ng aking kamay.
Pero kaluluwa ko'y hindi tatantanan ang inyong dugo,
Lahi niyo'y aking minumulto."

At kinitil na nga ni Roberto ang kanyang buhay gamit ng kutsilyo. Lahat ay nabigla dahil ang bilis ng mga pangyayari.

Ghost BustedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon